OJT

7 1 0
                                    

Monday...

Ojt days. Natanggap ako sa isang health and wellness company. Exhausting yet fulfilling. 116 hours to go and I'm free. Free from demandings haha. Kakayanin ko to. Tiwala lang.

" Ma'am amara bili mo naman ako ng coffee sa baba. OT ako ngayon e. Same parin ah, yours also sabay mo na diyan. thank you!"

Kahit di naman OT nagkakape ka madam. O-kay lang amara.. (singing)  counted parin to as experience. Ito ang totoong realidad.

.." yes sir! "

Head ng HR department si sir Jimson., isang bisexual. Kaya madam tawag ko kasi yon yong naririnig ko sa mga staff dito. Kapag pulutan nila ng topic si sir. Nakikigaya lang.. Pero sa utak ko lang, syempre head parin yon, takot ko lang ma fired sa unang linggo ko dito. Shoot, nakasalalay grades ko kaya no no! Behave lang dapat.

Mabait si madam, galante pagdating sa foods. Thoughtful. Lagi ako merong pasalubong kahit san siya magpunta. Like imported perfumes and branded bags galing sa relatives niya abroad, meron ako. Pastries and chocolates naalala parin niya ko bigyan everytime nag go grocery siya. Ako lang din binibigyan niya ever since nag ojt ako sa company nato as office staff.

Well,  marami kasing galit sa kanya at alam niya yon. Kasi kanya kanyang pabango mga tao dito kay madam. Nagsisiraan kaya walang pagkatiwalaan si madam. Since bago naman ako at taga sunod lang ng mga utos nila kahit labas na sa trabaho ko ginagawa ko parin. Palibhasa nga ojt lang ako bawal magreklamo di maiwasang mag take advantage ng iba.

Sa sobrang daming pasalubong ni madam sakin syempre nakakapagtaka narin. Kaya di narin ako nagtataka kung isa narin ako sa pulutan ng mga bubuyog dito e. Pero pilit kong winawaglit sa isipan ko mga assumptions ko sa kanya kasi nga wala naman siyang pinapakitang iba bukod sa pagiging generous niya sakin. Bukod dun baka isang araw isa narin ako sa mga bubuyog sa opisinang to. Big No no! din yon dahil hindi ako ganun. Psh.

Si madam okay lang kahit lagi akong inuutusan bumili ng kape, kahit napapagalitan ako sa mga palpak kong trabaho, photocopy na lang mali mali pa tsaka sa mga quota kong on the spot na interviews pero pinagbibigyan parin niya ako. basta okay pakikitungo niya sakin compared sa iba. Deserve ko naman yon. Di rin pala madali ang ganitong klaseng trabaho. Kaya pala sabi ng ilan mas okay ang mag aral. May bonus pang baon kesa mag trabaho.

(Lunch break)

Tinatamad ako bumaba. Silang lahat nag lunchbreak na bukod kay madam tsaka sakin. Ang busy ni madam, puro phone calls. Naka dalawang basong kape na siya sa loob ng anim na oras. Grabe siya.

Nakikita ko siya mula dito sa gawi ko. Nakatalikod ng upo sa swivel chair niya. Nakaharap sa bintana. Isang table lang ang layo namin sa isa't-isa. Kaya mabilis niya lang ako nauutusan.

Kainin ko na lang tong mga bigay ni madam sakin, tambak na dito sa bag ko. Tinabi ko na nga lang yong iba sa ref baka mapanis lang sayang din. Puro chips and chocolate bars lang iniwan ko sa bag. Naalaa ko pala yong egg pie ni madam bigay niya sakin kanina yon na lang kainin ko. Nakakatamad ng bumaba.

.." May time narin mag facebook. Hays, wala naman ako messages, news feeds na naman ako tambay nito psshh.. "

.." ahy, may nagtext sakin Sino naman kaya to. "

.." busy? Kamusta. "(reading text messages)

si chad pala, hmm.. Mareplyan nga to. Boring nako!

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon