Another Day without your Smile

72 2 1
                                    

Paggising ko, umaga na pala. Nakatulog akong umiiyak. Buti nalang at naka-lock ang pinto kaya di nakapasok si mama sa loob.

Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Pagharap ko sa salamin, napasimangot ako.

Paano ba naman gaganda ang umaga ko? 

Kung ang makikita ko ay ganito??

Ang mga mata.. 

namamaga..

ang buhok, parang bruha sa pagkakasabog!!

Hayyyssstttt..

pano nga ba ako magugustuhan ni Akiro??

Daig ko pa ang baliw sa ayos ko ngayon..

Tsk. 

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Nangalumbaba ako sa mesa dahil sa lungkot.. Nakipagtitigan ako sa pritong tilapia na nakahain sa mesa..

" Bakit kaya ganoon? Kung sino pa ang mahal mo... Awww!! "

nasapo ko ang ulo ko sa sakit. Paglingon ko, si mama pala. May hawak na sandok, yun yung ginamit niya pangkotong sakin.

" Arayy Ma! Ang sakit naman non! "

" Diyan nasaktan ka, pero yung sakit sa pagpapalipas ng gutom di mo naramdaman!! Sabihin mo, ikaw yung umiiyak na parang hiniwalayan ng asawa kagabi ano? "

" Hala Ma! O.A, hindi ah!! "

" O.A ka diyan.. o anong ine-emote-emote mo kagabi ha? Akala mo ba di namin narinig ng tatay mo yon? "

" Mukha mu Ma. di ako umiiyak kagabi nuh.. guni-guni niyo lang  yon ni papa! "

" Ah.. kaya pala pabalik-balik dito ang pinsan mo, tinatanong kung kamusta ka na? "

Linsyak! Pahamak talaga yang si Rye kahit kailan!!!

" O ano nga? Basted ka? "

" Mama naman.... "

" Mama naman " panggagaya sa'kin ni Mama. Nangalumbaba nalang ako sa mesa. Wala na akong magagawa, narinig na nila eh. Ano pang gagawin ko?? Brrffttt!

" Kumain ka na diyan, hindi ka naman non mamahalin kahit magpakamatay ka pa sa gutom diyan. Hala, ubusin mo lahat ng pagkain diyan. Wala kong pakialam, wag mo lang gutumin yang sarili mo. "

" Hindi pa ako gutom Ma. "

" Bahala ka diyan. O siya, pupunta muna ako sa palengke. Pagbalik ko gusto kong makitang ubos na lahat ng pagkain dito sa bahay. "

" Ano ako Ma? Patay-gutom?? Haller... Excuse me Ma, pang-model type tong anak nyo no. "

" Pang-model type pala. Broken-hearted naman. "

" Eee.. parang di ka dumaan sa pagkaganito ah. "

" Excuse me... aalis na nga ako. "

Natawa ako kay Mama. Iwas-pusoy kahit kailan! Pero natutuwa ako kasi kahit ganoon, kahit alam nilang broken hearted ako. Pinakita pa rin nila ang suporta nila sa  akin. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

tenen!!

hello there! XD

The Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon