Pansin ko lang, laging nakasalpak sa tenga niya yong headset. Hindi na naman ako kinakausap, pero ngayon palagi ng nagkakasalubong ang mga tinginan namin. Ayokong mag initiate. May kakaiba na sa mga mata niya. Palagi na itong malungkot. Nahahalata ko 'yon. Apektado na naman ako. Ang bilis ko lang mahawa ng moods ng iba. Ng mga tao sa paligid ko. Lalo pa sa kanya.. Madalas nakatambay lang mga mata ko sa mukha niya e.
Lumapit siya sa katabi kong babae. Dami niya palang ka close. Ba't gano'n, sa kanila very open si Jov. Sa'kin parang hirap na hirap siya. Hayss.. Naawa nako sa sarili ko.
.."Nakita mo post niya? Ahhaha"
.." ha? Nasa'n?
Excited si girl kunin yong phone mula kay jov. Pero bakas na bakas sa mukha ni jov ang saya. Mas excited siyang ipakita sa kaklase naming babae yong phone niya. Yes, iba din closure nila. Kagrupo lang din namin sa mesa. Halos lahat ng babae ka close niya talaga, mabait din yong girl, simple lang din at religious type. Spotted yong sacred bracelet na suot suot niya. Woody beads with a cross in the center piece. If I'm not mistaken lahat ng nagsusuot no'n is a divine mercy devotee. Well, cause I got also mine. Yet, there are people wearing those, having different reasons naman.. I don't know theirs. none of my business anyways. Mabait siya sakin, siya madalas kong nakakausap since magkatabi kami. Napapagitnaan nila ako ni jov.
..Si jov, doon ko lang siya ulit nakitang masaya. May ningning yong mga mata niya. Kaya syempre nacurious narin ako. Nanunuod lang ako sa mga pinaggagawa nila.
.." buksan mo, gusto ko makita yong mga pictures niya. " (the girl)
.." ayaw, free data lang ako. "
.. I volunteered. Not even think twice. I have this urge to examine the picture na tinutukoy nila.. Right away, she grabbed my phone. Di ko man lang pa na log out yong account ko sa fb. She started searching jov,'s account on facebook. there, she has the chance by adding him on my friends list so she could be able to access his timeline. There, effortless. Officially friends na kami sa fb.
Why are they both laughing? Pointing out pictures over my phone. Kating kati akong tumayo. Pasimple akong sumilip. Biglang gustong kong ngumawa sa nakita ko.
..babae! Babaeng nakapintura ang mukhaaaa! Pero maganda siyaaaa! Huhuhu.
.." haha. Maganda siya. Siya na ba yon?!"
..arrrayy! Araayy naman. Dahan dahan te! Shoot! Naginit ang buo kong pagkatao. Pinapanuod ko lang siya habang kilig na kilig sa iba.
.. Siya ba? Siya na ba yon? Siya ba ang dahilan ng mga ngiti mo? Hindi ako?! Siya rin ba ang dahilan ng mga lungkot diyan sa mga mata mo? Alangan naman ako?! Hindi naman kita inaano!!! Gusto kong tumakbo palabas at humagulhol, parang t*nga naman kung magbi breakdown ako bigla dito. Hindi! Hindeee. Kalma. Ang O.A mo! Pigilan moo. Tama, ano pa nga ba, no choice! Nasaktan ka lang! Hindi pa sila! Ay grabe makamotivate sa sarili.
Bago ko pa siya makitang maglulupasay sa tuwa, di ko na siya tiningnan. Binuhos ko yong atensyon ko syempre sa activity namin.experiment. Nagpaka busy ako. Kunyari di ako affected. Galing ko magmanhid manhiran wag lang gawing lifestyle. Ngayon lang. Gawaran niyo ako ng parangal! Buwis buhay akong nagpipigil ng emosyon?
.. Ba't ko pa kasi sinilip! Ayan tuloy. Hayss, naririnig ko parin silang magkwentuhan tungkol dun sa babae. Syempre! Nagbulag bulagan nga ako, bukas naman mga tenga ko! Kung pwede lang pagsabayin e shutdown tong mga to. Parang puso mo lang kayang mag sabay sabay magpaasa. Nagsisi tuloy ako, nag volunteer pa kasi ako. Psshh!
BINABASA MO ANG
Everything has Changed
Teen FictionSi Amara ay bigo sa kanyang unang pag-ibig. Gustuhin man niyang magsimula muli hirap siyang limutin ang nakaraan, sapagkat hindi pa ito lubusang nasiraduhan. Pa'no kung mayroon na palang ibang nanghimasok nang di niya inaasahan.. Handa na ba niyang...