(Picture of Ace🔝🔝🔝🔝🔝)
Frost's POV
Kasalukuyan ako ngayong nagpakulo ng bawang nang biglang sumulpot sa kiliran ko si Ace. At tangina lang, ang sarap tanggalin ng ngala-ngala niya. Parang reporter, tanong ng tanong.
"Frost ano ba talaga ang nangyayari? Saan kayo pupunta? Bakit ka nagpakulo niyan? May papatayin ba kayong aswang? O may sakit ka? Hoy Frost sumagot ka!"
Isa na lang, ibubuhos ko na talaga 'tong mainit na tubig sa bunganga niya. Puta, ang ingay.
"Oy Frost, saan ba kasi kayo pupunta ng Jericho na 'yon? Ha? Sagutin mo ako!"
"Puta Ace tumahimik ka! Pwede? Ang ingay mo!"
Ayan ang ingay kasi, nasigawan ko tuloy. Kung tumahimik lang sana siya, edi walang problema.
"Eh sorry, curious lang naman ako eh."
"Tsk, umalis ka na."
Mahina kong sambit dito at tumingin sa kawali."Pero hindi mo---- sabi ko nga aalis na ako."
Tingin lang pala ang katapat ng maingay na iyon. Pinasigaw pa ako dito. Tsk
Nang mapansin kong okey na ang bawang ay kumuha ako ng bottled spray at ibinuhos doon ang tubig na pinakuluan ng bawang.
Hindi ko alam kung sapat ba ito para mamatay ang mga Vimsters pero kailangan kong subukan.
Bukas na ang kaarawan ni Seraphim kaya dapat handa na ako para mailigtas ko si Black.Kahit tutulungan kami ng Death na 'yon hindi parin ako dapat maging kampanti. Hindi ko siya masyadong kilala kaya hindi ako dapat magtitiwala sa pangako niya.
Nang tapos ko ng malagyan ang bottled spray ay pumunta na ako sa sala.
Kaagad nangunot ang noo ko nang makita ko ang hawak ni Jericho."Rick ano 'yang hawak mo?"
"Ito? Buntot ito ng pagi."
Buntot? Ano naman ang magagawa ng isang buntot?
"Anong gagawin mo diyan?"
"It can kill those Vimsters Frost. Para lang silang mga aswang kaya takot rin sila dito."
Aswang? So ibig-sabihin magbago-bago rin ang anyo nila? Ang dami yatang alam ng taong 'to tungkol sa mga Vimster na 'yan.
"O anong tingin 'yan Frost?"
"Wala,"
Mahina kong sagot at inilagay sa mesa ang bottled spray.Naglakad ako papunta sa kwarto ko at kinuha ang bag ko at ang katana.
Pumunta ako pabalik sa sofa at inilagay sa bag ang mga kailangan kong dalhin.Tumingin ako sa gawi ni Jericho at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Ano naman kayang iniisip ng taong 'to?
"What?"
"Nothing,"
Minsan lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin si Jericho. He's acting weird this few days.
Ano naman kayang nangyari sa kanya. Hindi naman siya ganito umasta noon."Rick are you ready? We have to go."
Kahit bukas pa ng gabi ang kaarawan ni Seraphim kailangan na naming umalis ngayon. Malayo ang bahay ni Blood kaya dapat ngayon pa lang nakaalis na kami. Kung bukas pa kami aalis baka hindi na kami makakaabot dahil may dadaanan pa kaming dalawang bundok.
"Yeah,"
Nakita kong isinakbit nito ang dalawang kunai sa likod at inilagay sa balikat ang buntot ng pagi.
Lumapit ito sa akin at tinapik ako sa balikat."Tara na,"
Tumango ako dito at nagsimulang maglakad paalis.Isasara ko na sana ang pinto nang may pumigil sa kamay ko.
