SPIA:LOVE AND LIES- CHAPTER 22

1 1 0
                                    


LOUISE CHLAIRE's POV

"Bye 'nak! Ingat kayo sa biyahe!"

"Ano ba naman yan ma'! Bawal mag goodbye. See you soon na lang! Parang ayaw mo naman ako pabalikan niyan eh!"

"Sige. See you soon anak! I love you!" pagtatama ni mama. Ang sweet naman ng mama ko.

"See you soon din ma'! 'Wag mo akong mamimiss baka bigla kang bumiyahe papunta doon ng hindi oras."

"Sige na nga 'nak. Naghihintay na si Jevs sa labas o!" sabi ni mama tapos tinuro si Jevs na naghihintay lang sa labas.

"Sige po ma'." pagpapaalam ko at binigyan ko muna siya ng mahigpit na mahigpit na yakap bago lumabas na ng bahay.

Noong nakita ako ni Jevs dala-dala ang mga bagahe ko, nagmadali siyang lumapit sa akin para tulungan ako. Naks naman! Edi siya na ang gentleman!

Sumakay na ako ng van nila. Nakakahiya kasi nandoon din pala sina tita Liz at dalawa niyang batang pinsan. Pinaghintay ko pa talaga sila.

"Itong van ba na ito ang sasakyan natin papunta doon sa Capul?" tanong ko sa kanya pina-fasten ang seatbelt ko. Nasa tabi ako ngayon ng driver's seat at si Jevs ang driver namin kaya magkatabi kami.

"Ah. Oo. Medyo matatagalan pa tayo kapag mabu-bus pa tayo eh!" sagot niya.

Ngayon ko lang napansin. 'Diba family reunion ang pupuntahan namin? Eh bakit wala sina James at Thaddeus? Magpipinsan sila 'diba?

"Nasaan po si James at si Thaddeus? Hindi po ba sila sasama?" bigla kong naitanong. Nacurious talaga ako eh.

"Hay naku! Noon pa man hindi na sila sumasama. Mahirap kasi silang pagsamahin sa isang lugar, kung magkasama naman sila, puro gulo lang kaya mas pinili na nilang umiwas na lang sa isa't-isa." sagot ni tita Liz. Ano ba kasi talaga ang nangyari kung bakit laging magkaaway ang dalawang magpinsan na 'yon?

"Ah kaya pala." 'yon lang nasabi ko at tumahimik na. Nakakahiya naman kasi magtanong pa eh! Parang chismosa naman ang dating ko niyan. Well, oo pero dapat hindi ko naman dapat pinapahalata especially sa future family ko. Char!

"Kung sinu-sino pa ang hinahanap eh nandito naman ako." bulong ni Jevs pero loud enough para marinig ko.

"Ano 'yun?" tanong ko kahit narinig ko naman. Ganun tayo eh! Magtatanong pa kahit obvious na! Pauulitibn kahit narinig kasi gusto niya, Hay naku!

"Wala." sagot niya at nagfocus nalang sa pagda-drive. Capul here we go!

After ilang hours, nakatulog ako. Ang layo pala kasi talaga ng Capul na iyon eh! Paminsan minsan humihnto kami para kumain, magpahinga o kung anu-ano pang kaartehan.

"Nandito na ba tayo?" tanong ko kay tita Liz habang tinutulungan silang ibaba ang mga bagahe namin.

"Wala pa. Nasa Matnog port palang tayo pero malapit na. Sasakay lamng tayo ng bangka papunta doon tapos yun lang. Nandoon na tayo." sagot ni tita Liz. Napalunok naman ako sa narinig ko.

"Sasakay po ng bangka?" eh hindi ko naman alam na sasakay ng bangka eh! Malamang isla 'yon eh! Chlaire naman!

"Oo, bakit?" tanong ni Jevs. Back out na ako!

"Ah-eh. Hindi ako sanay sa bangka eh! Nahihilo ako." sagot ko.

"'Wag kang mag-alala. It will be worth it naman kung narating na natin ang island na iyon eh!"

Sa Puso ng Isang Author: LOVE and LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon