*sigh*
Pang-ilang buntong hininga ko na ba 'yun? Hindi ko na alam. Isang oras na akong nakatayo sa harapan ng bahay ng 'tatay' ko. Nagdadalawang-isip kung magdo-doorbell ba ako o hindi. Kinakabahan kasi ako. Feeling ko matatanggal ang puso ko sa loob ng katawan ko. Hindi ko sigurado kung tatanggapin niya pa rin ako pagkatapos ng ginawa kong sapilitang pag-alis sa bahay na 'to o hindi na at palalayasin na niya ako nang tuluyan.
Pipindutin ko na dapat 'yung doorbell pero kinakabahan talaga 'ko kaya ibinaba ko ulit ang braso ko. Siguro hindi ito 'yung right time. Siguro bukas na lang. Kailangan ko munang mag-ipon ng lakas ng loob at mapag-isipan ng mabuti kung anong sasabihin ko kapag nakaharap ko siya.
"Glaiza!?" Papatalikod na ako ng may tumawag sa 'kin. "Anak? Ikaw ba 'yan?"
Humarap ulit ako sa gate at nakitang papalapit si Mama sa gate upang pagbuksan ako.
"Anak!" Yinakap niya 'ko nang mahigpit nang makumpirma niyang ako nga ito. Kumalas siya sa pagkakayakap upang harapin ako. "Buti naman at umuwi ka na... Kumusta?"
Hindi ako nakasagot, bagkus ay yinakap ulit siya nang mahigpit at umiyak nang umiyak sa balikat niya.
"Glaiza, bakit? Sinong umaway sa'yo? Halika't samahan mo 'ko nang ma-giyera ko," Sabi ni Mama matapos ang ilang minuto ng pag-iyak ko habang hinihimas ang likod ko. Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Kung paano niya ako ipagtanggol sa mga nangbu-bully sa'kin. "Wala silang karapatang paiyakin ang baby girl ko."
"Mama naman, eh. 'Di na 'ko baby," Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang aking mga mata.
"'Di ka na baby pero kung makahagulgol ka 'kala mo inagawan ka ng lollipop," She joked. She held my hand. "Halika, pumasok nga tayo at ipaliwanag mo sa 'kin kung bakit gano'n na lang ang iyak mo. Masyado nang nakakabahala."
Pinigilan ko siya sa paghatak sa kamay ko. "Ma, 'wag na. Nakakahiya. Baka nand'yan sina—"
"Wala pa ang Papa at kapatid mo kaya halika na," Wala na 'kong nagawa kaya sumama na ako sa loob.
Nang makapasok na kami sa loob, umupo ako sa sofa at tahimik na inilibot ang paningin sa bahay. Si Mama nama'y dumiretso sa may telepono para magpa-deliver ng pizza. Alam niya na 'yun ang makakapagpasaya sa 'kin. Pizza is my comfort food.
Habang hinihintay namin ang pina-deliver namin, ikinwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin simula last Monday. 'Yung pangbu-bully sa'kin ni Rhian na habang sinusumbong ko sa kanya'y dama kong nanggagalaiti si Mama hanggang sa pagputol at pagtapon ni Rhian sa necklace na binigay ng lola ko sa akin.
"Nasaan 'yang Rhian na 'yan? Samahan mo ako sa kanya nang ma-sample-an ko. Para siyang bata. Ang hilig mang-away! At ikaw pa, ha."
"Ma, kumalma ka nga. Kaya ayokong nagsasabi sa'yo, e. Dinadaan mo sa ganyan mo, eh," Napakamot ako sa kilay ko. "'Wag ka na mag-alala, kaya ko ang sarili ko."
"Glaiza de Castro, ha. Tigil-tigilan mo 'ko sa mga 'kaya-ko-ang-sarili-ko' lines mo, ha. Lagi na lang ganyan ang sinasabi mo. 'Pag ako 'di nakapagtimpi, baka ikaw ang ma-sample-an ko. Makikita mo."
"Mama naman, eh! Kaya ko naman talaga ang sarili ko," I whined.
"Eh, bakit ka nagpaapi, Anak? Dapat lumaban ka. Dapat sinabi mo na isa kang de Castro. Anak ng isa sa mga may-ari ng DCR University."
"Ma, alam mo namang 'pag sinabi ko 'yon, pagtatawanan lang nila 'ko at sasabihing gumagawa ako ng kwento..." I looked down and fidgeted my fingers.
BINABASA MO ANG
MISSING PIECE (rastro fanfic)
Fanfiction"Hindi mo hahanapin ang pag-ibig. Pag-ibig ang hahanap sayo. #sabeh #oonganaman" - @glaizaredux, 3/10/16, 5:07 pm