Maraming pagbabago ang nangyari sa 'kin simula nang ipakilala ako ni Papa sa buong DCRU noong Miyerkules. 'Yung mga taong hindi ako pinapansin noon, lagi na akong binabati ngayon. 'Yung mga taong tinatarayan ako noon, nginingitian na ako ngayon. Pero as much as possible, hindi ko inilalapit ang sarili ko sa kanila. Ayoko kasing mapalapit sa mga taong kaya lang ako gustong makasama ay dahil sa kung anong meron ako na maaari kong maibahagi sa kanila. 'Yun tipong 'pag downfall ko na, bigla silang mawawala lahat. 'Yun tipong mga hindi tunay na kaibigan. 'Yung mga hindi pang-'for keeps'.
Someone knocked on my door.
"Glai, you ready?" Sarah asked me once she opened the door. I looked at her while combing my hair. I'm preparing myself for my photoshoot today for RHYMES.
"Ito na, teka lang," I looked at myself at my full-length mirror. I'm wearing white muscle tee and black sports bra, skinny jeans, and my white Jack Purcell.
Once I felt satisfied with what I look like, I grabbed my backpack and my phone.
"What if nandun si ano sa area?" Biglang tanong sa 'kin ni Sarah while she's driving. Tinignan niya 'ko saglit at ibinaling muli ang tingin sa daan.
Tinanggal ko ang earphones ko. "Sah? Ano? May sinasabi ka?"
"Sabi ko, paano kung nandun si Rhian sa area ng photoshoot niyo, what are you going to do?" She stopped the car. Geez. Traffic again.
"Wala. Casual lang," Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko. I unlocked the screen and clicked the camera icon. Tinaas ko 'yung phone ko to take a selfie with Sarah. "Oy, selfie tayo. Pang-IG lang."
After we took a selfie, I posted it on my IG account.
"@glaizaredux: Otw with @PrincesSarah. Happy Saturday, everyone!"
"Uy, Glai, nandun din si Kendall mamaya, 'di ba?" Mahinang tanong ni Sarah while tapping the steering wheel. Traffic pa rin. Aabot ba kami sa call time?
"Tingin ko, nandun siya. Bakit?" Tinignan ko siya. She averted her eyes on the road. "Ay alam ko na. Hihingi ka na naman ng favor sa'kin, noh?"
"Grabe ka! 'Yun agad 'yung naisip mong reason kung bakit ko tinanong kung nandun si Kendall?" Defensive niyang sagot na patanong.
"Bakit hindi ba?" Natatawa kong tanong. Ayaw pa kasing umamin, eh. Halatang-halata na naman. "Kilala kita, Sah. Alam ko kung kailan ka humaharot."
"Grabe talaga! Oo na!" She surrendered. Natawa naman ako sa kanya kasi she's now as red as a tomato. Eh, dapat 'as brown as a potato' kasi color brown ang patatas, 'di ba? Alam niyo na, patatas is equal to Sarah. Trabaho ni Sarah ang magbalat ng patatas, right? Okay, joke fail. "Pumayag ka na kasi."
"Anong makukuha ko if magawa kong mapaglapit kayo ni Kendall?"
"Hmm," Inilagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng baba niya na para bang nag-iisip nang malalim. "You can ask me to do or to say anything you want to know. For example, if you want to know my darkest secret, I'll tell you without conviction. Basta maging malapit lang kami ni Kendall my loves."
"'Yun na 'yon? 'Yun na talaga 'yung kapalit? Wow ha. Ang big deal. Nakaka-excite naman," Sarcastic kong sabi.
"Pwede na 'yun kaysa wala. Sige na, pumayag ka na. Trust me, mapapakinabangan mo 'yon," She raised her right fist. I also raised mine and bumped hers.
"Deal."
"Hey, Miss Je. Sorry, we're one hour late," I kissed Ms. Jevonne on her cheek when we arrived in the area. She's busy with her phone. "Nasan na 'yung ibang models?"
BINABASA MO ANG
MISSING PIECE (rastro fanfic)
Fanfiction"Hindi mo hahanapin ang pag-ibig. Pag-ibig ang hahanap sayo. #sabeh #oonganaman" - @glaizaredux, 3/10/16, 5:07 pm