Chapter 57: Nominee

56 4 0
                                    

Chapter Fifty Seven


["Dianne, nasaan ka ba? Halika na!"]


"Hindi ko nga alam kung saan yan! Baka maligaw pa ako niyan. At baka mas lalong hindi ako maka attend ng Prom niyan." Sabi ko kay Marian na kausap ko sa phone. Pinapapunta ba naman kasi ako sa salon ng isang kaibigan niyang makeup artist. Sinabi naman niya sa akin kung saan pero siyempre, di ko alam kung saan yun! Maligaw pa ako!


["Hay nako! I gave you the exact address, Dianne! Bakit di mo pa din mapuntahan ito? Nandito na kami ni Jade!"]


"Pwede ba. Ang layo layo naman kasi niyan. Alabang pa yan! Mas malayo pa kesa sa venue ng Prom natin!"


["Marian... pakausap sa kanya."] rinig kong sabi ni Jadyn sa background, ["Hello, Dianne? Ipapasundo na lang kita kay kuya Solomon, Okay? Chill ka lang. Don't mind, Marian. OA talaga yan."]


["Hoy, grabe ka naman, Jade! Siyempre, worried lang ako sa kaibigan natin. Mamaya, mukhang mangkukulam si Dianne sa Prom."]


"Tama na nga, yan. Sige na. Hihintayin ko na lang yung driver ni Jadyn. Aayusin ko na din mga gamit ko."


Nagpaalam na ako sa dalawa. Nagsimula naman akong mag ayos na ng mga gamit ko para sa mga kakalanganin mamaya: mga iilang accessories na gagamitin ko, purse na naglalaman ng panyo at pera.


"Uy, Dianne." Napalingon ako sa pinsan ko na pumasok ng kwarto ko. Sinara niya ang pintuan at saka lumapit sa akin. "Nakalimutan mo sa centre table sa salas yung ticket mo sa Prom mo."


Kinuha ko iyon mula sa kanya. "Salamat, Nics."


"Goodluck mamaya sa Prom mo and enjoy! Last Prom mo na yan dito sa Maynila. Yung susunod na Prom mo, sa Baguio na."


Ngumiti ako. "Oo nga, eh. Salamat ulit, Nics."


Niyakap niya ako at umalis na siya ng kwarto ko. Napatingin naman ako sa teddy bear na nasa kama ko. Magkakalayo man kami ni L, at least, may isang magpapa alala sa akin na minsan sa buhay ko, dumaan siya.


Mayamaya ay narinig ko na lamang na may bumusina na sa labas ng bahay. Sumilip ako mula sa bintana at nakita kong may sasakyan sa labas. Bumaba yung nagdadrive at nakita kong si kuya Solomon iyon, yung driver nila Jadyn iyon. Umalis na ako sa pagkakasilip sa bintana at kinuha ko na yung box na naglalaman ng gown ko at yung purse na dadalhin ko saka ako bumaba.


"Dianne, sundo mo?" tanong ni Tita nang makababa ako. Tumango ako sa kanya.


"Opo. Driver po nila Jadyn. Dadalhin po ako dun sa Salon po nung kaibigan ni Marian. Doon daw po ako memakeup-an sabi nila Jadyn." Sabi ko kay Tita.


"Ma'am Dianne," napatingin ako kay kuya Solomon, "Tulungan na kita sa pagbuhat ng gown."


"Ay, sige po salamat po, kuya Solomon." Saad ko at binigay ko sa kanya ang box na hawak ko. Nagpaalam na ako kela Tita at Nicole na aalis na ako. Sumakay na ako sa sasakyan at nagsimula na si kuya Solomon na mag drive papunta sa Alabang. Hindi talaga ako makapaniwala na doon pa ako magpapa makeup. Ang layo layo ng Alabang sa Maynila, jusmiyo.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon