SPIA:LOVE & LIES- CHAPTER 19

12 4 1
                                    

LOUISE CHLAIRE's POV

"...pero ito ang tatandaan mo: Hindi lang ito simpleng paghanga."

"...pero ito ang tatandaan mo: Hindi lang ito simpleng paghanga."

"...pero ito ang tatandaan mo: Hindi lang ito simpleng paghanga."

Kainis! Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Jevs.

"...pero ito ang tatandaan mo: Hindi lang ito simpleng paghanga."

Ano ba kasing mayroon sa linyang iyan at bakit hindi ako makamove on?

"Ughhhh!" sigaw ko habang may nakatakip na unan sa bibig ko para hindi marinig sa labas ng kwarto.

"Ano ba kasi ang meron sa'yo Jevs?" bulong ko sa sarili ko. Kainis naman kasi eh! Padabog akong naglakad papunta sa bathroom ng kwarto.

"Hoy Chlaire! Ikaw! Mahal mo na si Jevs 'no?!" akusa ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

"Ah. Eh---Hindi po. Hehe!" pabebe kong sagot.

"Hoy wag mo kong maloko-loko ah!"

"Eh hindi ko maintindihan ang sarili ko eh! Hindi ko alam!"

Nababaliw na ba ako? Jevs naman kasi eh!

He's driving me crazzyyyyy!

"...pero ito ang tatandaan mo: Hindi lang ito simpleng paghanga." Ugh! Please! Tigilan mo na ako!

*Kringgg!

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumawag. Si Kianne lang pala.

"O Bes. Napatawag ka?" Tanong ko.

"Wala lang Bes. Bored lang ako dito sa bahay eh. Kamusta ka?"

"Ito bes, nababaliw na." saad ko.

"Bakit bes? Dati pa naman ah? Lumala pa ba?" Nagsalita ang hindi baliw!

"Gaga!"

"O bakit ka ba nababaliw? Or I should say, sino 'yang kinababaliwan mo?" tanong niya. Bakit nga ba Chlaire?

"Ok. Bes. Ano kasi ka---" naputol ang sinasabi ko ng magsalita si bes.

"Sandali lang bes. Tinawag ako ni mama eh! Tatawag ako kaagad." pagpapaalam niya.

"Ok bes. Basta tawag ka agad ah!" sabi ko at agad niya rin binaba.

Napahiga naman ako sa bed ko at nagmuni-muni. Nagsimula na namang nagbaliktanaw ako sa nangyari kanina. Hindi ako maka-move on eh! Kahit anong gawin ko, basta-basta na lang siyang pumapasok sa utak ko.

Jevs naman! Tigilan mo na ako!

*Kriiinggg!

Walang pag-aalinlangan kong sinagot ang tawag sa phone ko. Gustong-gusto ko lang talagang mag-share kay Kianne eh!

I'm sure na may maganda siyang advice sa akin.

"Si Jevs kasi eh, may pa '...pero ito ang tatandaan mo: Hindi lang ito simpleng paghanga' pa kasi! Kainis! Kaya ako naman si tanga, kinilig at hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on sa mga sinabi niya. Ewan ko ba pero tumagos talaga sa puso ko ang mga sinabi niya! Sa tingin mo bes, napamahal na ba ako kay Jevs?" pagkokonsulta ko sa kanya.

"Napamahal ka na nga sa akin." of course! Bestfriend ko iyon eh!

"Oo naman mahal kita!"

Sa Puso ng Isang Author: LOVE and LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon