Chapter 28: Taiki

6.9K 222 17
                                    

(Picture of Iceah o Azura🔝🔝🔝)

--------------------

Iceah's POV

"Urghh fuck you!"

Tangina ang sakit ng daliri ko.
Parang nagkabali-bali ang buto nito dahil sa pagkapukpok ng bruha na 'to gamit ang isang martilyo.

"Sabi ko naman kasi sayo noon diba, kung magkikita tayo muli ay hindi na kita bubuhayin. Pero mukhang maswerte ka parin dahil hindi kita pwedeng patayin ngayon."

Paano ko naman makalimutan ang sinabi niya noon sa akin sa Detention Room. Sa araw na 'yon muntik na nga akong mamatay.
May peklat pa ako sa tagiliran dahil sa isang bruha niyang kasama.

Tumingin ako dito at ngumisi ng nakaloloko.

"Oo nga eh naalala ko pa noon ang kaduwagan mo."

"W--w--what did you say?"

"Oo nga eh naalala ko pa ang kaduwagan m--urghhhh fuck---"

Bwisit! Namumuro na talaga ako sa bruhang 'to! Urgh pisti! Kapag nakatakas ako dito pupukpukin ko talaga ng martilyo ang kamay niya ng isang daang beses.
Tangina ang mga daliri ko nagkalasug-lasog na.

"Tinanong mo kung ano ang sinabi ko diba? Bakit mo pinukpok ang kamay ko? Shunga ka ba? Ang animal mong babae ka!"

"Tumahimik ka kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mo!"

As if namang natatakot ako.
Bakit kasi hindi niya na lang aminin na naduduwag siya sa araw na 'yon? Bakit kailangan ka pa niyang magtapang-tapangan kung kita ko naman sa mga mata niya ang takot?
Alam kong kaya niya ako hindi pinatay noon dahil natatakot siya kay Azazel. Kailangan ako ni Azazel para sa plano nila kaya kapag pinatay niya ako ay papatayin din siya or worst ay ipakain siya sa mga Vimsters.
Malakas naman siya kaya lang mas malakas si Azazel kaya kailangan niyang sumunod sa mga utos. Tsk she's hopeless, sinayang niya lang ang buhay niya dito.

"Taike pinatawag ka ni Blood."
Rinig kong sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40+ ang gulang.

"Okey, ikulong niyo na lang ang babae na 'to sa CelleyHellio. Ikadena niyo ang mga paa niya."
Sabi nito sa lalaki at tumingin sa akin.
Umirap muna ito sa akin bago naglakad paalis.

Tsk ang oa ng babaeng 'yon.
Bakit kailangan pa niyang ipakadena ang mga paa ko?
Anong akala niya sa akin aso?
Animal talaga!

Habang tinatanggal ng lalaki ang tali ko ay nahagip ng mata ko ang peklat nito sa leeg. Para itong kagat ng isang bampira.
Pero bakit siya may ganyan? Posible bang dahil sa kagat na 'yan kaya sila naging alipin ng mga Vimsters na 'yon?
Pero bakit ako hindi? Diba nakagat rin ako sa leeg?
Baka nga hindi dahil dun. At isa pa ayoko rin naman maging alipin ng mga halimaw na 'yon.
Mamatay muna ako bago mangyari 'yon.

Nang matanggal na ang pagkakatali ko sa upuan ay hinahawakan ako ng dalawang lalaki sa balikat at kinaladkad papunta sa lugar kung saan ako ikukulong.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid.
Para itong sementeryo dahil sa itsura. Ang daming ulo na nakasabit sa mga puno. Mga buto na nagkalat sa mga paligid.
Nahagip ng paningin ko ang isang malaking mansyon sa malayo.
Para itong bahay ni kamatayan.
Nakakatakot itong tingnan lalo na't wala itong kahit anong ilaw.
Sa tingin ko 'yon ang bahay ni Azazel at Seraphim.
Ang laki nga ng mansyon, ang creepy naman ng disenyo. Tsk

"Pasok!"
Muntik na akong masubsob sa sahig nang bigla akong itinulak ng dalawang lalaki sa isang kwarto.
Tangina ang papangit na nga wala pang modo.
Pisti muntik pa tuloy magalusan ang mukha ko.

Lumapit sa akin ang isang lalaki at kinadena ang dalawa kong paa. Para na talaga akong aso nito. Tsk

Pagkalabas nila ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid.
Wala akong ibang makita maliban sa isang maliit na butas, kasing-liit nito ang takip ng isang nature spring.

Ano bang lugar 'to?
Bakit ang dilim?
At ang dingding bakit gawa lahat sa semento?
Paano ako makakahinga kung isang maliit lang ang butas?
Animal naman, balak ba nila akong patayin dito?
Puta naman oh.

Napalingon ako bigla sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang lalaki.

"Iceah,"

Automatiko akong napaatras nang makita ko ang mukha niya.

Fuck anong ginawa niya dito?

Sino ka ba talaga













Luis Noir Vivaldi?





A/N:
(Isang tao lang po pala si BLOOD AT SI AZAZEL baka po kasi naguguluhan kayo^^)

happy 21k reads!
At bilang pasasalamat ko sa inyo, heto na po ang UD.
Kung may tanong kayo o naguguluhan feel free to comment po, sasagutin ko po kahit ano ^^

So enjoy reading!
Votes and commends are highly appreciated :)

-GDlady

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon