Goodbye, Star .. (One Shot)

20 2 0
                                    

Everytime I remember your smile, I can't help to cry

Like the rain falls from the sky,

That is why I really hate

The day you say Goodbye.

Parang kailan lang, nung ngumingiti ka sa akin. Naalala ko pa kung paano ako napapangiti kapag nakikita kita masaya. Yung tawa mo, kapag nakakagawa akong hindi ko sinasadya, kasi sabi mo kahit ano pang magawa ko para sa'yo perfect ako.. Ang saya natin noon. Pero hindi na ngayon. Lahat ng yun nag-iba, lahat ng saya at tuwa biglang nawala, lahat ay napalitan ng luha.

Even I sell my soul

Just to get you back, our memories and all

Even I die a thousand times

I will still choose to have you by my side

Kung may magagawa lang sana ako. Kung pwedeng lahat ng meron ako ipagpalit ko. Kasi lahat ng yaman ko, kasikatan, lahat ng ito walang kwenta. Kasi ang alam ko lang, sayo lang ako masaya. Walang kwenta ang lahat kung hindi rin naman ikaw ang kasama.

I'll do anything to have you

I'll do everything to be with you

But I know it's too late for me to do

'Cause now you are gone, even I say "I Love You"

Huli na ang lahat, kahit ano pang gawin ko hindi ka na babalik sa akin. Ipagsigawan ko man sa buong mundong mahal kita, wala nang halaga. Kasi kahit anong lakas na pagsigaw ko, ikaw mismo hindi mo na mapapakinggan ang puso ko.

Do promises really meant to be broken?

Does our time shared was now forgotten?

Am I really too late to chase after you?

'Cause I haven't even heard that You Love Me Too

Diba walang iwanan, pero bakit mo ako kinalimutan ? At oo masaya kang kasama ako. Natutuwa ka pag nanadyan ako. Pero kahit minsan hindi ko narining mula sayo na minahal mo rin ako. Bakit? Bakit, huh? Bakit? Hindi ako nagkulang, binigay ko ang pagmamahal na kaya ko. Pero bakit hanggang sa iniwan mo ako, hindi ko man lang narinig mula sa labi mong mahal mo ako?

How silly I am to think

That you can return the love that I gave

'Cause now that I lose you with just one blink

It's all useless, all the efforts I have made

Sa bagay, bakit nga naman? Paano ko maririning ang salitang mahal mo ako, kung ako rin mismo hindi ko magawang sabihin ang mga salitang iyan sa'yo. Walang iwanan, walang kalimutan, oo pinangako natin yan. Kasama rin ang pangakong bawal magka-in-lovean. Kaya kahit anong paramdam ko wala lang para sayo. Normal lang yun sa iyo kasi sabi mo, sweet bestfriend talaga ako.

Life is really amazing

But Death is also surprising

I am on heights of loving you

Then suddenly it came and took you

Nakontento na nga akong mahalin ka ng palihim. Kasi sabi ko sa sarili kong, sa ganitong paraan hindi ka mawawala sa tabi ko. Oo, hindi ka nga nawala dahil mahal kita, pero nawala ka pa rin ng hindi mo nalalamang mahal kita. Ang unfair! Tiniis ko ang sakit para makasama ka, pero bakit si kamatayan nakisali pa. Bakit kailangan sa aki'y kunin ka pa niya?

If I can only turn back the hands of time

Even I know I might look stupid in your eyes

I will confess this feelings of mine

So I will not regret, even you say Goodbye.

Kaya hanggang ngayon, pinagsisisihan kong hindi ko sinabing mahal kita. Wala akong lakas ng loob para sabihing ikaw lang ang tinitibok ng puso ko. Masyado akong natakot na baka mawala ka. Hindi ko man lang naisip na baka isang araw tuluyan na pala kitang di makita. Kung may lakas lang ako ng loob noong sabihing mahal kita, gagawing ko. Bahala na kung awkward, bahala na kung magalit ka, bahala na kung pagtawanan mo ako kasi ganun naman ang love diba, kahit pigilan mo kapag nandyan na, wala ka ng takas. Kung ano mang reaksyon mo, layuan mo man ako o kung sakaling mahalin mo rin ako at least nasabi ko sayo, hindi gaya ngayon kung kelan wala ka na kasa ko pa pinagtapat sayo.

Miss Red

- - - - -

CLICK THE EXTERNAL LINK FOR THE FULL STORY =D

Goodbye, Star .. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon