"Unless nagseselos ka."
Who? Me?
"Bakit naman ako magseselos? Saka kanino ba dapat ako magselos?"
"Ewan ko sa 'yo kung bakit at kanino," Inubos niya ang ice cream na nasa cup niya.
"Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos?"
"Edi hindi. Hindi na naman kita ini-intriga, ah. Ang defensive mo, eh," She looked at me and shook her head. "Tell me, Glaiza. Anong nangyari sa jamboree niyo at nagkakaganyan ka na ngayon?"
"Anong nagkakaganyan?" I avoided her gaze and continued eating.
"Last time we met, before kayo pumuntang Batangas, wala kang pakialam kay Rhian. Tapos ngayon, pagbalik niyo, ganyan ka na. Kung makapag-alala ka 'kala mo girlfriend ka."
"Hindi ko siya girlfriend."
"Hindi naman pala, eh. Bakit nga nagkakaganyan ka?"
I heaved a deep sigh and told her all the happenings in the jamboree. I told her na nagkasama kami ni Rhian sa iisang tent, na sinauli niya 'yung necklace ko, 'yung tungkol sa narinig ko na sinabi ni Ann kay Rhian nung nasa loob sila sa tent, 'yung pagkakasakit niya, at 'yung pagsugod sa kanya sa hospital last Saturday night.
But I did not share the story about the body heat na walang malisya. Knowing Sarah? Gagawan niya ng issue 'yon for sure. At kapag tinanong na naman niya 'ko, magmu-mukha na naman akong defensive once na sumagot ako.
"Nagi-guilty kasi talaga 'ko. Feeling ko may connection 'yung pagkakasakit niya sa necklace ko," I explained.
"Bakit ka naman nagi-guilty? Eh, in the first place, kasalanan naman talaga niya na itapon 'yung necklace mo. Saka malay mo naman feeling mo lang na may connection pero wala talaga."
"Pwede... Pero kadalasan kasi sa wild guesses ko, tumatama. Alam mo 'yan," I pointed her with the spoon I'm holding.
"Pero hindi palagi. Madalas lang. Ibig sabihin may chance pa rin na wala talaga."
Kunsabagay. She got a point. Baka naman kasi talaga paranoid lang ako. Baka naman wala talagang connection 'yung pagkakasakit sa necklace ko.
She looked at her wristwatch.
"'Di ka pa ba tapos? Umuwi na tayo. Wala na rin naman tayong gagawin dito sa school."
"Ito na nga, tapos na," Kinain ko na 'yong last scoop ng ice cream ko sa cup at saka tumayo.
"Ate, James invited me pala to come with their family on Saturday," Nadine blurted out while I am reading 'Every Day' by David Levithan.
Nasa living room kami ngayon and while I'm reading, she's watching Talk Back and You're Dead.
"Hmm? Saan kayo pupunta?" I asked without looking at them.
"Sa EK. 6th birthday kasi ni Ryle."
"Edi sumama ka. Nagpaalam ka na kina Papa at Mama?" I closed my book.
"Uhm... Actually, not yet. Alam ko namang baka hindi nila 'ko papayagan if wala akong ibang kasama," She said dubiously.
"So, what do you mean?"
Alam kong may hihingiin siyang pabor. Medyo nahihiya lang siya dahil sa tinagal-tagal naming magkapatid, ngayon lang namin tina-try na maging close sa isa't-isa. We're still weighing each other.
BINABASA MO ANG
MISSING PIECE (rastro fanfic)
Fanfiction"Hindi mo hahanapin ang pag-ibig. Pag-ibig ang hahanap sayo. #sabeh #oonganaman" - @glaizaredux, 3/10/16, 5:07 pm