Chapter 10: Partner?

9.8K 469 25
                                    

Nandito ako ngayon sa likod ng school, pagkatapos ko kasing magwalk-out sa Registrar's Office ay napagdesisyonan kung pumunta dito para makita kung may daan ba palabas.
At kung saan dumaan ang mga lalaking 'yon.

Isang oras na ako dito pero wala parin akong nakita.
Kung walang daan palabas dito ibig sabihin nandito lang sila sa loob ng university.
Pero saan?
Dorm, office at gym lang nakikita kung building dito.

Maliban na lang kung------------tama wala naman silang pwedeng gawing hide out dito bukod doon.
Pero hindi muna ako kikilos ngayon hihintayin ko munang sila mismo ang lalapit sa akin.

Frost POV

Nandito ako ngayon sa Ground Battle Arena dahil may announcement daw para sa nalalapit na Interhigh.
Ayaw ko nga sanang pumunta dito kung hindi lang dahil sa mga walanghiyang lalaki na nasa gilid ko ngayon na kanina pa nakangisi.

Bwiset talaga!

"Oh tol anong tingin 'yan?" Nakangising tanong ni Ace. Gwapo din at playboy sa grupo pero mas gwapo ako, wag ka na lang umangal kung ayaw mong matulog habang-buhay.

''Hahaha tingin 'yan ng taong papatay tol." 'yan naman si Kyle ang mapang-asar sa grupo.

"Tsk shut up,"
Putek ang ingay ng mga gagong 'to.
Mabuti na lang at wala si Fire, isa pa 'yon eh isip bata.
Hindi ko nga alam kung bakit naging kapatid ko ang lalaking 'yon.

"Magandang araw mahal naming estudyante. Nagtitipon tayo ngayon upang malaman niyo kung sino ang inyong maging kapareha sa pagsasanay para sa nalalapit na interhigh.
Kung sino ang tao sa inyong likuran mga binibini at ginoo ay 'yan na ang inyong maging ------"

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ng instructor dahil sa taong nagsalita sa likod.

"Ano ba 'to balagtasan? Tangina ang daming satsat ng unggoy na 'yan."
Napangisi na lang ako sa narinig. Wala talagang modo ang babaeng 'to.
Lumingon ako at nakita kung magkasalabong ang dalawa niyang kilay.
"What?" Naiirita na tanong nito.

Hindi ako sumagot tiningnan ko lang siya. Hanggang ngayon nagdududa parin ako sa pagkatao niya at kung ano ang kailangan ng mga lalaking 'yon.

"Stop staring Idiot!"

"You're my partner stupid so I just want to check if you're not that weak."

"Well I'm not weak Mr. and don't you call me stupid coz I'm not.''
Ngumisi lang ako dito at tumingin sa harapan.
Alam kung maraming sekreto ang babaeng ito at 'yon ang kailangan kong alamin.

Iceah POV

Nandito ako ngayon sa cafeteria kumain alangan namang kumakanta diba? Cafeteria nga eh.
Aish ano ba 'tong sinasabi ko putek!

Umiinit talaga ang ulo ko sa inis.
Tangina talaga, sana hindi na lang ako pumunta sa ground battle kanina kung magbalagtasan lang pala.
Isama mo pa ang tanga na lalaking 'yon.

"Hey Freak," speaking of the devil.

"What now idiot?"
Bored kung tanong dito at nagpatuloy sa pagkain.

"Stand up we'll have a training."

''Are you blind or what? Can't you see I'm eating?"
Tanga talaga hindi ba nya nakikita na kumakain pa ako?

"Then make it faster ang bagal mong kumain."
Aba't talaga naman. Kung makapag-utos ang lalaking 'to parang hari.
Kung itapon ko kaya 'tong pagkain na "to sa mukha nya? Bwisit!

"Ang bagal mo talagang babae ka, sumunod ka na lang sa training room. Nangangawit na 'tong paa ko kahihintay sayo."
Aba sino namang nagsabi sa kanya na hintayin niya ko? Wala naman hindi ba?
Tanga talaga.

Hindi ko siya sinagot, nagpatuloy lang ako sa pagkain.
Sinundan ko lang ito ng tingin habang naglalakad paalis.

That man, naiinis talaga ako pagmumukha niya. Masyadong gwapo esti masyadong pangit, nakakasuka. Ang hilig pang tumitig na parang binabasa ang bawat galaw ko. Naiilang tuloy ako minsan. Tsk ang weird talaga ng lalaking 'yon.

Napabuntong-hininga na lang ako at kumain ulit.
After 30 minutes ay tapos na ako sa pagkain.
Ang tagal ko ba? Well sinadya ko talaga 'yan para naman makaganti rin ako sa lalaking 'yon.
I wonder kung nandoon pa ba 'yon sa training room.

A/N:
So how's the update? OK lang ba?
Please comment para malaman ko kung saan ako nagkamali;)

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon