Sabado...
Tapos na naman ang klase. Tuwing ganitong araw akong laging nangangarap na sana huwebes na ulit bukas. Limang araw na naman ang bubunuin ko para masulyapan siya ulit. Pero araw araw akong umaasa na magbalik ang dati.. Na kaming dalawa lang ang nagaasaran sa sarili lang naming mundo. Amin lang.
Pumatak na ang huwebes..
araw na kung saan kailangan mong gumising at putulin ang mahaba mong panaginip. Tiyak na papagilid na naman ang mga luha sa mga mugto kong mga mata. Ang mas masakit di niya iyon alintana, hindi naman niya kasi iyon nakikita.
.. " kamusta?"
.. " yong boses.. Whoa?! Yong bosesss! " Naglalakbay na naman ang pabango niya sa ilong ko. Siya nga confirmed! Hindi ako makapagsalita umuurong dila ko ano ba yon! Heto na yon oh amara malapit na siya ulit. Ano na?! What shall I do..
Nilingon ko siya. Ngumiti siya. Agad naman yong napawi, nagsasagot na siya ng activities. Busy na siya ulit.
.."Aray!" Parang ayoko na siyang lingunin ulit baka abutin ako ng dismissal tsaka na niya ko maisipang lingunin ulit. Lingon na nga lang, nag papaasa pa! Pssh!
.." Ate anong birthday mo? " tanong ng kaklase kong babae. Close niya rin to. Mas una niyang naging close kesa sakin. Mabait, maganda at simple. Natural na curly yong hair niya. Yon nagpapa tingkad ng identity niya. Sila ngayon ang magkatabi sa upuan. Pansin ko nga rin bilang isang babae ramdam ko sa mga nakaw na sulyap niya samin ni "Jov" may selos akong nararamdaman. Oh baka talagang assumptions ko lang 'yon. Girl's instinct. Di ako sigurado, ewan, pwedeng "oo" pwedeng "hindi" . Di siya malandi katulad ng iba naming kaklaseng babae, kaya siguro di kumukulo dugo ko sa kanya? Kung may gusto man siya kay jov di ako nati threat. Ramdam ko siya. Alam kong marunong siyang lumugar kung hanggang saan lang siya. Hindi siya nagpapakita ng motibo sa lalaki marunong din siyang makiramdam katulad ko. Kinakatakot ko lang sa ganda ng ugali niya di malayong si jov ang unang mahulog ang loob sa kanya.
.. " Ah,.." matagal akong nakasagot actually, di ako maka moved on sa sa pagtataka. Out of the blue kasi tanong niya. "
.. "April 11"
Obviously, di niya na naantay sagot ko. Siya na ang sumagot para sa'kin. .."B-but how? How did he know my birthday? " nakakapagtaka lalo at natumpak niya birthday ko! Okay, the month? Given na dahil sa name ko pero yong the day itself? Napatagal yata titig ko sa kanya susme! Mahahalata na yata ako neto! Titig ulit sa papel, kunwari busy ako.
.." Eh ano mga paborito mong kanta? " si girl ulit.
.." nakatingin na naman sila sakin. Pawang nagaantay talaga ng sagot. As if like I'm required to answer.. Ughh! Kung pwede lang hindi sumagot, tss.. Pwede naman kaso, i just don't know how to refuse. Bantay sarado ako sa mga rehas ng mata nila. Wala akong kawala."
.." swiftie yan."
sabay bulong niya sa katabi.
.."Oo." pag agree ko pa. Nahuli na naman reaksyon ko. Nadale na naman niya? Pa'no niya nalaman lahat ng 'yon? Naiwan na naman yong tingin ko sa kanilang dalawa. Palipat lipat. Ano ba? Ano bang meron? Kausap ko na naman sarili ko. Eh kahit si girl parang naguluhan din bigla.
Natahimik kaming mga babae, naiwang tulaley sa ganap. Habang siya tawang tawa bumubungisngis sa gilid. Gusto kong magtanong ng "pa'no? Paano mo nalaman? Kailan? Kailan ka pa naging interesado sa'kin?".
.." Di ba magka birthday kami?"
.." Gusto ko ng mahimatay. Magkabirthday pa kami? Seriously! Totoo ba to o joke time na naman to. Nagaalburuto na isip ko, di ko maintindihan pakiramdam ko bigla. Gusto ko siyang tadyakan at sabihan ng " ikaw ah! Sumusobra ka na sa pagpapaasa mo sakin! Matindi karin e!" Pero syempre hanggang imagination ko na lang yon. Mas pinili kong tumitig sa papel at doon abutin ng pagkatulala.
Oo, ilang minuto din akong napaisip dun. Sa tuwing nakikita ko siya, nagagalak talaga ang puso ko sa pagkakataong pareho kami ng birthday. Bihira lang yon ah! Nakangiti na naman puso ko. Kahit duguan sa nakaraan, lumalaban na. Gusto na niyang mabuhay sa kasalukuyan at paghilumin para sa panibagong yugto ng kanyang buhay pagibig. Nadagdagan na ng isang letra ang salitang "paasa" noon, na isa ng "paGasa" ngayon.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed
Teen FictionSi Amara ay bigo sa kanyang unang pag-ibig. Gustuhin man niyang magsimula muli hirap siyang limutin ang nakaraan, sapagkat hindi pa ito lubusang nasiraduhan. Pa'no kung mayroon na palang ibang nanghimasok nang di niya inaasahan.. Handa na ba niyang...