Amara broke

11 2 0
                                    

Naiilang na tuloy ako sa kanya makipag usap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naiilang na tuloy ako sa kanya makipag usap. Ganun din sa mga sumunod na sabado at huwebes. Sa mga ganitong araw na nga lang kami magkaklase mababawasan pa ng mga ilangan at di paguusap. Kalaunan kasi unti unti kong napapansin na lumilipat na siya ng pwesto ng mga pitong layo ng upuan ang  distansya niya mula sa'kin. Bigla siyang nagbago ng pakikitungo sakin. Hanggang sa tuluyan na niya kong di kinakausap. Hindi ko maintindihan kung bakit, kung ano ba? May nagawa ba ko sa kanya o may nasabi akong di niya nagustuhan. 'yong dating closeness namin at biruan biglang casual na lang ulit na batian.

Andun parin naman ang pagiging mapagbiro niya pero.. Hindi na ako..
Hindi na ako ang kasama niya. Hindi na ako ang binibiro niya. Nilalaan na niya sa iba naming kaklase.

Palipat lipat siya ng pwesto ng upo. Ang nakakainis lang doon pa talaga sa mga babaeng alam mong may gusto din sa kanya.

..Mas mataas ang possibility na maagaw ka sa'kin!

Kung pwede lang agawin kita sa kanila. Kung binigyan mo lang ako ng karapatan simula noong una tayong nagkakilala. Hindi mo lang sana pinaramdam na may pag-asa, yong lumabas din diyan sa mga labi mo na.. "may something tayo noh?" para kahit papa'no isang matalim na titig lang maiintindihan mo tong pinaparating kong mensahe ko sayo. "nagseselos po ako." napapapikit ako sa sakit. Hudyat na kabaliwan lang lahat ng ito.  Hindi naman kasi maaari, di naman kita pagaari.

Kahit saglit lang 'yong masasayang asaran at tawanan naming dalawa. Mahirap iyon iwaglit sa isipan ko. May gusto na kasi ako sa kanya, habang siya.. Nagagawa niyang makipagbiruan sa iba. Sana joke na lang din tong feelings ko sa kanya. Napansin kong pumatak ang luha ko sa manual book ko.tsss. Dali dali ko tong pinunasan bago pa may makakitang iba.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon