Friday..
Iba na namang subject at kaklase. Pero siya parin laman ng isip ko. Naisipan kong buksan facebook ko at bisitahin fb niya. Namimiss ko siya. Hindi ko na maantay ang sabado kahit bukas na iyon. Masyadong mabagal ang oras sa pagkakataong to. Kahit picture man lang. Oo, mangangalkal ako bakit ba. Haha.
Nagenjoy ako sa mga pictures niya. Laman kasi ng mga albums niya e puro family and relatives niya. Vocal din siya sa pagiging sweet sa kapatid niya. Diring diri naman kapatid niya sa kanya. Aahaaha. Cute ng bonding nila magkuya. Dalawa lang sila magkapatid. Babae yong sumunod sa kanya. Naisipan ko narin silipin ang mga status posts niya.
.."bungad na bungad naman talaga oh grrrhh!"
Status : "Mas masaya ngayon kesa kahapon"
29 likes | 1 comment
.. " kasama mo ko e "Siya nga! 'yong nasa picture kahapon. Di ko macontain selos ko kinalkal ko na rin fb ng girl. Ang ending? Lugmok na naman ako kasi mukhang mabait naman kasi talaga 'yong girl. Aminado ako doon. Tsaka masipag kasi parang working student siya. Kaya siguro nainlove doon si jov.
.." kailangan ko na sigurong magpaubaya, doon na lang siya sa babaeng iyon. Kung saan siya totoong masaya."
Uwian na .. Nakakapagod umasa. Ang bigat na nga ng pakiramdam ko, nakikisabay pa tong laptop ko sa loob ng bagpack. So kapagod tong araw na to hayss. Pumara na ako ng bus. .." Dadaan pa ako sa sm north. Kung bakit don lang kasi may malapit na toshiba branch. Kailangang mapaayos ko to ngayon, bukas na deadline ng powerpoint ko sa literature. Kung hindi wala akong marereport bukas.
Mula sa tamaraw building nakatanaw lang ako sa may bintana ng bus. Nakapwesto ako sa third row seat. Left side. Wala masyadong pasahero kaya libre akong nakapili ng pwesto ko. Hanggang huminto ulit ang bus sakayan ng main building, medyo maraming estudyante ang sumakay. Yong isa dun ay tumabi sa'kin. Hindi ko tiningnan kung sino basta naramdaman ko lang may tumabi sakin. Tsaka pake ko ba. Haha. Masarap tumunganga sa window. Malaya akong nakakapag isip ng malalim.
" Lagpas na pala ng Bb."
Napabuntong hininga ako. Napalalim masyado iniisip ko. Napatingin ako sa katabi ko. Lalaki, nakauniform din ng puti. Di ko mawari kung nursing, medtech, or psychology course niya. Saktong tumingin din siya sakin. Hindi ako sigurado kung nginitian ba niya ako o guni guni ko lang. Agad ko kasing binawi tingin ko. Pero nahuli niya ko don. Haha. Ilang saglit pa pasimple ko siyang nilingon ulit interesado akong makita ulit mukha niya. Malabo kasi rumehistro nung una masyadong mabilis. Sapol! Nagkasalubong mga mata namin. Athar! Sabay tanong bago ko pa mabawi agad tingin ko sa kanya. Infairness! Nahabol niya! Mabilis siya don.Hahaha
.."psyche ka ba?"
..kahit wala ako sa mood sumagot kasi nga.. May pinagdadaanan nga ako diba? Ahaha. Naging polite parin ako. Sinagot ko naman siya. Tango nga lang. Hihi.
.." pwede makuha number mo?"
.. Parang may tunog ng bell akong narinig sa tenga ko! Aba may follow up question pa pala.
" Presko to. " napatitig ako ng may pagdududa sa kanya..." kailangan lang po kasi namin sa thesis po namin. "
.." psyche ka rin ba?"
.." hindi, dentistry. "
So wala pala sa mga choices ko. Dentistry pala to. Di halata. Medyo payat kasi siya. Pero pogi. Hahaha.
.." tungkol saan ba? " ang seryoso parin ng mukha ko.
.." tungkol po sa eeeeeeenggkkkk ng wikang filipino."
.. " Ano daw?? "
Di ko maintindihan kasi masyado sinasabi niya. Haha. Basta ganun yong narinig ko. Kahit malabo, pumayag narin ako. Matapos lang usapan. Inintindi ko na lang na kinapalan na niya mukha niya makakuha lang siya ng respondents. Syempre dumaan din ako diyan.
Inabot niya sakin phone niya. Napatingin ulit ako sa kanya. Naaawa kasi ako sa phone niya burado na yong mga letters sa keypad. Naalala ko gani ganito rin phone ko noon nokia C3. Mukhang sanay at masipag magtext, halos di ko na marecognize yong mga letters e. Hahaha. Dala narin siguro ng kalumaan sa mga kamay ng lumbay.hmm..
.. " ayan, pakisave na lang "april amara".
.. " salamat. "
nginitian niya ko. Pagkabalik ko ng phone niya. This time sigurado na ako. Haha. Tumingin ulit ako sa bintana. Di na naman ako makapaniwala sa mga pangyayari. Sa mga palabas ko lang napapanuod tong mga to e. Meron din pala nito sa totoong buhay ta's sakin pa talaga? Haba bigla ng hair ko ahaha.
" amara, kinikilig ka na naman! Para sa thesis yan! Chura mo. Tsss. Haysss. Tama. Lahat na lang may meaning?! Pasensya!" Nagtatalo na naman ang utak at damdamin ko. Grrrrrh!
..maya maya pa narinig ko siyang pumara. Nilingon ko siya sa may gawi ko.. Hindi na siya nakaupo. Pagkaangat ko ng tingin andun siya nakatayo na pala. Hindi siya bumaba ka'gad. Inantay niya pala ko lumingon para makapagpaalam. Infairnes, Gentleman siya don. Nagpalitan kami ng ngiti at tuluyan na siyang bumaba. Tinandaan ko kung san siya bumaba. Sa babaan ng may monumento, MCU.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed
JugendliteraturSi Amara ay bigo sa kanyang unang pag-ibig. Gustuhin man niyang magsimula muli hirap siyang limutin ang nakaraan, sapagkat hindi pa ito lubusang nasiraduhan. Pa'no kung mayroon na palang ibang nanghimasok nang di niya inaasahan.. Handa na ba niyang...