SPIA: LOVE & LIES- CHAPTER 17

20 4 0
                                    


LOUISE CHLAIRE's POV

Pagkatapos naming maglunch, naisipan kong bumili ng mga libro sa National Bookstore. Halos lahat na kasi ng mga books ko sa bahay nabasa ko na kaya ito, bibili ako ng bago. Sumama naman ang dalawang lalaki dahil wala naman daw silang gagawin kaya isinama ko na lang.

"Ano ba ang hinahanap mo? Tulungan kita." pag-aalok ng tulong ni Thaddeus.

"Ah. Kung ano lang, yung mga hindi ko pa nabasa." sagot ko.

"Ah. Ano bang genre ang binabasa mo?" tanong niya ulit.

"Science fiction ang gusto ko, pero minsan nagbabasa rin ako ng romantic novels." sagot ko.

"Ah. sige!" saad ni Thaddeus at nagsimula na ding maghanap sa mga bookshelves.

At ako din, naghanap din ako sa mga bookshelves. Halos lahat naman ng mga nakikita ko nabasa ko na eh!

Hanap. Hanap. Hanap.

Isang science-fiction novel ang nakakuha ng aking atensyon.

THE XXXXXXXXXX

written by: Pasquale Jevs Williams

Tama ba ang nakikita ko? Bigla ko ding napansin na wala sa area namin si Jevs. Saan kaya iyon?

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bookstore at nakita ko siya sa area ng mga romantic novels. Anong ginagawa niya doon? Lumapit ako sa kanya para tanungin kung siya ba talaga ang author ng novel na ito.

"Jevs!" tawag ko sa kanya habang palapit ako sa kanya.

"Bakit? May napili ka na?" tanong niya sa akin.

"Oo, ito." sabi ko at pinakita ang novel na hawak ko. Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang book.

"Saan mo nakuha iyan?" tanong niya.

"Sa foodcourt!" pilosopo kong sagot. "Ikaw ba talaga ang author nito?" dagdag kong tanong.

"Oo. Bakit?" tanong niya.

"Wow! Galing ah! Writer ka pala?" obvious naman 'diba Chlaire?

"Ah, oo. Hehe!"

"Naghahanap ka ba ng mga romance novels?" tanong ko kahit obvious naman eh!

"Oo. Nahihirapan akong magsulat ng romantic novel kaya ito, magababasa ako para makakuha ako ng mga techniques kung paano magpakilig." hindi na kailangan. Magaling ka naman d'yan 'diba? Kilig na kilig kaya ako sa'yo lagi eh!

"Bakit ka ba nagpalit ng genre?" curious kong tanong.

"Wala. China-challenge ko lang ang sarili ko. Pero hindi ko naman iiwan ang science-fiction. Pero mukhang hindi para sa akin ang romance eh!" sagot niya. Huh? Para nga sa marami pinakamadaling isulat ang love stories eh!

Sabagay, mahihirapan ka naman talagang magsulat kung hindi ka inspired!

"Gusto mo turuan kita? Hindi ako author pero reader ako kaya medyo may alam ako sa mga ganyan." alok ko sa kanya. I can say na expert na ako sa mga love stories dahil sa dami ng love stories na nabasa ko.

"'Wag na! Nakakahiya sa'yo." pagtatanggi niya. Okay. Edi 'wag!

"Sige, pero pwede pabasa? Anong title?"

Sa Puso ng Isang Author: LOVE and LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon