Rhian's POV
Dalawang araw na ang nakalipas mula nung nangyari ang prank ko kay Ann sa loob ng unit ko. At simula din nung araw na 'yun, hindi niya na ako pinapansin o nire-reply-an sa Facebook o sa Twitter. She even ignores my texts and calls. Nung gabi ng away namin, I tried to call her, but it seems like ayaw niya 'kong makausap kasi pinapatay niya 'yung mga tawag ko. Kaya tinext ko na lang siya at sinabing magbati na kami kasi hindi na kami mga bata para sa mga ganitong bagay. Ine-expect ko na magre-reply siya at hindi niya 'ko matitiis pero nakatulog at nagising na ko't lahat, wala pa rin.
And it's really killing me big time. I don't know what should I do kasi for almost 9 years naming friendship, ngayon lang nangyari 'yung ganito sa 'min. Nalulungkot ako every time na nakikita ko siya sa school. Gusto ko sana siyang lapitan at kausapin pero pinanghihinaan ako ng loob every time na gagawa ako ng move palapit sa kanya. Natatakot kasi ako na baka i-turn down niya 'ko. Baka hindi niya 'ko pansinin. Ayoko n'on. I hate rejections.
"Ann..." Malungkot kong pagtawag sa pangalan niya after ng last class namin.
"Bakit?" She asked me coldly and averted her look.
"Ano kasi..." Napapakamot na 'ko sa ulo ko. She looked at me na parang naiinip. "Gusto ko lang sabihin na..."
"Na?"
"Na ano..."
"Na ano?"
"Ano kasi..."
"Kasi?"
"Ano... Gusto ko lang sabihin na ano..."
"May sasabihin ka ba talaga or tini-trip mo na naman ako? Kasi kung wala ka lang magawa, iba na lang ang badtrip-in mo. 'Wag na ako kasi pagod na 'ko. So if you don't mind, mauna 'ko," Magsasalita na sana ako kaso lang agad niyang kinuha ang bag niya at umalis.
Napaupo ako sa sobrang frustration. P-in-ractice ko pa naman kung ano 'yung mga sasabihin ko sa kanya kapag kaharap ko na siya pero nung nandiyan na siya, napipi ako. Gusto ko sanang sabihing I missed my best friend, na I missed her so much, na para akong namatayan ng aso sa sobrang lungkot na hindi ko siya nakakausap. Pero sinayang ko lang 'yung inipon kong lakas ng loob ng dalawang araw kasi wala akong nasabing matino sa harap niya.
And suddenly, I remembered that unknown creature na palaban. Siya ang puno't dulo kung bakit hindi kami okay ng best friend ko. Dahil siya ang dahilan kung bakit ko kinailangang i-prank si Ann. Humanda 'yun sa'kin. Gagawin kong miserable ang buhay niya dito sa university.
Fourth day na ng hindi pagpansin sa 'kin ni Ann, at habang patagal nang patagal, alam kong palayo na rin nang palayo ang loob niya sa 'kin. I saw her with one of our blockmates, Bianca. Alam niyang hindi kami okay ni Bianca, but still kinaibigan pa rin niya. Ngayon pang hindi kami okay, ha. I don't know kung nananadya siyang badtrip-in ako o ano. Baka nananadya. Baka gumaganti.
I'm chewing my cheeseburger harshly ng may mahagip ang mata ko na nasa may entrance ng cafeteria. Kung suswertihin nga naman ako, oh. Si unknown creature, naglalakad kasama ang isang babaeng katulad niyang loser.
Dahil badtrip ako, at may kasalanan siya sa 'kin, I got a bright idea.
"One chocolate cake and iced coffee, please," Sabi ko sa tindera. Tinignan niya lang ako. "Miss, baka gusto mo kong pagbentahan."
"'Di kita pagbebentahan kasi hindi ka marunong pumila," At inirapan niya 'ko. What the. Tinaasan ko siya ng kilay pero wala siyang pake at pinagbentahan 'yung babaeng nakapila imbes na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/68713358-288-k580091.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSING PIECE (rastro fanfic)
Fanfiction"Hindi mo hahanapin ang pag-ibig. Pag-ibig ang hahanap sayo. #sabeh #oonganaman" - @glaizaredux, 3/10/16, 5:07 pm