Tiningnan ko ito at doon ko nakita si Ace na nakangiting nakatayo na may hawak na katana. Katabi nito sa Kyle na nagpupunas ng mata, halatang bagong gising."Hindi ka namin hahayaang magpunta doon ng hindi kami kasama Frost. Magkaibigan tayo kaya dapat magtulungan tayo na mailigtas si Iceah."
Napatingin ako kay Ace dahil sa sinabi niya. This man kahit childish, may utak rin pala. Akala ko wala na 'tong pag-asang tumino. Aaminin kong masaya ako sa sinabi niya pero hindi ko hahayaang mapapahamak sila dahil sa akin.
"Thank you pero hindi kayo pwedeng sumama."
Inalis ko ang kamay ni Ace sa pinto. Isasara ko na sana ito nang may pumigil ulit sa kamay ko. Sisigawan ko sana ito nang tinakpan ni Kyle ang bibig ko gamit ang kamay niya."Itikom mo 'yang bibig mo Frost baka makain mo ako. Sasama kami sa ayaw at sa gusto mo. Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyayari alam kong importante ito."
Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan 'tong si Kyle walang-modo. Syempre hindi niya alam ang mga nangyayari, eh lagi siyang natutulog. Nagtataka nga ako kung bakit hindi parin siya tumatangkad.
"Frost tara na,"
"Oo na,"
No choice, wala na akong magawa kung gustong sumama ng dalawang 'to. Sana lang kaya nilang makipag-away sa mga Vimster. Hindi pa naman nila 'yon nakita dahil hindi sila pumunta sa arena noong Bloody Battle.Isinarado ko na ang pinto at naglakad papunta sa kinaroroonan nina Ace.
Habang naglalakad patungong gate ay hindi ko maiwasang hindi magtaka. Bakit ang tahimik?
Sa pagkakaalam ko may mga estudyante pang natitira pero bakit wala akong ingay na naririnig?Huminto ako sa paglalakad at inilibot ang paningin ko sa buong paligid.
"Frost bakit?"
Tanong ni Kyle na nalilitong nakatingin sa akin."May hindi tama,"
"Anong ibig mong sabihin?"
Napaatras ako nang biglang namatay ang lahat ng ilaw.
Ala-syete na ng gabi kaya ang dilim ng paligid.
Kinuha ko ang flashlight ko at kaagad itong binuksan."Ihanda niyo ang mga sarili niyo."
Kahit natatakot ay matapang kong itinuon ang flashlight sa paligid.
Dahan-dahan kong binunot ang katana ko nang makita ko ang isang Vimster sa harapan.Isinayad ko sa buong paligid ang ilaw at ganun na lang ang takot ko nang hindi lang isang Vimster ang nandito kundi tatlo.
Napalunok ako ng limang beses nang mapansin kong dahan-dahan silang naglalakad palapit sa kinaroroonan namin."A--anong klaseng h-h-halimaw ang mga 'yan?"
"They're Vimsters, they can eat your heart in just a snap."
Rinig kong sagot ni Rick kay Ace.Tama siya, sa isang iglap lang wala ka ng puso kung tatanga-tanga ka. Kahit nga noong Bloody Battle ay nahihirapan kaming patayin ang isang Vimster na 'yon, itong tatlo pa kaya.
Mailigtas ko pa kaya si Black?
Sana naman mabilis naming mapatay ang mga 'to.Napatingin ako sa may kabilang bahagi nang may marinig akong yapak ng isang tao.
Itinuon ko dito ang hawak kong flashlight. Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang isang bulto ng tao.Fuck!
Who's this man?
A/N: As I promised here's the UD po^^
Kung may tanong kayo wag kayong mahiyang magtanong sa akin.Sana magustuhan niyo.
Enjoy reading po.Votes and comments are highly appreciated:)
-GDlady
BINABASA MO ANG
GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅
एक्शनBehind her past there's a death awaits. COMPLETED/ BOOK ONE UNEDITED Written by :@GDlady Cover by: GDlady _____________ Highest rank reached #32 in action