Sarah's POV
"Sarah... Sarah..." Nagising ako dahil sa may nagse-shake sa katawan ko. I opened my right eye first and I saw a worried Rhian looking at me.
"Bakit?" Medyo groggy kong tanong, rubbing my eyes. Napatingin ako sa right side ko. I saw Kendall who's sleeping comfortably and currently clutching on my arm.
"Have you seen Glaiza? She's not in the bedroom." Dahan-dahan akong umupo without disturbing Kendall from her slumber.
Gusto ko pa sanang matulog at i-enjoy ang moment na 'to kasama si Kendall kaso nawawala ang bestfriend ko sa mga oras na ito.
'Bestfriends over girlfriends' ang bro code namin ni Glaiza since naging mag-bestfriend kaming dalawa. Masama man sa loob ko, ayoko pa ding i-break 'yun. Kaya when I finally see Glaiza, sisingilin ko siya. Sayang 'tong moment na 'to, e. Bihira sa bihira. Though Kendall is not my girlfriend but still.
"Actually, she's nowhere to be found."
"Baka nasa banyo..." I yawned and stretched my arms. Ouch. My head hurts.
"Kakasabi ko lang, 'di ba, na she's nowhere to be found?" She rolled her eyes on me.
"E, bakit mo 'ko tinatarayan, ha? Nagtatanong ka na nga lang, ikaw pa galit? Aba, magaling!" Pumalakpak ako nang mabagal at inirapan siya kasabay nang pag-cross ng arms ko.
Hindi ko alam kung bakit 'pag nasa paligid namin si Glaiza, ang bait-bait nitong si Rhian. Kapag wala na, lumalabas na ang tunay na kulay ng bruha. Sabunutan ko na kaya 'to habang wala si Glaiza tapos itanggi ko na lang na nangyari 'pag nagsumbong 'to sa kanya? Nakakapikon na kasi talaga, e. Asar na asar na 'ko. Tagal ko ding nagpipigil na masaktan 'to, e. Isang sabunot lang tapos tapos na.
"Okay, I'm sorry." She held her hands and rubbed it na parang hindi mapakali. "Ako kasi 'yung huling natulog kaninang madaling-araw... At ang huling natatandaan ko, nasa kwarto pa siya at mahimbing na natutulog."
"What!? Tabi kayong natulog!?" I almost shouted. I covered my mouth 'cause I might bother Kendall.
"Yes... I mean, no... not really... Nasa gitna namin si Ann."
"Akala ko, e." Tumingin ako sa paligid at maliban kay Kendall, natutulog pa din pala si Patty sa couch.
Tumayo ako at naglakad papunta sa C.R. Naiihi na kasi ako and I feel like throwing up sa dami ng mga nainom ko kagabi. Halos wala na nga akong maalala sa mga nangyari maliban sa nanuod kaming horror movies and naglaro kami ng truth or dare. Pagkatapos nun? Wala na.
To my surprise, sinusundan pa din ako ni Rhian. Anong meron? Bakit mas mukha pa siyang alalang-alala kaysa sa'kin? Sino ba ang totoong bestfriend? 'Di ba, ako?
E, baka naman kaya alalang-alala siya kasi may gusto siya kay Glaiza? Kaso parang imposible naman 'yung mangyari kasi halos magpatayan na nga silang dalawa tuwing magkasama, e. Pero matagal na 'yun. Okay na sila ngayon. Nag-bonding na nga sila last time, e.
Pero baka naman kasi may namamagitan na talaga sa kanila? I mean, 'di lang sila friends but more than that na ang status nila? Hindi kaya? Pero bakit 'di ko alam? Nagtatago na sa'kin si Glaiza?
Pero malabo 'yung mangyari. Si Glaiza pa ba? Kahit na gaano pa siya katahimik at hindi siya pala-express ng sarili niya sa ibang tao, hindi niya magagawang maglihim sa'kin. Ako pa ba? E, bestfriend at sister from another mother niya 'ko.
"What? Sasama ka sa'kin hanggang sa loob ng C.R.? Bobosohan mo 'ko?" Nanlaki ang mga mata niya. Then she shook her head and step back.
Nang maisara ko ang pinto, agad-agad kong yinakap ang toilet bowl. Tsk. Sumuka 'ko nang sumuka hanggang sa feeling ko ay wala na lahat ng ininom at kinain ko kagabi sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
MISSING PIECE (rastro fanfic)
Fanfiction"Hindi mo hahanapin ang pag-ibig. Pag-ibig ang hahanap sayo. #sabeh #oonganaman" - @glaizaredux, 3/10/16, 5:07 pm