Chemistry LAB

15 2 0
                                    

" Hi ate! Bago? Bungad agad ng kaklase kong girl

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.." Hi ate! Bago? Bungad agad ng kaklase kong girl. Dalawa lang kaming nahalong irreg student sa klase nila kaya ganun talaga mga tanungan at this time ako ang biktima.

.." Ah, oo. First year? " kahit alam ko naman nakalagay sa reg. Card. Mema lang hihi.

.." yeah bakit ikaw?"

.." fourth year. " nginitian ko na rin. Ganun talaga pag freshmen, friendly pa mga yan. Since irreg student ako ganun rin dapat ako.

.." Graduating? "

ayan na naman siya. Pshh.

.. " Oo. "

Simplehan ang sagot baka ulitin pa niya mahirapan pa siya. Hihi.

.." ay sana ganyan din ako noh, makaabot ng fourth year."

Orayt! Nahihirapan na siya first year pa lang. Pero sabagay, nagbago kasi ng new curriculum masyadong loaded sila sa subjects ngayon.kawawa. Tsk. Parang pagod palagi pumasok sa klase namin. Samantalang sa amin noon eh na eenjoy lang namin, lagi pa maaga uwian. Buti na lang di ko naabutan. Patapos na sa wakas, konting tiis na lang.

.." Ah oo! Kaya niyo yan. Enjoyin niyo lang wag niyo masyado dibdibin. Ganyan din ako noon tulad niyo." takang taka sila sa reaksyon ko hahaha. Di nila alam petiks lang kami noon, di rin masyado strict yong professors. Ngayon kasi dami na nagbago.

Tanging tango na lang ang reply nila sa'kin. Syempre nginitian ko na rin bilang ganti. Total magiging kagrupo ko tong mga to. Iisa lang mesa namin. I have to be nice. Ang ha hyper kasi ng mga to. Napaka playful, maingay. Umiinit ulo ko. Since Ako naman pinaka ate dito ako na mag aadjust. Psh.

May paparating, kitang kita ang sino mang labas masok sa mirror door. Malaking tao, pero teka tumabi siya sakin. Naaamoy ko ang feminine scent ng pabango niya. Sucks! Kaybango niya. Napatingin siya sakin syempre hindi ako nakalusot sa tingin lang. Tinanong niya agad ako. Kinikilig ako shoot!

.."transferee?"

..heto naman ako si ilingera. Mabilis ako magblush, kaya mabilis ko ding binawi tingin ko sa kanya nang di na makarami ng tanong. Baka himatayin pa 'ko. Actually, hindi siya pogi. May dating lang talaga siya sa'kin. Hindi naman kasi ako mahilig tumingin sa panlabas lang, sagad hanggang buto ako kumilatis haha. Medyo chubby siya. Mas attractive parin ako sa lalaking fluffy kesa ma maskels! Feeling ko mas masarap silang magmahal. Konti lang kaming mga girls na ganito. Haha. May crush na agad ako sa klase unang araw pa lang at katabi ko pa! Mabilis ako makanakaw ng sulyap yes! Haha! Nagbubunyi ang puso ko ngayon. Yhieee.

Hindi ko na pala namamalayan, mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob. May sense of humor kasi siya. Weakness talaga 'yon ng mga babae. Lagi kong natititigan mukha niya, matangos ilong niya, chinito. ang cute ng cheeks niya. Naging interesado talaga ako sa kanya. Nagiging interesado lang naman ako sa lalaki kapag nakikitaan ko siya ng imperfections. Hindi tulad ng kwento sa mga napapanuod kong movies at sa mga nababasa kong novels na almost perfect lagi 'yong mga bidang lalaki. Para sa'kin di kasi makatotohanan.

