Galawang goblin

8 1 0
                                    


Linggo..

..Lord, ang labo labo ng nararamdaman ko ngayon. Hays, at ang babaw babaw din ng dasal ko sa inyo ngayon psshh! Pero please sana pakinggan niyo parin ako. Wala akong mapagsabihan nito kundi ikaw lang talaga.

*pop*

Teka lang, kausap ko pa si lord. Istorbo. Nakalimutan pala kitang patayin. Tss. Wait lang maya kana.

Sorry po lord, yon nga nagugulumihan po ako. Hindi naman dapat pagibig yong pinapriority ko diba? Studies.muna. Kas-

*pop*

Kaso, di ako makafocus sa inyo, mali. este! Di po yon ibig kong sabihin. Ano ba yan.. Hanggang dito ba naman. Hooo!

*wiggle*wiggle

Gabayan niyo po ako sa bawat desisyon ko. Tulungan moko makapagfocus po ako sa studies ko. Konti na lang gagraduate nako. Maraming maraming salamat po dahil makakamit ko na sa wakas yong pangarap ko makatuntong sa PICC. Kaya please po patuloy niyo pa ako gabayan hanggang sa huli ng laban ko. Amen.

2 messages received.

.." Hi."
.." April amara? "

..sino ba to? Bagong number. Wal- ay! Siya na kaya ito? Luh, teka.. di ako sigurado.

.." YES? "

.." Richard. Yong sa bus kamusta? :) "

.." Aah yeah, oo. Wala ako sa school ngayon e magkaka conduct ka na ba ng survey? "

.." I know. Sunday. Buti pala naalala mo pa ako. Sang building ka tom? "

.." ha, e tam pa ako e."

.." I see. main building ako. pasensya ka na last time ah medyo kinakabahan kasi ako kaya di ko mabigkas mabuti yong title ng thesis ko. Buti binigay mo parin number mo. Haha. Thank you."

.." mukha nga. :) "

Nagtuloy tuloy ang pagpapalitan namin ng text messages. Habang bumibyahe ako pauwi. Nag ko commute lang kasi ako tuwing nagsisimba dito sa divine mercy church, bulacan. Tatlong sakay ng jeep ginagawa ko ganun din pag uwian. Papasok pa kasi pero worth it magsimba dito talagang masusubok pananampalataya mo transportation pa lang.

.."dead batt na ako, paguwi ko na lang ako magtetext ulit. "

.." tatanungin sana kita kung san ka galing at what time ka makakauwi pero lowbat ka na kamo sige. Ingat. :)"

Pagkauwi ko sinalpak ko na yong charger ko. Iidlip lang ako sandali. Kaantok ang init ng panahon. Umaga ka aalis, lagpas tanghali ang uwi. Hayss, di ko na kaya, dumapa nako sa kama at tuluyang natulog. Bigat na ng mga talukap ko.

7:30pm..

Sa-bi ko id-lip lang. Napatakip ako ng unan sa mukha. Bumalikwas ako sa higaan ng rumehistro mukha niya sa isip ko. Yong charger ko, overcharge! Shoot! Dali dali kong tinanggal yong charger.

3 messages received..

.." Hi, nakauwi ka na? "
.." April or amara? Which is which? "
.." busy? "

.. Ayay! San na naman to papunta. Nakakainis, gusto kong wag na lang pansinin. Pero okay naman siya kausap so far. Pwede na rin to, para mabusy isip ko sa iba. At hindi puro si jov na lang. Bahala na.

.." any of the two. How about your nickname richard?"

.." Chad. :) may bf ka na ba april?"

.."Wew, Galawang goblin? Bilis."

.."haha. Just askin'. Bakit may magagalit ba?"

.." just single :)"

.." haha. Yon! "

Parang alam ko na ang kasunod. Kailangang malihis ng daan tong goblin na to.

.." so, yong tungkol sa thesis? Kailan mo balak magconduct ng survey? "

.." Ah, wala pa kasing signal ng groupmates ko e. Update lang kita when ha april? "

.."ok then."

Five, ten, 30 mims. Passes by. Wala na siyang reply. So there, tinigil ko na rin kakacheck ko sa phone ko.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon