19: Late Night Talk

1.7K 89 16
                                    

[Ayan na nga ba sinasabi ko, eh. Lumabas lang kayo, nakalimutan mo na 'ko.]

I'm talking to Ann na kanina pa 'ko pinapagalitan at dinadramahan. I forgot that I made a promise na doon ako sa kanila magdi-dinner at matutulog tonight. Maliban sa hindi ako nakapagpaalam nang mas maaga, alam kong hindi na rin ako papayagan nina Mom and Dad kasi umalis na 'ko kanina.

"Hindi naman sa ganun, Ann. Bakit ba lagi mo na lang iniisip na 'pag kasama ko siya, nakakalimutan na kita?"

[Kasi girl crush mo 'yung tao. Kasi para kang lasing when you made promises to me na nakakalimutan mo kung anong sinabi mo the day after. Nakakainis ka na, Rhian. Simula nang napalapit sa 'yo 'yang babaeng 'yan, lagi na lang tayong nag-aaway.]

"Eh, sino ba nagsisimula ng away? Kaya nga nagso-sorry na 'ko, 'di ba? Bukas talaga. Pagpasok pa lang, magdadala na 'ko ng pampasok na damit for Thursday, promise."

[Bahala ka. 'Wag ka na mag-promise. Hindi mo rin naman kayang tuparin.]

"Uy, gra" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil in-off na niya ang tawag ko.

I frowned. Sino bang hindi malulungkot na makaaway na naman ang best friend niya? Halos kakabati lang namin tapos ito na naman, may away na naman kami. Para na kaming mag-girlfriend nito, eh. Napakaselosa kasi.

Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit gano'n na ang pakikitungo niya sa 'kin. It's my fault naman talaga. Pero hindi totoong nakakalimutan ko siya kapag nand'yan na si Glaiza. Grabe naman kung gano'n. Let's just say, medyo wala na nga kaming bonding these days kasi nagkasakit ako last week at hindi na kami tulad noon na almost every after classes namin, lagi kaming magka-usap or magkasama.

Nang ibinaba at tinignan ko ang screen ng phone ko to text Ann, I saw that I have five text messages from Glaiza. Wow. Parang bago kami magkausap ni Ann kanina, which is twenty minutes ago, wala pa 'tong mga messages na 'to, ah.

From: Glaiza de Castro

Just got home! Thank you ulit.

Hindi na 'ko kakain ng dinner. Busog pa 'ko, eh. Ikaw ba?

Psst! Rhian, busy?

Hey?

Ah baka tulog ka na dahil sa pagod kanina. Sa uulitin, ha. Good night! :*

To: Glaiza de Castro

'Di pa 'ko tulog. Kausap ko kanina si Ann, eh. Nagtatampo sa'kin.

To: Ann Cayabyab

Ann, sorry talaga. I'll make it up to you tomorrow. Good night! :*

Inilagay ko muna sa bed ko 'yung phone ko at nagpunta sa C.R. to take a quick shower. Naiinitan ako kahit na airconditioned ang kwarto ko.

After twenty minutes, I checked my phone again, and I received three text messages from Glaiza. Walang reply from Ann. Galit pa ata. Bukas talaga, babawi ako sa kanya.

From: Glaiza de Castro

Akala ko tulog ka na. Bakit siya nagtatampo?

Hey? Nawala ka na naman.

Tulog ka na ata talaga? Good night.

From: Glaiza de Castro

MISSING PIECE (rastro fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon