Amara knows

11 2 0
                                    

Kung nagaaral ako ng behavior ng tao, sarili ko hirap akong kontrolin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung nagaaral ako ng behavior ng tao, sarili ko hirap akong kontrolin. Madalas na akong bugnutin dahil sa issue ko sa past. Para makalimot, naging libangan ko ang panunuod ng  movies, pagbabasa ng novel books, kapag napagod pak! Pak! Salpak ng headset sa tenga. Tripping naman sa music. Spotify! Siya lang nakakapagkalma sakin e.

Kung wala ba akong friends? Meron, isa lang. Kaso may work din siya kaya every saturday nagkikita kami sa MOA seaside, bonding namin ang mag foodtrip doon habang hinihintay ang highlights ng gabi namin. Fireworks display. Ang sweet diba? Eh wala e, kami lang talaga nagkakaintindihan sa buhay. Soulmate baga!

...susme! Kung alam ko lang ganito pala trabaho ko dito, taga xerox, timpla ng kape, recruit pag may time, interview all the time. Pssh! Eh mas boring pa atmosphere dito kesa magbasa ng libro e. Boring.. Boring.. Boring..! Masarap lang talaga ang mag change outfit ng formal dress araw-araw. Ahaha!

Curious na kayo sa itsura ko? Hmmm lemme think, kakashort hair ko lang so alam niyo na! Psh. Broken hearted. Hmm, nakaka bad mood agad diba? Lagi pang nakasimangot. Eh kasi naman iisa lang ang tingin ko sa mga lalaki. Kriminal! Nae imagine nyo na ba itsura ko? Alright, ganito.. Umpisahan natin sa pinaka baba. Ako lang ang may kuko na ganito, broken. Yes! Parang estado ng puso ko ngayon. Wait! Ang wild ng imagination niyo, hindi naman lahat isa lang! 'yong isang kuko ko lang sa hinlalaki sa kanang paa. Sumpa yata. Atleast hindi patay, broken lang. Malikot lang nung bata. Eh bata nga e, *tirik eyeball* wag nga kayo! Mas strict parin parents ko sa inyo, tse! Chos haha! 5'2 height, cute lang talaga ako harhar. Hindi ako kaputian, morena lang. Pants plus blouse lang lagi kong panglakad. Gustuhin ko man mag dress kasi maganda talaga ang babaeng laging nakabestida. Babaeng babaeng tingnan. Hanggang puri lang ako pero di ko talaga kayang tingnan sarili ko ng nakaganun. Hindi ako mapakali. Ayoko kasing pinagtitingnan ng mga tao. Eh basta, nakakaramdam ako ng hiya. Okay nako sa pants at blouse. Komportable, wala pang nangpipintas sa'yo kesyo, "di bagay" .., "trying hard". Maraming inggetera sa mundo mga may saltik! Dedma na lang tsss!

Isa rin sa mga hilig ko magbraid ng buhok., kahit maikli na nagagawan ko parin ng paraan. Yun lang gandang ganda nako sa sarili ko ahaha!

Simpleng putahe lang pagdating sa pagkain. As long as malinis lang pagkaluto walang problema solved nako dun. Hindi naman ako maarte sa mga pagkain. Gulay, lahat ng klase kinakain ko. Paborito ko nga yong ampalayang may itlog, pritong talong na may itlog. Hindi naman ako matakaw burger nga lang busog nako e. Fries ng mcdo, sundae ng jollibee, minsan pag nagsawa peach mango naman. Pizza ng pizzahut, at iisa lang na flavor ang gusto ko hawaiian! Kaya limited lang din ang alam kong restaurant and dishes. Ayokong maraming ulam na pagpipilian sa harap ko feeling ko kasi busog nako tingin palang. Hindi naman kami mayaman, dumaan din sa kahirapan, sanay akong laging iisa lang ang ulam namin sa mesa. Nakasanayan lang siguro. Parang sa pagmamahal, " stick to one dapat sapat na." tamang hugot ganern!

" Simple lang, pero mataas ang pangarap. Syempre, mantra ko yata ay " I do believe that I wasn't born only to pay bills, but I was made up for something great. " ahahahah athar!

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon