Chapter 39: Epilogue

7.1K 161 13
                                    

Frost's POV

Ang sakit mawalan ng taong mahalaga sayo lalo na kung ikaw ang dahilan.
Mahigit dalawang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang seremonya noon sa bahay ni Blood. Ang daming buhay na nasawi. Ang madilim na gabi ay napalitan ng dugo mula sa mga taong nakikipaglaban.

Ang araw na 'yon ang nagsilbing bangungot ko araw-araw. Lagi kong sinisisi ang sarili ko. Kung hindi ako naging mahina, at kung sana maaga akong nakarating hindi sana siya namatay. Nandito pa rin sana siya sa tabi ko.
Okey lang kahit mumurahin niya ako, tatawaging tanga, bakla o unggoy basta nandito lang siya, buhay.

Pero hindi, wala na siya. Iniwan na niya ako. Pinatay na siya ng demonyong babae na 'yon.

Naalala ko pa noong patungo kami sa bahay ni Blood para iligtas siya. Nagmamadali ako, hindi alintana ang mga sugat ko sa paa dahil sa kagustuhan na mailigtas ko siya.
Inaway ko pa si Ace dahil ang bagal maglakad, minumura si Kyle at pinapagalitan si Laisha.
Sumibol na kasi ang pulang buwan sa oras na 'yon kaya ganun na lang pagmamadali ko. Natatakot ako na baka hindi ko na siya makikita pa.

Pagdating namin ay huli na ang lahat. Nasaksak na siya sa puso. Nakapikit na ang mga mata at ang hina na ng tibok ng pulso niya.
Niyuyugyog ko siya pero wala na, hindi na siya humihinga.

Hinawakan ko ang mukha niya na puno ng sugat habang umiiyak. Wala akong paki kahit tawagin nila akong bakla. Gusto ko lang mahawakan kahit sa huling pagkakataon ang mukha ng babaeng mahal ko.

"I love you Black, I love you. Sorry I'm late. Sorry, I'm so sorry."
Mga salitang lagi kong binabanggit sa tainga niya.
Kahit alam kong hindi na niya naririnig. Gusto ko lang sabihin kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano siya ka-importante sa buhay ko.

Sa galit ko noon pinatay ko lahat ng Vimsters na nakikita ko. Binuhos ko doon ang lahat ng galit at pagsisisi na nasa puso ko.
Hinanap ko si Seraphim pero patay na siya ng makita ko, katabi niya si Blood. Parehong nagkalasog-lasog ang mga katawan nila.
Si Death naman ay hindi dumating para tulungan kami gaya ng pinag-usapan namin noon.
Mabuti na rin 'yon dahil kahit dumating pa siya hindi na mabubuhay si Black.

At ngayon nandito na naman ako sa harap ng libingan niya, umiiyak at nagsisisi. Mula ng nailibing siya ay dalawang lugar lang ang lagi kong pinupuntahan, sementeryo kung saan siya nakalibing at sa bar.
Minsan pumupunta ako sa GU, inalala ang mga alaalang hindi ko makakalimutan kasama siya.

Inilapag ko ang dala kong bulaklak at pinulot ang mga tuyong dahon na nasa ibabaw ng lapida.
Tiningnan ko ang pangalan niya na nakaukit at ngumiti ng mapakla.

Alexia Azura Agami

Hinawakan ko ito at lumuhod.

"Black patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung hindi kita nailigtas. Mahal na mahal kita, mahal na mahal kita Black. Ikaw lang babaeng mamahalin ko."
Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan. Ang dami ng luha ang naiyak ko pero hindi pa rin nababawasan ang sakit at pangungulila na nasa puso ko. Sinubukan kong makalimot pero hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko lagi ko siyang nakikita.

"Kuya tama na 'yan. Aalis na tayo. Naghihintay na sina kuya Jericho sa kotse."

"Alis na muna ako Black, babalik ako pangako. Ingat ka diyan, I love you."

Hinalikan ko ang puntod niya at tumayo.
Bago ako tumalikod ay tiningnan ko muna ang itsura ng libingan niya.
Bawat anggulo at porma.

Mamimiss ko ang lugar na 'to. Papunta kami ngayon ng japan kaya matatagalan pa bago ako makabalik dito. Napagdesisyunan namin na doon muna manirahan para makalimot kami sa nangyari.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang palayo.

Aalis man ako ngayon, ang mga ala-ala na pinagsamahan naming dalawa ay mananatili sa puso ko. She may not be my forever but she'll always be my partner.




A/N: Yay tapos na! Grabe ang dami ng luha ko;( Naawa ako kay Frost. Pero okey lang hindi naman kasi lahat ng story may happy ending.

The journey inside the Grave University ends here. Salamat sa support:) I owe you guys. Kahit ang pangit ng story na'to binabasa niyo parin.

Sa lahat ng nag-advice sa akin esp. Lureylie_new thank you frienship :)

Thank you din BlackGrayNoona ,YoongiLovesMe, mynaloves ,xxMissLxx and so on ,,,
At sa lahat ng mga nagbabasa, maraming-maraming salamat:)

Sana suportahan niyo rin ang bago kong action story Spade: the thieves of life😊☺

BOOK 2: Grave University: ZHEIRA

Thank you and God bless^_^

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon