Chapter 4. The bloody day

14.4K 613 90
                                    


Saturday na ngayon at ngayong araw na ito ang pinakahihintay nilang lahat, ang bloody day.
Kung kailan malaya mong patayin ang taong kinaiinisan at kinagagalitan mo.
I'm sure sa oras na ito marami na ang nagpapatayan.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayon.
Parang may mangyayaring hindi kaaya-aya.

Aish ano ba 'to.
Siguro I'm just being paranoid.
Yeah sana nga.

"Ice bilisan mo, alam mo naman siguro kung ano ngayon diba." Sigaw ni Jena habang palakad-lakad.

Puta ako ang nahihilo sa babaeng 'to.
Kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Jena sa kwarto ko, 'yon ay dahil sa kabaliwan niya. Kinausap kasi nito ang Dean kung pwede ba daw syang lumipat dito kaya ayon sa kasamaang palad may kasama na akong baliw.

Tss sakit talaga ito sa ulo.

"Pwede ba Cortes mauna ka na lang doon."

"Jena Ice Jena, masakit sa pandinig ang Cortes ok?"

Sabi nito at ini-emphasize pa talaga ang Jena, kulit talaga ng babaeng 'to.

"Wala akong pake, kaya pwede ba Cortes umalis ka na magbibihis pa ako."

"Tsk ok, bilisan mo hah hihintayin na lang kita sa garden para sabay tayong papasok."

"Ok,"

Pagkaalis nito ay pumasok na ako sa banyo para maligo.

Nang tapos na akong maligo ay magbibihis na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang tattoo ko sa balikat.
Isa itong kalahating katawan ng kabayo at may naka-engrave na letter A.

( yung pic. sa multimedia yan ang tatoo ni Ice)

Hindi ko alam kung paano ko ito nakuha basta ang natatandaan ko lang ay ayaw ni Mama na may makakakita nito, hindi ko rin alam kung bakit.

Napabuntong hininga na lang ako. Kung ano man iyon malalaman ko rin. Sabi nga nila walang lihim na hindi mabubunyag.

Sa huli, blue jeans, white sleeveless at leather jacket na lang ang napagpasyahan kong isuot para hindi makita ang tattoo.

Nang matapos na akong magbihis ay pumunta na ako sa garden dahil kanina pa masama ang kutob ko, para talagang may mangyayaring hindi maganda.

Habang papunta sa garden ay may maraming estudyante ang nagpapatayin, kung noon bugbugan lang ngayon ay talagang malala. Meron pa ngang nagpupugutan ng ulo.
Tsk what a nice show.

Nagdududa tuloy ako kung paaralan ba talaga itong napasukan ko.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating na ako sa garden ay biglang uminit ang ulo ko. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit.

Sino ba namang hindi, kung naabutan mo ang kaibigan mo na bugbog sarado at may saksak sa gilid habang pinalilibutan nila Trixia.
( si Trixia po yung nakaaway ni Ice sa cafeteria)

I swear mapapatay ko talaga ang clown na'to.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

"Stop that," I said in a cold tone.

"Oh hi there Miss Famous Transferee, nagustuhan mo ba ang nakikita mo?"tanong nito habang nakangisi.

"Oo pero mas maganda sana kung ikaw ang nandiyan sa pwesto nya."

"W-what? Aba't talagang! Mag-ingat ka sa pananalita mo newbie baka gagawin ko rin sayo ang nangyari sa tangang babaeng 'to!"
Sabi nito habang hawak-hawak ang buhok ni Jena.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon