Chapter 24: Vimster

7K 292 25
                                    

Iceah's POV

Napatayo ako bigla nang makita ko kung sino ang biglang pumasok sa Arena.

Nakaramdam ako ng kaba habang sinusundan ko ng tingin ang babae. I don't know pero natatakot ako. Natatakot ako kahit hindi ko pa nakita ang mukha niya.

Sa tingin ko hindi lang basta bloody battle ang mangyayari ngayon.
Alam ko 'yon dahil kung wala, hindi sana nila pinatay ang walong estudyante kanina.

Sana lang mali ang iniisip ko dahil kung tama 'to, tiyak na lahat kami dito mamatay.
Walang mabubuhay kahit isa.

Pumunta kasi ako sa office ng Dean kahapon. At doon ko nalaman ang lahat.
Lahat ng katotohanan at kasinungalingan.
Hindi bampira ang nakita ko noon kundi mas higit pa.
At mukhang ngayon na nila sisimulan ang matagal na nilang pinaplano.

Sa bloody battle na 'to nakasalalay ang buhay ng lahat.
Kung sino ang mananalo siya ang mabubuhay. At ang matatalo naman ang iaaalay nila. Iaaalay sa karumal-dumal na paraan.

Ako lang ang may alam sa plano nila kaya dapat may gagawin ako para mailigtas silang lahat.
Pero paano?
Ni hindi ko nga alam kung ano ang kahinaan nila.
Hindi rin naman ako makahingi ng tulong kay Frost dahil buong araw ko siyang hindi nakikita.
Si Jena at Luis naman ay hindi ko na rin nakita mula kanina.
Kaya ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay magmatyag at maging alerto.

Narinig kong napasigaw ang mga tao kaya tiningnan ko kung ano ang nangyayari.
Halos manginig ang tuhod ko ng makita ko kung paano sinisipsip at kinagat ng lalaki ang leeg ni Raquel.
Ang mata nito ay naging itim. Hindi siya ordinaryong itim, para siyang pinaghalong pula at itim dahil sa kulay nito.

Napaatras ako ng kunti nang ngumiti siya sa akin. Sa ngiti niya pa lang ay para na akong mamatay.
Paano pa kaya kung sisimulan na nila?
Kakayanin ko ba 'yon?
Malakas nga ako pero may kahinaan rin naman akong nakatago sa katawan.

"Lets start the real bloody battle."

Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang sinabi ng babae.

Magsisimula na ang bloody battle. At sa oras na 'to alam kong lahat sila, lahat ng tao dito ay nanginginig na sa takot.

"My dear students wag kayong matakot. Alam kong mag-eenjoy kayo ngayon."

Mag-eenjoy?
Nakaka-enjoy ba ang magpatayan? Siguro sa kanila masaya 'yon dahil hindi naman sila mga tao.
Pero kami?
Mga tao kami at hindi halimaw.
Oo pumapatay ako noon, pero pumapatay lang ako kapag kinakailangan.

Alam kong lahat ng tao dito ay makasalanan at wala ng pamilya. Pero may karapatan rin naman silang mabuhay.

Napaiktad ako nang may biglang humawak sa balikat ko.
Sa gulat ko ay mabilis kong hinawakan ang kamay nito at inikot patalikod.
Napatigil ako ng makita ko kung sino ang may-ari ng kamay, walang iba kundi si Frost. Nakahawak ito sa kamay niya na namumula.

"Fuck Black balak mo ba akong balian ng buto?"

Tsk kasalanan niya 'yan. Ang hilig manggulat. Tanga na nga, isip bata pa kung umasta.

Oo nga pala saan ba galing ang hinayupak na 'to?
Bakit ngayon lang siya dumating eh kanina pa kami dito.

Umikot ako at hinarap si Frost. Tiningnan ko ito ng seryoso sa mata.

"Hoy tanga saan ka nagsusuot at ngayon ka lang dumating dito?"

"Bakit na miss mo ako? Wag kang mag-alala nandito na ako."

Letchugas na tanga 'to, nagawa pang magbiro.
Hindi ba niya napapansin ang mga nangyayari sa paligid niya?
Kingina wala talaga siyang pakialam sa mga tao dito.

"Sagutin mo ako ng maayos Frost. Hindi ito ang oras para magbiro."
Walang emosyon na saad ko dito.
Napansin kong nabigla ito sa sinabi ko.
Tumingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala.

Tinaasan ko ito ng kilay nang mapansin kong wala itong balak sumagot.

Napakamot ito sa ulo at parang nahihiyang tumingin sa akin.

"N--n--nakatulog ako sa dorm."

Nakatulog? Natulog siya ng buong araw? Grabe naman yata nun. Napakatulog mantika ng unggoy na 'to.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at hinawakan ko siya ng mahigpit sa kwelyo.

"Makinig ka sa sasabihin ko Frost. Hangga't maaari wag mo munang pairalin ang pagiging tanga mo ngayon kung ayaw mong mamatay. Dahil sa oras na 'to sarili mo lang ang kakampi mo."

Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at tumingin sa harapan.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi pero mabuti na rin siguro 'yon para maging alerto siya kung ano man ang mangyayari mamaya.

Dahil alam kong sa oras na'to sasabak na kami sa laro ng mga Vimster.

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon