Chapter 3

106 6 0
                                    

Chapter 3

          Akala ko okay na eh! I thought everything is okay between us but I was definitely wrong.

          Nakalimutan ko na ngang may GF sya. Or akala ko, break na sila.

          Araw araw kasi kaming magkasama. Hindi nya pinaramdam sakin na may problema. Apat na buwan na din ang nakalipas. Malapit nang mag-end ang first sem. Two weeks nalang, finals na namin.

          But one afternoon...

          Sabay kaming pumasok sa school kasi magkalapit lang apartments namin at palagi nya kong hinahatid sundo.

          Ang saya saya pa nga namin habang naglalambingan na naglalakad papuntang school. Nang...

          "Gray..."I heard someone calling his name. The voice was familiar. Kinabahan ako nang makilala ko yung boses na yun.

          Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay nya. Ang nasa isip ko noon ay tumakbo sa taong yun. I hate this feeling. Ayokong matakot sakanya pero yun ang nararamdaman ko.

          I'm afraid...

         

...afraid of losing him.

          Mahal na mahal ko sya at kahit pa mali ang ginagawa ko ngayon o magiging mali pa ang gagawin ko sa kasalukuyan, gagawin ko parin yun. Wag lang sya mawala sakin.

          "Gray...kausapin mo naman ako." That was that voice again so I pulled him closer and walk away from her but...

          "Wait lang Jade. I just need to talk to Cassandra." Napaiyak nalang ako nang di ko namamalayan.

          I was so scared. "No, you need not to talk to that girl, Gray. Halika na. Ma-li-late na tayo." Hila hila ko parin yung kaliwang kamay nya. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko. Ayokong pakawalan sya. Ayoko nang pakawalan sya ulit...

          Kasi alam ko kung gaano kasakit...

          "Jade. I really need to talk to her. Besides, she's still my girlfriend."

Ouch!

          That's the cue! That's the time when I finally give up.

          Pinilit nyang alisin ang pagkakahawak ko sa kamay nya. I don't want to let go of his hand but he's the one who wants to let go and it really hurts.

          Napaluhod nalang ako sa sakit. It sucked like a hell to feel this freaking emotion.

          Ayaw ko naman siyang pakawalan e... yun nga lang sya ang gustong makawala.

          And then I realized something,

          How can I let him go when in the first place, he was never mine? Not already...

          Ayoko mang i-let go sya. Alam ko namang hindi tama. Hindi tamang mahalin ang isang taong may mahal nang iba.

          Oo, katangahan man pero tiniis ko yun kasi sobrang mahal na mahal na mahal ko sya at kahit ang sakit sakit, okay lang yun. mahal ko sya e.

          Naglakad nalang ako palayo sakanya. Palayo sa kanila. I just decided not to go to school.Hindi rin naman ako makakapagfocus kapag pumasok pa ko eh.

          I took glance of Gray and Cassandra before I finally leave them alone.

          Mas lalo pa kong napahagulgol pagkakita ko sa kanila. Sana hindi nalang ako lumingon. Sana hindi nalang talaga para hindi ko napatunayan sa sarili kong ang TANGA TANGA KO. ANG TANGA KO LANG MAGMAHAL NANG TAONG WALANG IBANG MINAHAL KUNDI SI CASSANDRA.

          I cried so hard and ran away from that school. At sakto pang umulan.

          Ang cliché! Ano to? Pelikula? Oo nga noh? This is a movie but not my love story. This is his love story. Hindi ako ang leading lady nya. Isa lang akong kontrabida sa LOVE STORY nila.

          Naalala ko yung mga pinapanood kong Koreanovela. Halos lahat nang napanood ko, yung bidang lalaki hindi nakakatuluyan yung FIRST LOVE kasi may dumarating na other girl which is the bidang babae. At yung first love is the kontrabida. At yung TRUE LOVE is yung bidang babae.

          Whoa? Ang saya! Ako yung first love, e di ako yung kontrabida?

          Lang hiyang istorya to! Ginawa gawa tapos yung nag-na-narrate, siya ang antagonist! Di palang kasi magpakamatay yung author e! Pwede naman kasing meant to be sila JADERELLE at GRAY, at ang kontrabida ay si CASSANDRA!!!

First/True Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon