LOUISE CLAIRE's POV
Mabilis na nagdaan ang oras at hindi ko man lang namalayanglunch break na pala. Inayos ko muna ang mga gamit ko habang ang ibang mga classmates ko ay lumabas na.
Tumabi sa akin si si Kianne at nagsalita.
"Hoy ikaw babae! Napano 'yang mukha mo? 'Yan ba ang sinasabi mo kagabi na plano mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
"Wag ka ngang maingay bes!" sita ko sa kanya. "Oo bes, sabi mo 'diba hindi ko na maiiwasang mainlove sa kanya, kaya siya na lang ang paiiwasin kong mahalin ako." pabulong kong sagot.
"Ano? Sira ka ba? Itu-turn off mo siya? Gaga ka din 'no?! Matu-turn off ba yan kung mahal ka na talaga?" tanong niya. Hindi niya nagets ang point ko eh!
"Yun na nga eh! Isang way ko na rin ito sa pagtest kung mahal niya nga ba talaga ako. Kung matu-turn off siya dahil sa mukha ko ngayon, edi hindi siya talaga ang para sa akin. 'Diba bes?" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo! Halika na nga! Lunch na tayo." pangyayaya niya at lumabas na kami ng classroom.
Napahinto naman ako nang makita kong nakasandal lang sa wall sa tabi ng pinto ng cafeteria si Jevs at mukhang hinihintay kami.
"O ano? Hindi pa ba kayo papasok?" tanong niya sa akin.
"Sige, gutom na gutom na ako eh!" sabi ko at tumingin ako kay Kianne. Binigyan niya lang ako ng look na parang nagsasabing 'Ano na naman 'yan?'
May naisip na naman akong bright ay idea galing sa maliit kong brain. Humanda ka sa akin!
Pumasok na kami ng cafeteria at naghanap ng area na hindi pa taken. Ang hirap pala talagang maghanap ng hindi pa taken at maayos 'no? Char! Nakahanap naman kami ng mesang hindi pa taken. Finally!
"Anong gusto niyo? Treat ko!" tanong niya.
"Okay, sabi mo eh! Isang chicken inasal, isang pork sisig, isang bucket ng fried chicken, tapos rice. And for dessert, uhm... dalawang tray ng leche flan, tapos red velvet cake, ikaw na bahala kung ilang slices or kung ang buong cake na lang. Ikaw na ang bahala sa drinks. Nakakahiya naman sa'yo!" this is the reason why I didn't ate my breakfast.
"Nahiya pa." parinig sa akin ni Kianne.
"Sige, ikaw Kianne anong gusto mo?" tanong niya kay Kianne.
"Ikaw na ang bahala!" sagot ni Kianne.
Papaalis na sana si Jevs para um-order kaso nagsalita ako ulit."Isang ice cream pa pala. Uhm... Ilang scoops ba? Isang container na lang! Yun lang!" request ko. Haha! Mayaman naman siya eh!
"Sigurado ka yun LANG?" tanong ni Kianne sa akin at diniinan pa talaga ang pagkasabi sa salitang 'lang'.
"Oo, yun lang." sabi ko.
"Sige, pila na muna ako." walang karekla-reklamong pagpapaalam sa amin ni Jevs at umalis na para pumila. Mukha namang hindi effective 'tong ginagawa ko sa kanya.
"Hoy gaga ka! Ano na namang pakulo ito?" yung babaeng 'to talaga! Kanina ka pa kontrabida ah!
"Basta bes! Suportahan mo na lang ako. Bestfriend mo ako 'diba!"
"Ewan ko sa'yo!" sabi niya tapos kinuha niya ang phone at sinalpak ang headset niya sa tenga niya at sa iba na ibinaling ang tingin niya. Nagtatampo ata!
BINABASA MO ANG
Sa Puso ng Isang Author: LOVE and LIES
Teen Fiction"Chlaire! Bakit mo ako iniiwasan?"-Jevs. "Iniiwasan?"-Chlaire "Ano bang nangyari? Napakaclose natin dati tapos biglang... Ano ba kasi iniiwasan mo ako?" "Hindi kita iniiwasan. Hindi ikaw." "Eh sino?" "Wala ka na dun!" "Sino nga!" "Wala ka ng pakiala...