PASQUALE JEV's POV
"Pare, kamusta na ang oplan: hanapin si instant girlfriend?" tanong sa'kin ni Khurt.
"Pare, 'wag kang maingay baka marinig tayo!" sita ko sa kanya. Hindi kasi marunong mag-ingat sa mga sinasabi niya mabuti nalang kami lang ang tao ngayon sa rooftop.
"So ano na nga?"
"Ayun, mukhang epektibo naman ang pambobola ko. Hehe!" kailangan talaga magawa ko itong love story na ito. Kailangan kong pasayahin ang mga readers ko, ano pa man ang mangyari, sino pa man ang madamay.
"Akala ko nga kayo na eh! Kayo na lang kasi lagi ang magkasama eh! Nagseselos tuloy ako!" loko talaga ito!
"Magaling lang talaga ako umarte brad! Haha!"
"Baka naman kaya hindi ka nahihirapang umarte brad kasi mahal mo na nga siya talaga?"ano ba ang pinagsasabi ng lalaking 'to!
Ako? Napamahal na sa kanya? Hindi pwede!
"Hindi 'no!" May promise ako sa sarili ko, Hindi na ulit ako magmamahal unless sigurado na ako sa babaeng iyan kasi alam kong masasaktan lang ako. Pero sa ginagawa ko, ibang tao ang sinasaktan ko. "Alam mo namang ginagawa lang natin 'to para sa isang love story 'diba?" dagdag ko pa.
"Asus! Pakipot pa 'to! Kilalang-kilala na kita, yung mga ngiti mo lately, parang iba eh!" sumbat nito.
Maybe he's right! Baka nga napamahal na ako kay Chlaire pero iiwasan kong mainlove ngayon kasi takot na akong masaktan. Hindi pala ako takot, sadyang natrauma lang ako sa nangyari sa akin dati.
"Pasakit lang 'yang mga babaeng 'yan pare eh!"
"Pare, maaaring nasaktan ka nga dati pero hindi naman ibig sabihin nun ay masasaktan ka rin this time. Sabi pa nga ni F. Scott Fitsgeral: There are all kinds of love in the world, but never the same love twice."
Siguro tama ulit ang sinabi niya pero kasalanan bang umiwas sa possible heartache?
"Wala muna sa isip ko 'yang love love na 'yan. Basta ang importante, masimulan ko itong love story na ito." sabi ko at nilipat ko na ang tingin ko sa laptop ko.
"Wala ka ba talagang time para sa 'LOVE STORY MO'?" ang kulit ng lalaking ito ah! Bakit ba kailangan kong hanapin iyang miss forever ko? Eh kung meant to be talaga kami, tadhana na ang maghahanap ng paraan para pagtagpuin kami.
"Shut up! Naghihintay na ang mga followers ko sa story na ito."
"Kasalanan mo naman kasi eh! Ako ba ang nagpost na may love story kang gagawin?" oo na! Ako na!
"Ako, kaya nga ito na inaayos ko na 'diba?" sagot ko.
"Ikaw bahala."
Nagsimula na akong mag-type salaptop ko. Medyo hindi na talaga ako nahirapan ngayon sa pagsusulat hindi katulad ng dati.
"Tingnan mo nga pre kung kasing plain pa ito ng dati?" request ko kay Khurt at iniharap ko ang sarili ko sa pwesto niya.
Noon ko lang napagtanto na wala na pala doon ang gago!
Puta! Iniwan ako nang hindi man lang nagpapaalam.
Naisipan kong bumaba na kasi para umuwi na na kasi wala na naman kaming klase. Sa bahay ko na lang tatapusin ito.
BINABASA MO ANG
Sa Puso ng Isang Author: LOVE and LIES
Подростковая литература"Chlaire! Bakit mo ako iniiwasan?"-Jevs. "Iniiwasan?"-Chlaire "Ano bang nangyari? Napakaclose natin dati tapos biglang... Ano ba kasi iniiwasan mo ako?" "Hindi kita iniiwasan. Hindi ikaw." "Eh sino?" "Wala ka na dun!" "Sino nga!" "Wala ka ng pakiala...