LOUISE CHLAIRE's POV
"Chlaire, gising na."
Zzzzzzzzz!
"Chlaire, nandito na tayo."
Zzzzzzzzzzz!
"Chlaire."
"Oh." sakit ng ulo ko. Hilong-hilo na ako.
"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa akin tapos hinarap niya ang mukha ko sa kanya.
"Nahihilo ako." mahina kong sagot. ito ang dahilan kaya takot na takot ako sumakay dito eh.
"Huh? Tara, baba na tayo para m---" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang...
*Bwaaaah!
Ewwww! I vomited on him. Kadiri ako! Puno ang damit niya ng suka ko.
"So-sorry." paghihingi ko ng pasensya sa nagawa ko. Nakakahiya! Mabuti na lang nakababa na ang ibang pasahero.
"Okay lang. Tara baba na tayo para makapagpahinga ka muna." paanyaya niya tapos inalalayan akong tumayo.
"Sige." hiyang hiya na talaga ako.
"Hi-hindi ko kayang dumaan diyan." sabi ko kasi hindi ko naman talaga kayang dumaan sa parang ladder pababa ng bangka. Baka bigla nalang ako mahulog dahil hilo9ng hilo pa rin talaga ako.
"Ah. Sige. Dito nalang."
"Huh?" saan naman kami dadaan? Hindi na siya sumagot tapos bigla niya akong binuhat ulit katulad sa bagong kasal tapos bigla na lang siyang tumalon mula sa bangka habang buhat-buhat ako.
*Splaaash!
Humalakhak siya ng malakas tapos ako naman nababad lang sa tubig.
"Bakit ka ba tumalon? Isinama mo pa ako." tanong ko sa kanya.
"Sabi mo hindi mo kayang bumaba kaya tumalon nalang tayo. Para na rin mahugasan ang damit natin na puno ng--- ano mo."
Nahiya tuloy ako ulit dahil naalala ko ang ginawa kong pagsuka sa damit niya. Ewww!
"So-sorry." paghihingi ko ulit ng patawad habang nakayuko lang.
"Okay lang. Tara doon tayo lumangoy oh! Ganda ng tubig doon." utos niya kaya sumama naman ako kahit medyo nahihilo pa rin ako kaya hinawakan niya ang kamay ko tapos sabay na tumakbo papunta sa isang spot sa baybay dagat.
Tama nga siya! Ang ganda ng tubig. Ang linaw-linaw! Pero kaunti lang ang lumalangoy. Siguro dahil sa hindi pa nga talaga nadidiskubre itong islang ito pero may malaking potential itong islang 'to ah!
Lumangoy kami ng lumangoy. Kaso hanggang sa mababaw na part lang ako eh. Hindi kasi ako marunong. After few moments, humiga na lang ako sa part na natutubigan lang kapag umaalon. Pagod na pagod pa rin ako at hilong-hilo, pero solved naman dahil sa ganda ng islang ito. The best! Napapikit lang ako at nagpahinga lang saglit nang biglang may tumabi sa akin. Napalingon ako kung sino ang katabi ko. Isang babae tapos abot tenga ang ngiti sa akin. Nginitian ko lang siya pabalik. Ang ganda ganda niya! Matangos ang ilong, ang ganda ng mga mata, pantay ang ngipin, may dimples, pulang pula ang lips, tan ang skin. Grabe! Nakakatomboy!
"Katrato na kaw Jevs la?" ano daw? Alien ba 'tong kasama ko?
"Ano po?" tanong ko. Saan ba galing 'tong babaeng 'to?
BINABASA MO ANG
Sa Puso ng Isang Author: LOVE and LIES
Dla nastolatków"Chlaire! Bakit mo ako iniiwasan?"-Jevs. "Iniiwasan?"-Chlaire "Ano bang nangyari? Napakaclose natin dati tapos biglang... Ano ba kasi iniiwasan mo ako?" "Hindi kita iniiwasan. Hindi ikaw." "Eh sino?" "Wala ka na dun!" "Sino nga!" "Wala ka ng pakiala...