Umuwi akong luhaan dahil sa nakita ko.
Hindi ko akalain na sila na pala ng bestfriend ko..
Hindi ko mapigilan ang luha ko...
Bakit ba ako umiiyak???
Wala naman kaming relasyon ni Akiro..
Wala akong karapatan na masaktan!!
Nakasalubong ko pauwi si Rye ...
Nagulat siya ng makitang umiiyak ako..
" Pinsan.... "
" Okay lang ako.. okay lang ako ... "
tinatabig ko yung mga kamay niya sa harap ko..
alam ko gusto niya kong aluin pero sa ngayon gusto ko lang talagang mapag-isa..
" Jinry -- "
" Please. Gusto ko munang mapag-isa ... "
Tumakbo ako papasok ng bahay ..
buti nalang wala pa sina mama at papa..
pwede pa akong umiyak ng walang mang-iistorbo.
dumiretso ako sa loob ng kwarto at dumapa sa kama...
*sob*sob*sob*
Ang hirap naman pala ng ganito..
Ngayon na lang ako nagmahal..
Tapos eto pa mapapala ko ...
Parang tinutusok-tusok ng karayom ang puso ko...
Seriously,
naramdaman ko talaga na para akong sinasaksak ng paunti-unti at ang sakit-sakit ng dibdib ko..
I don't know anything about love and about getting hurt..
First time ko tong maramdaman at ang gusto ko lang ay umiyak ng umiyak...
Nakita ko yung letter ko sana para kay Akiro...
I stared at it for a long time...
I decided not to give it to him anymore..
What's the use????
>.< I felt so helpless..
Inisip ko ang mga nakita ko kanina...
Para akong baliw na tumatawa habang umiiyak..
*tok*tok*tok*
" Sino Yan? " *sniff*sniff*
" Pinsan... Rye to. "
" Di ba sabi ko gusto ko muna mapag-isa?? "
" Alam ko. May ibibigay lang ako sa'yo, tignan mo nalang. "
Sinilip ko yung pinto,
may nakita akong nilusot niya sa ilalim ng pinto..
curious ako kaya tumayo ako at nilapitan ko ...
WESTLIFE FULL CONCERT
SYETE!
matagal ko na tong inuungot sa kanya..
kailangan ko lang palang magmukhang kawawa at mag-iiyak sa labas bago niya ibigay to.
Habang tinititigan ko yung cover..
Ayun naman yung maliliit na punyal na tumutusok sa puso ko..
Anak ng teteng!
Di na ata titigil sa pagluha ang mga mata ko..
Halos isang gallon na ata ng tubig ang nawala sa katawan ko eh >.<
Pinahid ko ang mga luha ko tsaka lumapit sa dvd player ko..
Press play |>
Hinanap ko agad yung
" WHAT MAKES A MAN "
naiiyak na naman ako..
T.T
Akala ko dati, kapag nagmahal ka at pinakita mo na ikaw ang the best para sa kanya, mapapansin ka na niya.. hindi pala enough lang ang pagiging the best. Dapat ikaw ang maging perfect! Dahil kahit anong gawin mo para maging the best, laging may perfect sa paningin niya.
Narinig kong dumating na sina mama at papa.
Nilakasan ko yung volume at humiga sa kama..
wala ako sa mood kumain at wala rin ako sa mood makihalubilo kahit sa mga magulang ko.
Ayokong makaramdam ng kahit ano..
Gusto kong maging manhid kahit ngayon lang...
Dahil bukas...
Bukas... hindi ko na alam kung paano pa humarap sa kanila..
Ikaw??
Anong gagawin mo if the only man you love is unfortunately committed to your bestfriend???
Parang ang hirap noon di ba??
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Panget ba ng UD ko??
hehe.. di ako makapag-emote eh ....
bati kasi kami ni pag-ibig ngayon XD
wala akong dapat na ipag-emote haha.
pasensya sa update XD
hindi pa po siya tapos ...
Thank You!
BINABASA MO ANG
The Perfect Two
Teen FictionAkiro was Jinry's first love, I guess until now kahit hindi sila nagkatuluyan.. si Aki parin ang mahal niya. Well, you guys have to find out kung anong kakahantungan ng kwento ng pag-ibig ni Jinry. Makuha din kaya siyang mahalin ni Akiro? *** don't...
