LOUISE CHLAIRE's POV
Habang nasa biyahe kami papunta sa bahay, hindi naman tumigil sa kakabanat si Jevs.
"Alam mo Chlaire, ang pag-ibig ko sa'yo, parang sign na yan." sabay turo sa no U-turn sign."No U-turn, kasi hindi ako yung tipo ng taong kapag nakitang may traffic papunta sa'yo, liliko na na at agad-agad na susuko at maghahanap ng ibang ruta." Okay. Siya na ang loyal.
"......" pero tahimik lang ko.
"Alam mo Chlaire, parang kotse lang ako at ikaw ang traffic light. Handa akong maghintay sa'yo hanggang ibigay mo sa akin ang go signal kahit gaano pa katagal." Okay. Siya na ang patient.
"....."
"Hoy Chlaire magsalita ka naman!"
"Alam mo ang ingay mo! Nonsense words just add carbon dioxide to the atmosphere! Alam mo din ba iyon?"
"I know. Itinuturing kasi kitang bulaklak, at ang mga halaman ay nangangaylangan din ng carbon dioxide." Okay. Siya na ang magaling sa science.
"Che! Buhusan kita ng gravy diyan eh!"
"Sige. Nakahanda ako." Ay! Boy scout! Always ready and prepared.
"Manahimik ka na nga lang." sabi ko at sumunod namans siya. Okay, obedient din siya. Wow perfect! Lahat na nasa kanya. Except... AKO! Char!
Patuloy lang naman siya sa pagda-drive. Napansin kong iba ang dinadaanan namin. Hala! Saan ba ako dadalhin ng lalaking ito?
"Uy! Saan tayo pupunta." baka a-ubduct-kin ako ng lalaking ito!
"Basta. Traffic doon eh!" sagot niya.
"Akala ko ba kahit alam mong traffic, hinding-hindi ka mag-iiba ng ruta, hinding-hindi ka susuko?" haha. Nakikinig kaya ako sa kanya nang mabuti kanina.
"Alam mo kasi minsan. Kahit paiba-iba ka ng ruta, iba-iba ng sasakyan, mabagal man o mabilis, basta tatandaan mong laging sa'yo ang paroroonan ko." Ay! Edi siya na! Siya na talaga.
Patuloy ulit siya sa pagda-drive at hindi nagtagal nakarating naman kami sa paoroonan namin. Char!
Welcome to casa Smith!
Pagdating sa bahay nagluto naman agadsi mama ng biko. Normal lang siya na biko pero favorite ko talaga ito. Nasa bahay din pala si Kianne. Tinext ko na magluluto si mama ng biko. Eh favorite din niya 'yon kaya pumunta agad ang loka sa bahay. Nag-stay lang naman muna kaming tatlo sa sala habang niluluto ni mama ang biko tapos nanood lang kami ng TV.
Nag-away nga muna kami kung ano ang panonoorin naming channel. Kung Disney Channel o cartoon network kaso inagaw ni Jevs ang remote at nilipat ang channel sa nickelodeon. Nagkasundo naman kaming tatlo kasi Make it Pop na sa nickelodeon. Fvorite ko talaga 'tong TV series na ito. Idol ko kaya ang XO-IQ. Favorite ko doon si Sun Hi. Pagkalipas ng ilang minuto, naluto na ang favorite naming biko. Kumuha kami ng tig-isa-isang plato at kanya kanyang kumuha ng biko.
"Masarap?" tanong ko kay Jevs.
"Ah---oo!" hindi siya nagsasabi ng totoo.
"Alam kong nagsisinungaling ka." sabi ko.
"Ah--eh. Ang tabang eh!" sagot niya. Sabi na nga ba eh. Talagang matabang ang biko ni mama dahil lalagyan pa yan ng chocolate ice cream.
"May kulang pa kasi. Ayan!"sabi ko sabay patong ng tatlong scoop ng ice cream sa plato niya.
"Kaya pala parang may kulang. Parang ako lang kung wala ka!" ay! Edi ako na ang ice cream sa biko niya. Char!
"Manahimik ka na nga lang kayo. Ang sarap-sarap ng pagkain oh!" singit ni Kianne. Hahaha! talaga
BINABASA MO ANG
Sa Puso ng Isang Author: LOVE and LIES
Fiksi Remaja"Chlaire! Bakit mo ako iniiwasan?"-Jevs. "Iniiwasan?"-Chlaire "Ano bang nangyari? Napakaclose natin dati tapos biglang... Ano ba kasi iniiwasan mo ako?" "Hindi kita iniiwasan. Hindi ikaw." "Eh sino?" "Wala ka na dun!" "Sino nga!" "Wala ka ng pakiala...