12: Thoughtful Glaiza

1.2K 72 10
                                    

Glaiza's POV

I woke up because I heard my ringtone. Sino kaya 'tong maaga kung mambulabog? Nakakainis, ah. Teka, anong oras na ba? I forced my right eye to open so I can be able to see what time it is. I grabbed my phone on the nightstand and looked at the screen. It's 8:53 am.

Sarah calling...

"Hello?" I said while yawning.

[Nasan ka? Bakit nawala ka kahapon sa table natin?]

"Bahay. Mamaya ka na tumawag. Inaantok pa 'ko. Bye."

[Hoy! Te] I didn't let her continue what she is about to say. Maliban sa inaantok pa 'ko, hindi ko rin 'yun maiintindihan dahil lutang pa utak ko until now. Hindi dahil sa lasing kundi sa puyat. Anong oras na ba naman ako nakauwi. Tsk.


"Let's party!" Kendall said while raising her glass. Tch. She's drunk already. Lumapit siya sa 'kin at yinakap ako. "Aren't you enjoying the party, hon?"

"You're drunk, Kendall," Marahan ko siyang inilayo sa 'kin at hinayaan siyang makahiga sa couch. Tumayo ako. "Sah, punta muna 'ko sa C.R.."

She just gave me a thumbs up. I was on my way to the C.R. when someone caught my attention.

"Rhian?" I can't recognize if it is really her because of the flickering lights. Naglakad ako palapit sa kanya. Nang makumpirma ko ngang siya 'yon, I pushed the man who is about to kiss her on her lips.

"Ano ba?" Pagalit na sabi ng lalaking itinulak ko. "Glaiza?"

"Stay away from Rhian kung ayaw mong magkagulo rito, Jason," I warned him. He just raised his two hands as if saying that he surrenders. He turned his back on us.

"Hey. Are you alright?" Tinanong ko siya habang yakap-yakap siya pero hindi siya sumasagot. Hindi niya siguro 'ko makilala. She squinted her eyes on me.

"Uy! Nashan na shi Shingkit? Shaka shino ka?" She pointed her finger on me then she hiccuped. Natawa siya kaya medyo na-off balance siya dahilan para mapahawak siya sa chest ko. Ang tagal na nakapatong ng mga kamay niya sa chest ko. Manyak pa ata 'tong babaeng 'to, eh. She shook her head and smell me. "Bango mo, ah. Anong pabango mo? I liked it."

"Tch. You're drunk. Let's go. I'll bring you home."

"Uy, 'di pa, ah. Tipshy lang ako, tipshy. Hehe. Leshgo, lesh dansh," Inalis niya ang mga kamay ko sa katawan niya at sinubukan niyang tumayo mag-isa pero lasing na talaga siya kaya na-off balance ulit siya. Buti na lang nasalo ko siya kaagad.

"I already told you that you're drunk. Let's go," Hihilain ko na dapat siya palabas ng bar pero pinigilan niya 'ko.

"Kaya ko pa. Medyo gumagalaw lang 'yung paligid. Teka... Ayaw tumigil. May earthquake ba?" Ganito ba talaga siya 'pag nalalasing? Parang bata sa sobrang kulit?

"Wala kaya halika na. Iuuwi na kita."

"Shayaw muna nga tayo. Bilish na," Sabi nila, ang hindi makuha sa santong dasalan, kunin sa santong paspasan. Kung kaya, napatili siya nang buhatin ko siya na parang sako ng bigas.

"'Wag kang masyadong malikot kung ayaw mong mabangasan ang maganda mong mukha."

Naglalakad na 'ko palabas ng may humarang sa'kin.

MISSING PIECE (rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon