"Rhi, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Kinakabahang tanong ni Ann sa best friend niyang nakatingin sa malayo na tila may inaabangan. Nasa may likod sila ng halamanan para magtago.
"Kailan ako hindi naging sure sa ginagawa ko, aber?" Sagot naman nito nang hindi tumitingin sa kausap niya.
"Kinakabahan kasi ako, eh. Feeling ko—" Bago pa nito matuloy ang sasabihin niya, Rhian immediately cut her off.
"Alam mo, kung kinakabahan ka, you're free to leave now. It's now or never, Ann. Kailangan kong magantihan si Benj."
"Ano ba naman 'yan, Rhi? Ganun ba talaga ka-big deal para sayo 'yung ginawa niya?"
"And if I say yes? Anong gagawin mo?"
"Rhian Denise Ramos naman! Seriously? Dahil lang sa pen? Dahil lang sa isang pen na nawala sa desk mo na agad mong ibinintang sa kanya kahit wala ka namang concrete proof na siya nga ang kumuha, ganyan na agad ang gagawin mo?" Halos pasigaw na sabi nito sa bestfriend niyang sobrang babaw. "If ganyan ka kababaw at dahil lang dun ay ipa-prank mo na siya, halika na, umalis na tayo dito. Punta tayong mall. Bibilhan na lang kita ng bagong pen. Kahit mga bente piraso pa."
"Ann, 'di mo kasi maintindihan, eh. That pen was given to me by my father. Don't you get it?" Gusto na niyang sabunutan ang best friend niya sa pag-iisip na ganun lang siya kababaw na tao. Magsasalita pa sana siya ng bigla niyang matanaw si Benj. She shushed her best friend instead. "'Wag ka ng magulo. He's here. I-ready mo na 'yung camera mo. This would be fun!"
Napailing na lang si Ann sa kabaliwan ng best friend niya. Kaysa pigilan ito, hinayaan na lang niya tutal siya pa rin naman ang masusunod. Inilabas niya ang phone niya para makunan kung paano mabuhusan ng isang timbang slime ang suspect sa pagkuha ng pen nito. Excited na excited naman si Rhian dahil first time niyang makaka-witness ng parang sa Nickelodeon Kids' Choice Awards nang live.
Ayan na...
Konti na lang...
Palapit na ng palapit si Benj...
Abang na abang ang mag-bestfriend ng biglang...
"Ay put—!" Napatayo si Rhian at napalabas sa likod ng pinagtataguan nitong halaman. Agad na nilapitan ang natapunan ng slime. "Sino ka!? Bakit ka tumakbo at inapakan 'yung tali? Hindi dapat ikaw 'yung matatapunan niyan, eh!"
"Rhian? Ano 'to?" Clueless na tanong ni Benj. Napatingin sa kanya si Rhian.
"Fudge! That slime is supposedly for you..." Turo nito kay Benj at sa babaeng naligo sa slime na kanina pa nakatayo. "...and not to this unknown creature!"
Halos naghi-hysterical na si Rhian sa inis. Because for the first time, she failed. Ann is trying to calm her down kasi dumarami na ang mga tao sa paligid nila. 'Yung iba ay naglalabasan pa ng kani-kanilang phones. She knows that they'll be famous any minute.
"So I guess I'm lucky today?" Benj grinned na lalong kinabwisit ni Rhian. He faced the girl who technically saved him sa kahihiyan. "Thank you for saving my life, Miss Whoever-You-Are. I gotta go now. Nag-aaksaya lang ako ng oras dito."
"Aaargh!" Napasigaw na siya sa sobrang inis. She faced the people around them. "What!? Tapos na ang show! You can go back to your classes now! And wait! Whoever uploads this shit that just happened in any social media sites, malalagot sa'kin! Understand?"
Hindi na naman umapela ang mga schoolmates niya at nagsibalikan na lamang sa kani-kanilang classrooms. 'Yung iba namang walang klase'y nagsibalikan sa kung anong ginagawa nila bago mangyari ang hindi dapat nangyari. Alam nila kung paano ito magalit at ayaw nilang ma-sample-an. If that will happen, it might be the end of their lives.
"And you!" Dinuro niya ang babaeng kanina pa walang kibo. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Who are you? Seriously? Nagpapapasok sila ng mga old-fashioned geeks dito sa school na 'to?"
"Obvious ba? Kaya nga 'ko nandito, eh." Nagulat si Rhian kasi nagsalita ito. But she easily recovered from the shock at mas lalo pang naasar. She can't accept the fact na nag-talk back ito sa kanya. 'Di siguro siya kilala nitong babaeng 'to.
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na may tali sa paanan mo kanina?" Tinitigan niya ito. She clenched her jaw. Di niya makita ng maayos ang mukha nito but one thing's for sure, may salamin itong suot. "Well, 'di ka pa bulag pero papunta na."
"Alam mo, imbes na ang dami mo pang sinasabi, kung nagso-sorry ka na lang sa kasalanan mo sa'kin, edi sana okay na. Pero hindi, eh. Nilalait mo pa 'ko!" Napataas ang kilay niya ng ma-notice na tinataasan siya nito ng boses.
"I won't say sorry 'cause it's not in my vocabulary. And one more thing, if I do pranks, I'm not sorry about it 'cause that's intentional."
"What?" Tinanggal ng babae ang salamin niya at pinunasan ang mukha niyang may slime bago magsalita. "Hoy, sabi mo kanina, hindi para sa'kin 'yung slime. So technically, it's not intentional kaya mag-sorry ka sa'kin!"
"No, I'm not and will never be. Wanna know why? 'Cause I just realized that it's intentional now." Taas kilay nitong sagot at flip ng hair sabay talikod.
"Hoy ano? Aalis ka na lang bigla? Hindi ka talaga magso-sorry?" 'Di siya pinansin ni Rhian at patuloy na naglakad.
"Uhm... Hi, Miss. I'm Ann, and that girl is Rhian. Ano... Ako na humihingi ng sorry. It wasn't for you talaga. Nadamay ka lang," natatarantang paghingi ng paumanhin ni Ann sa babae. "Una na kami, ha? Sorry talaga."
'Di na nakapagsalita pa ang babae. Paano nga naman siya magsasalita, e, wala na siyang kaharap. Pagka-sorry kasi ni Ann ay agad itong tumakbo para habulin si Rhian.
"So ikaw pala si Rhian, ha? Ang nagrereyna-reynahan sa campus na 'to. Hmm..."
BINABASA MO ANG
MISSING PIECE (rastro fanfic)
Fanfiction"Hindi mo hahanapin ang pag-ibig. Pag-ibig ang hahanap sayo. #sabeh #oonganaman" - @glaizaredux, 3/10/16, 5:07 pm