Sabado...
Sinilip ko ulit yong phone ko..
.." ba't ko ba inaantay text niya sakin. Tsss amara! Wala lang yon! Napagtripan ka lang siguro. Hays."
.." pang sampung beses mo na yan."
.."Hoyy! nakakagulat ka naman"
.." sobra ka naman! Hoy ka rin. "
.." eh, ba't ka ba kasi nanggugulat ng ganyan. "
.." ano namang nakakagulat dun?! E panu ka..si? limot mo ng may katabi ka ditoooo sus."
.."Ako? Ako pa! Sino kaya palipat lipat satin ng upuan. Hmm?"
.."Eh panu kas... "
.." oh ano na naman?! "
.." ba't ba high blood ka na naman! Makalipat na nga ng pwesto! "
.." tsk!" anong bago.
Tumayo siya tangay tangay yong upuang plastic na hugis bilog. Bago siya umalis, galit na pabulong siyang nagbitaw ng mga salita.
.." di ka lang nirereplyan ng boyfriend mo dinadamay mo pako sa highblood mo. Sus."
..anong pinagsasabi ng mamang to! Palibhasa manhid!
ramdam ko siyang naglalakad paalis sa likuran ko papunta sa harapan ng klase. Inirapan ko siya at tinuloy kong magsagot ng activities... Galit galitan. Sa paraan nato na lang niya 'ko napapansin, akala ko dahil dun tuluyan na niya kong lilisanin. Pero nagbalik siya.
.. " oh?! "
.. Linya ko dapat yon. Naunahan pa niya ko. Natameme tuloy ako. Pahiya konti. Pero syempre tuloy ang pagkukunwari, baka sakali sa ganitong paraan magbalik ang dating mayroon kami. Baka sakali.
.." eh, wala ng pwesto dun naunahan nako! "
Tinaasan ako ng kilay ng loko! May kasama pang irap. Shoot! Infairness, na divirginize na naman kiliti ko. Di ko mapigilang mapabungisngis sa tabi pa'no kasi di bagay sa itsura niya. Ahaha. Ang taray teh!! Yet again, nakita niya reaksyon ko. Kaya heto sabay na naman kaming nagtatawanan. Naiwang umaalingawngaw sa kawalan ang aming halakhakan. Close na ulit???
Habang nagsusulat ng activities napabuntong hininga ako ng malalim di ko mapigilang mapaisip ulit..
Kakasabi ko lang kahapon papabayaan ko na siya sa babaeng yon. Pero heto, bilis makalimot ng puso ko. Manhid na rin? Psh. Eh wala e, masaya talaga to pag siya kasama ko. Eh, panu na? Ano mangyayari sakin, may iba siyang gusto. Naputol pagiisip ko nang may naramdaman akong ballpen at the top of my nose. Tila tini trace ang shape ng ilong ko. Ginawa pang drawing book ilong ko.
Marami rin nagsasabi cute yong pagkatangos ng ilong ko. Isa na ba siya dun? Kinikilig ako sa gesture niyang yon, kaso nakikiliti ako kaya iniwas ko mukha ko para tigilan na niya. Ang cute niya maglambing. Biglang nag-iba na naman mood niya at iba na naman kinakausap niya. Nagalit ba siya sa pagiwas ko?? Hays. Ang gulo din nito e! Naglalaro lang talaga siguro to ng damdamin ng babae. Umiiskor!
Pinagpa-praktisan yata ako maging rebound? Maaaring namiss niya lang yong babae at sakin niya binabaleng para sandaling makalimot sa lumbay? Ganun?! At.. Nagpabola naman ako?! Ugghhhh! Buset! Tama na.. Ang tinik sa dibdib. Huhu.
Hanggang pagmamasid na naman ako ulit. Back to reality. Naghihintay kung kailan na naman niya ko papansinin muli. Sa paraan na naman ba ng pagkukunwari?
..Kunwari hindi ako nasasaktan sa tuwing paulit ulit mong pinaparamdam sakin na balewala lang ako,
..na kunwari man lang naging importante din ako sa'yo dahil may nababalingan kang kaharutan sa klase,
..at kunwari , ni katiting man lang may ibig sabihin bawat tapon mo ng tingin, bawat bato mo ng mga salita, bawat pasabog mong mga ngiti, bawat basag ng katahimikan sa tuwing nagdidikit mga balat natin.
Sana rin pala, kunwari na lang din tong bawat hampas ng realidad sa'kin na may gusto ka ng iba.
Pwede namang umasa pa ulit, ng paulit-ulit. pipikit na lang ako ulit. Didilat akong muli kapag tapos na tong pagkukunwari at sa puso mo ako na lang ang naghahari.
.." amara?!, sshhhhhtt ui? Okay ka lang? "
Naririnig ko yong boses niya. Pero heto ako ayoko paring dumilat. Papanindigan ko to. Psh. Ayoko sa realidad!
.." ayaw mo kumibo huh?! "
Napadilat yong isa kong mata sa sinabi niya. Parang banta??
.."ma'am! Si amara tulog sa klase mo!! "
Bumukadkad yong isa ko pang mata ng marinig ko ang lahat nagsitawanan.
..tong baboy na to may saltik!! Psh. Ngayon ipapatikim ko sayo ang pait ng pagkukunwari. Sasapukin ko na sana siya sa inis ko.
.." sorry, ahaha ayaw mo kasi kumibo e. Uwian na. Nagdismiss na si ma'am. "
Ngumingiti na naman siya sa harap ko. Ang cute na naman niya lalo sa sungki niya. May punto naman talaga siya, kaso inis talaga ko sa ginawa niya.
.." ugghh! wag mo ko kausapin! "
Napalingon halos lahat sa lakas ng boses ko. Pinulot ko bagpack ko sabay walkout. Naiwan siyang pinagtatawanan sa loob.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed
Teen FictionSi Amara ay bigo sa kanyang unang pag-ibig. Gustuhin man niyang magsimula muli hirap siyang limutin ang nakaraan, sapagkat hindi pa ito lubusang nasiraduhan. Pa'no kung mayroon na palang ibang nanghimasok nang di niya inaasahan.. Handa na ba niyang...