Isa nga sa imperfections niya 'yong sungki niyang ngipin sa may paloob na na part. Kapag  Ngumingiti siya ng todo tsaka lang nakikita. Kaya nga gusto ko siya laging nagpapatawa sa klase. Di lang siya iyong ngumingiti pati kaming lahat pati prof namin nahahawa narin sa kanya mag joke. Masarap siyang kasama. Hayys. Ang weird ko talaga mainlove.

.. " ha? Inlove?! Psh. Gising amara. Inlove inlove agad pinagsasabi mo diyan! Ganyan ka naman e, kaya ka nasasaktan. Ang dali dali lang para sa'yong sabihing inlove ka! Ano ka ngayon nganga! May paikli ikli ka pa ng buhok na nalalaman diyan pshh magtigil.

.." hoy, okay ka lang? "

.." ha? "

.." seryoso ka masyado diyan ah haha! "

.. " ba-bakit? "

Kinakabahan ako. Narinig kaya niya?

.." wag mo kasi solohin."

.." Ang alin? " (tong feelings ko?! Dapat ba shini-share ko to? Kanino, sa'yo? My gosh!!)

.." patingin nga! Tong sagot mo shini share dapat yan. Haha. "

Bago ko pa maagaw, nag landing na sa mga kamay niya. At boom! Pahiya ako! (shoot naman!)

.." wala ka pang sagot? Kaya ba kanina ka pa seryoso diyan hhahahah.."

Kung makatawa naman to. Kala naman niya ikinapogi na niya sungki niya. (hindi nga ba amara?) hindi noh! Psh.. Oo, cute lang! Kinakausap ko na naman sarili ko hala siya! Tsss.

.." Akin na nga! May iniisip lang ako. "

.." sino?"

Biglang nag iba itsura niya. Ang seryoso bigla. Pansin kong unti unti niyang binabasa mukha ko.

.." wala ka ba talagang narinig?"

Lalo pa siyang nagtaka. This time nagsalubong na ang dalawa niyang kilay.

Ano ba to, kunwari kunwarian lang ba to o talagang wala siyang narinig. Nasipat ng mata ko ang headset na nakasalpak sa tenga nito. 'yong isa nakababa at 'yong isa lang ang nakasuot.

.." wala! Sino agad? Di ba pwedeng iniisip ko yong sagot dito oh dito.. Kokopya ka pa talaga sakin tsss! "

.." eh kasi, di ka nagsasabe! Oh, ayan oh, kopyahin mo na. Libre. "

Luh, natapos na niya yong kanya. Ang generous din pala nito wala sa itsura. Medyo brainy pala tong mamang to. Napahanga ako lalo.

.. " Ano? Kopya ka diyan. Kaya ko to noh?! Kahit medyo mahirap. Isa pa nakinig naman ako kay ma'am kanina sa lecture. Tsaka malay ko ba kung tama yang mga sagot mo! "

.. " Ang daeng sinasabi, naintindihan mo ba?"

.." shoot ka rin e, tingin mo sa'kin?! "

.."diwata."

Di ko maangat ang tingin ko sa kanya. Nanatili akong nakatitig sa papel ko, ninanamnam ang sinabi niya. Hays, ang sarap sa tenga. Parang gusto kong magrequest ng ".. isa pa nga please.. ".

Tss, ang landi ko na masyado. Anuvey! Kunwari hindi ko naririnig at nagso solve lang sa papel habang nakikita ko iyong kilos niya through my peripheral view. Naiangat ko lang ang tingin ko sa kanya nang una niya nang inalis yong kanya. Shoot! Matagal tagal din niya yong inalis. Pigil na pigil naman ako sa nginig ng kamay ko. The nerves!
Muntik nako dun. Hooo! Kahit alam kong hindi na siya nakatingin sakin hindi parin naaalis ang mga ngiti sa labi niya.

..nangaasar ba to, baka iniisip naman nitong kinilig ako dun sa sinabi niya, magaling magpatawa diba amara? Biro lang niya 'yon, kaya wag mo seryosohin. Okay?! Kalma!.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon