Chapter 38: The Ceremony

5.4K 157 2
                                    

Iceah's POV

"Ayusin niyo ang tali niya. Higpitin niyo ng mabuti, walang akong pakialam kung tatagos ang kadena na 'yan sa katawan niya."
Gaya ng inutos ni Taiki. Mahigpit na itinali sa akin ang kadena.

Ramdam ko ang pamamanhid ng buong katawan  ko. Unti-unti ng umaagos ang dugo ko mula sa ulo, kamay at mga paa. Hindi ako halos makagalaw.

Kesa sayangin ko ang tinig ko sa pagsisigaw dahil sa sakit ay itinuon ko na lang ang paningin ko sa iba na abala sa paghahanda.

May naghahanda ng kandila at may nagkatay ng maitim na baboy. Ipinaagos nila ang dugo nito at inilagay sa isang baso. Napangiwi ako nang walang sabi-sabing ininom ni Jena ang kalahati ng dugo.

"Sweet,"

Tumingin ito sa gawi ko at ngumiti ng makahulugan. Napakunot ang noo ko nang kinuha nito ang isang patalim kay Taiki at naglakad patungo sa akin.
Sinuyod nito ng tingin ang buo kong katawan na parang may inusisa.

"Masyadong sagabal,"
Tumalikod ito at tinawag ang isang lalaki.

"Alisin mo ang damit niya,"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jena. Bakit kailangan pa akong hubaran? Puso ko lang naman ang kailangan nila.

Nagpumiglas ako nang hawakan nila ang damit ko pero wala paring silbi. Masyado silang malakas at isa pa nakapako ang mga kamay at paa ko.

Walang akong ibang magawa kundi ipikit ang mga mata ko at hayaan silang alisin ang mga saplot ko sa katawan. Patalim ang ginamit nila kaya hindi ko maiwasang mapahiyaw sa sakit. Natanggal na ang damit ko pang-itaas. Saplot na lang sa dibdib ang natitira.

Para akong  nasa freezer dahil sa lamig. Gusto kong yakapin ang sarili ko pero hindi ko magawa. I feel so hopeless, pakiramdam ko, napakamahina ko. Gusto kong sumigaw, umiyak. Pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko.
Ayaw kong ipakita sa kanila na isa akong mahina, iyakin.
Kailangan kong maging matatag. Ayokong ibaba ang pride ko. Dahil kapag ginawa ko 'yon talo na talaga ako.

Rinig ko ang mga hiyawan at tawanan nila nang matanggal na lahat ng saplot ko sa katawan. Tanging ang bra at panty ko na lang ang natitira.

Naikuyom ko ang kamao ko nang may naramdaman akong mga kamay na humahaplos sa balat ko.
Nanlilisik ang mata na tiningnan ko si Fire. Ngumisi lang ito sa akin at itinuon ang atensyon sa buo kong katawan.

"Perfect body, sexy."
Sambit nito sa malamyos na boses.
Hinaplos nito ang mukha ko pababa sa labi ko na may sugat dahil sa pagsampal ni Jena sa akin kanina.
Yumuko ito pababa hanggang sa isang inches na lang ang pagitan ng mukha namin. Akmang hahalikan ako nito nang may biglang nagsalita sa likod.

"That's enough Gora, tama na ang laro. Bumalik ka na sa pwesto mo. Magsisimula na ang seremonya."

Ma-authoridad na sabi ng isang babae na nakasuot ng itim na damit. Sa pagkakatanda ko siya 'yong babae noon sa bloody battle, si Blood. May katabi itong isang babae na nakasuot ng puting bestida. Kulay puti ang mga mata nito na may halong maliit na itim sa gitna. Kung hindi ako nagkakamali siya si  Seraphim. Ang babaeng nag-utos na gagawin ang lahat ng 'to.

Naglakad patungo sa isang mesa si Blood at kinuha ang isang punyal na itim, libro at isang baso ng dugo. Tumingin ito sa itaas at tinitigan ang mala-kulay dugo na buwan. Pagkaraan ay tumango ito kay Seraphim at naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

"Ngayong gabi na ang pinakahihintay nating lahat. Saksi ang dugong buwan na 'yan sa gagawin na nating seremonya para sa kaarawan ng ating pinakamamahal na si Seraphim. Ang babaeng 'to ang sangkap para maging matagumpay ang gabing ito. Sindihan niyo na ang apoy ng impyerno."

Lumapit sa ilalim ng bato kung saan ako nakahiga ang isang lalaki. May dala itong torch. Parang may sinidihan ito sa ilalim dahil nakaramdam ako ng init sa likod ko.

Lumapit sa akin si Blood at nilagyan ng dugo ang noo ko. Pagkatapos ay kinuha nito ang libro at iniligay sa harapan.
Hinawakan nito ang kutsilyo atsaka pumikit.
May sinasambit itong mga salita na hindi ko maintidihan.

"Nos autem populus tuus , qui sub tua iussa sequar. Qui sumus ero tecum et fortes tui in bello."

Suddenly I felt a strange pain in my body. It feels like hell. My body is shaking. My head seems to explode. I don't understand. The pain is killing me.

"O Lucifer, placeat nostrum hoc indignum manducare Seraphim sororem mulierem in corde suo. In die illa magnus tu speramus optata concedere."

I almost shout when Blood stabbed me in my chest.
I hold my breath when I saw my blood running through my body.

My black blood,

The blood of death. When it get scattered, they'll be dead. I looked at Blood, she's still closing her eyes. Its seems like she doesn't know about me, about my blood.

Magsasalita sana ako nang bigla siyang nagpatuloy sa pagsasalita.
Mga salita na parang may patalim na tumutusok sa katawan ko.
"Lucifer unicum dominum nostrum, mos tibi. Damus vobis mentes."

Pakiramdam ko namamanhid ang buo kong katawan. I can't move. I can't speak. Its looks like may pumipigil sa akin. Parang may malakas na pwersang humihila sa akin pababa.

Iginalaw ko ang kamay ko pero hindi ko kaya, mas lalo lang akong nanghihina. Para akong kandila na unti-unting nauupos. Ang bigat sa pakiramdam.

Napangiti ako ng mapakla sa isip nang makita ko si Seraphim na may ngiting demonyo sa labi. Hawak nito ang punyal. Lumapit ito sa direksyon ko.

I slowly closed my eyes nang makita kong itinaas nito ang kamay at itinapat sa dibdib ko ang dalang punyal.

"Die, your heart is mine.'

Ramdam ko ang pagtalsik ng dugo ko sa mukha. She stabbed me in my heart not just once but twice.
Hindi ako makahinga. Sumisikip ang dibdib ko. Gusto ko ng matulog. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit. Marami ng dugo ang nawawala sa katawan ko. Ang bato na hinihigaan ko ay unti-unti ng natutunaw dahil sa dugo.
Di kalayunan ay bumagsak ang katawan ko sa lupa.

Bago ako kinain ng karimlan ay nakarinig pa ako ng isang malakas na pagsabog. Sigaw ng mga tao na parang nilalamon ng lupa.

At ang sigaw ng isang tao na matagal ko ng hindi nakikita.

"Iceah! Fuck Black, wake up!"
Ramdam kong niyuyugyog niya ang balikat ko. Pilit akong ginigising.
I wanted to open my eyes to see his face but I can't.
I'm happy that he came, trying to saved me.
But I think its the end.

I'm sorry Frost.


A/N: I know its lame and I'm sorry for that. I'm not good in narration sana maintindihan niyo.
Its my first story so expect na lahat ng mali ko nandito.

Next is epilogue. Malapit na 'tong matapos. Salamat sa support:) Lovelots!

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon