Chapter 4
Bakit nga pala ako nag-walk-out kanina?
Wala lang naman...
Kasi nakita ko lang naman syang kahalikan si Cassandra habang yakap yakap niya ito nang sobrang higpit.
Wow? Kailan pa sya nag-initiate nang halik? O sakin syalang,ganoon? Na ako yung atat na atat na halikan sya?
E di wow!!!!
Haaay!.Naga-altapresyon na ko!! Imbes na nag-e-emo ako e! Naging mala-Vice ganda naman na ko...
Nagderetso nalang ako sa 7/11 at bumili nang kung anu-ano. Hindi ko ininda yung tingin nang ibang tao dahil basang basa ako. Buti hindi ako sinita noong guard. Makapagfood trip nga para man lang ma-divert ko sa pagkain ang isip ko at hindi kay Gray nalang palagi.
Kuha lang ako nang kuha hanggang sa napunta ako sa liquor section. Kumuha ako nang benteng SanMig in Can. Ngayon lang to. Para malimutan ko naman sya kahit saglit lang.
Pauwi na ko nang boarding na nakayukong naglalakad. Hmp. Baka sabihin nang tao,walking zombie ako dahil sa mga mata ko at para akong tanga na naglalakad habang ang lakas lakas nang ulan. huhu!!!
Naisip ko na naman sya. Pumasok kaya sya? Sana naman oo, hinahanap nya ba ko?
Asa naman.ako. Siguro ang saya saya nya kasi nakahalikan nya si Cassandra pabebe!!!!
Buti.nalang apartment tinutuluyan ko kundi baka pagtawanan ako kapag may nakakita sakin. Muntik pa kong napagkamalan nung guard na pulubi kung hindi lang ako nagsalita.
YOKATTA!
Ready to drink...
INOM
KAIN TSITSIRYA
IYAK
INOM
KAIN TSITSIRYA
IYAK
INOM
KAIN TSITSIRYA
IYAK
INOM
KAIN TSITSIRYA
IYAK
"HAAY! WALANG HIKK HIYA KA HIKK GRAY BAUTISHTA. MAGSHAMA KAYOOH HIKK NG GIRLFRIEEEEND MOOOONG HIKK PANDAAAAK, NEGRAHHH HIKKK PA. HAHAHA. HOY, GRAY. ANONG NAGUSHTUHAAN MOOH KAY CASHANDRA, E ANG PANGEEEEET PANGEEET NAMAN NYAH HIKK. HUHUHUHU. HOOOY GRAY,BAKIT KASHI MAHAL NA MAHAL HIKK HUHUHU KITA? " para na kong baliw na kinakausap yung litrato nya habang nilalait yung girlfriend nya. Para akong tanga na iiyak at tatawa. Haay! Oo lasing na lasing na ko e nakaapat na in-can pa lang ako.
"HOOOOOY,GRAY. MAGSHALITA KAHHHH. HUUUUUUUUY!!!!! " Dinuro-duro ko yung picture nya. Haaay. "BAKEEEEEET HINDIHHH KAHHH NAGSHASHALITAH?"
I feel so pathetic. I feel dumb. I feel desperate. I know what I'm doing but I can't control myself being so idiot for loving him.
Parang paglalasing lang ang pagmamahal. Alam ko ang ginagawa ko pero hindi ko makontrol ang sarili ko na sige, sige pa! Kaya ko pa kahit na sa totoo lang, nahihirapan na ko!
BINABASA MO ANG
First/True Love [Completed]
General FictionCompleted story: Jaderelle and Gray's story: FIRST/TRUE LOVE