Prologue

24 2 0
                                    

Introverted

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Introverted. Pero sabi nga nila people changed. Well, still conservative type of girl hashtag teambahay. Wearing pajama all day, boxers and sando ni bunso all night.

Graduating. Psychology major. Ganda pakinggan noh? Pero mahirap siyang kurso infairness! Hinding hindi ko makakalimutang nagdisect kami ng patay na pusa pero ang pumatay ng frog?! Dun ko lang nalaman humihikbi din pala ang mga palakers! Girl, umiiyak siya sa harap ko?! Habang tinatali ng classmate ko 'yong mga kamay at paa niya may luhang lumalabas sa mga mata niya!!! Trauma inabot ko sa subject na zoology na 'yan.

Hindi ko kayang itali magisa, pumipiglas sa mga kamay ko, nagtitilian mga kaklase ko, may habul habulang nagaganap sabay sigaw ng " 'yong grades ko..."

Hindi pwedeng pairalin ang awa, sadyang nakasalalay 'yong grades ko kay palakers. kaya no choice. Kailangang buksan yong dibdib ng buhay masilip lang 'yong pag inhale exhale ng baga niya. Tapos.. Tapos, di pa pala natatapos doon ang pagpapahirap sa kanya, kailangang ilublob ko pa siya sa garapong may lamang formalin. At doon na siya tuluyang namatay.

Matagal tagal din bago ako nakalimot. Syempre, isama narin natin ang botany, kung saan, kung saan saan kamong gubat ako napadpad, makahanap lang ng mga iba't ibang klaseng halaman every meeting. Dito lang ako naging adventurous. Eh, 'yong magmemorize ka pa ng mga scientific names ng mga halaman at prutas. 'yon bang mamalengke ka na lang kinakausap mo pa yong mga gulay, ".. Ikaw ba si zea mays ha mais? Ikaw, di kita kilala, introduce yourself ginger. "
.. " ilan dyan sa luya iha? Isa sampu yan. "
.. " ah, di po ko bibili kinikilatis ko lang po. Hihi. "

tindi rin ng subject na to. Ayos lang dahil konti na lang. Gagraduate na rin ako.. Nakakadalawang ojt na ako. Clinical setting, guidance counseling. Isa na lang talaga at dalawang subjects na lang natitira road to PICC na ituuu. Be good to me Industrial!

(excited mood)

Written by ApriLengRx

All Rights Reserved. Copyright 2016

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon