Chapter 37: Hydroflouric

5.3K 171 4
                                    

Iceah's POV

Mahigpit na itinali ako pahiga sa isang malaking bato ng dalawang vimsters. May bahid itong dugo na sa tingin ko bago pa, medyo basa pa kasi. Muntik pa akong masuka nang maamoy ko ang malansang amoy ng lamang-loob ng isang tao. Pigil ang hininga na inilibot ko ang paningin sa paligid.

May bangin na nag-aapoy sa ibaba ng bato kaya naman puno na ng pawis ang buo kong katawan.

Siguro ito na nga ang pinto ng impyerno na sinasabi nila. Ang lugar kung saan gaganapin ang seremonya.

Napalingon ako sa kaliwang gilid nang may marinig akong yapak ng isang tao.

"Taiki, anong ginagawa mo dito?"

"Ako ang magbabantay sa babaeng 'yan ngayon."
Sagot nito ngumisi sa akin.

"Kung ganoon aalis na kami,"

Pagkaalis ng dalawa ay marahang lumapit sa kinaroroonan ko si Taiki at tiningnan ako ng makahulugan.

"I feel pity for you Iceah, wala kang kasalanan pero ikaw ang nagdurusa. Dapat kasi hindi ka na lang pumasok sa skwelahang 'yon para hindi mo maranasan ang ganitong klase ng kamatayan."

Napaangat ang isang kilay ko sa sinabi niya. Concern ba siya o ipinamukha niya sa akin na sa isa akong malaking tanga?

"Just shut up Taiki,"

"Why? Hindi ba tama ako? Ang lolo mo ang dapat nandito at hindi ikaw, dahil siya naman talaga ang may kagagawan ng lahat ng 'to! Siya dapat ang nagdurusa. Isa siyang demonyo!"

"Shut up!"

Kahit masamang tao ang pamilya ko, ang lolo ko, wala siyang karapatan na tawagin siyang demonyo. Oo ang lolo ko ang may kasalanan, oo ang lolo ko ang dahilan kung bakit ang lahat ng tao sa lugar na 'to ay naging kampon ng kadiliman, pero may dahilan kung bakit niya ginawa 'yon.

"Alam mo kung bakit Taiki, alam mo kung bakit ikinulong ang buong angkan at organisasyon niyo sa paaralang 'yon. Pumapatay kayo ng tao, kinukuha niyo ang mga anak ng mga mayayaman at ginamit para sa eksperiminto niyo. Malala pa doon ay pinatay niyo ang angkan ng Park/Haji."

"Tama ka, pero bakit niyo kami dinamay gayong si Death lang ang may kasalanan sa pamilya mo?"

"Isang pamilya kayo, isang organisasyon, sa tingin mo kapag siya lang pinarusahan hindi kayo gaganti?"

Hindi ito nakapagsalita sa sinabi ko. Malabo naman kasing tatahimik na lang sila at hindi gaganti kapag pinatay ang Death na 'yon.

"Amazing, indeed. Kagaya ka talaga ng lolo mo sobrang talino at isang demonyo. Alam ko ang tungkol sa dugo mo. Noon sa DR nakita kong naging itim 'yon. Isang klase ng dugo na nakakamatay at nakakadurog ng katawan. Isang tao lang ang nagtataglay noon at 'yon ay ang lolo mo na dumanas rin sa isang eksperiminto, ikaw na pala ang meron niyan ngayon. Ang bobo rin naman kasi ng Death na 'yon dugo mo pa ang ginamit niya at hinaluan ng nakakamatay na chemical."

Tama siya, kagaya ako ng lolo ko. Isang mamamatay tao, isang demonyo. Demons runs in our blood, in my blood. Kahit hindi pa nahaluan ng chemical o hydroflouric ang katawan ko, pumapatay na ako dahil iyon ang trabaho ko bilang heiress ng Mafia. Pero lahat ay nagbago nang mapatay ko ang lahat ng tauhan namin gamit ang dugo ko. It was an accident pero ako ang sinisisi ng lahat. Sa galit ng lolo ko ikinulong niya ang buong organisasyon ng Death na 'yon. At ito nga ang kinalabasan ng lahat.

"Pero alam mo Iceah, nagpasalamat ako sa ginawa ng lolo mo sa amin. Dahil sa pagkakakulong ng matagal sa paaralang iyon ay naging mas malakas kami sa lahat. Malas mo lang dahil gusto ni Seraphim ang puso mo. "

"Baliw ka kung ganoon. Paano mo nagawang magpasalamat kung sa matagal na pagkakulong niyo ay wala kayong ibang kinain kundi ang mga lamang-loob ng kasamahan niyo."

"Kaya nga eh dahil sa lamang-loob nila naging ganito kami kalakas."

Nababaliw na talaga ang babaeng 'to. Dapat lang talaga sa kanila ang ginawa ng lolo ko noon.
Sayang at hindi pa sila nabulok sa paaralang 'yon.

Hindi na lang ako sumagot at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa langit. Alas-siyete na ng gabi, konting oras na lang mamamatay na ako.
Kapag mamatay na ako saan kaya ako mapupunta, sa langit? O sa impyerno?
Sa lahat ng kasalanang nagawa ko malamang sa impyerno talaga ang punta ko.

Ganito pala kapag malapit na ang oras mo kung ano-ano na lang pumapasok sa isip.

"Taiki, oras na. Nandito na rin sila."
Nangunot ang noo ko sa narinig. Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses at halos lumuwa ang mata ko nang mapagsino ko ang nagsalita.

It was Fire, kasama niya ang isang babae na hindi ko kailanman maisip na isa pala sa kanila.

"Jena,"

GRAVE UNIVERSITY 1(COMPLETED)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon