Chapter 15: The Prodigal Son

134 3 0
                                    

Chapter Fifteen

 

*Myungsoo’s POV*

 

Napakamot na lang ako ng ulo. Sa totoo lang kase, ayokong inaattendan yung org ko. 250 students from high school ang nasa org ko. Wala pa diyan ang college at elementary.

Hinde ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng org, basta sinabi sa akin ni Ms. Young noon na dahil isa ang dad ko sa mga shareholders ng school na ito, dapat daw may hawak akong org. Nagimbento lang ako ng pangalan ng org, God of Handsome. Eh sa gwapogi talaga ako kaya bagay lang sa akin yan. Hinde ko alam na halos buong high school students ang sasali sa org ko.

Ngayon, nandito kami sa gym. At oo, dito kami gagawa ng activity. Gumagamit nga ako ng microphone para maintindihan nila sinasabi ko eh.

“Myungsoo, gosh, you’re really the God of Handsome!!” Sigaw ng isang babae, nagtilian naman yung iba. Nagtakip na ako ng tenga.

“Shut up.” Sabi ko para maturn off sa akin.

Pero nagkamali ako, malakas kasi ang epekto ng pagiging gwapogi ko.

“Kyahhh!!!! He noticed me!!! Guys, I’m gonna die!!!” Sigaw pa niya. Napailing ako, parang mga nakasinghot ng rugby tong mga to.

“Because all of you can’t behave, class is already dismissed. Bye.” Sabi ko pero nagulat ako dahil bigla na lang silang nagcling lahat sa braso ko.

“Myungsoo! My ovaries exploded! I’m pregnant and you’re gonna be a father!” Sigaw pa niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko, VIRGIN pa ako! Kadiri naman tong babaeng to! Tsk.

“Get off of me, slut.” Sabi ko habang pinapanlakihan siya ng mata, para malaman niya na hinde ako natutuwa sa ginagawa niya at sasaktan ko na talaga siya.

“S-sorry, Myungsoo! Please, don’t expel me.” Sabi pa niya. Kumalas ako sa hawak niya sa braso ko at tumingin ng diretso sa kanya.

“I won’t. But you’re ban in my org. Don’t come back again or else, I’ll expel you.” Sabi ko at umalis na. Narinig ko pa ang hagulgol niya kahit nasa malayo na ako. Tss, napakaarte. Nakakainis yung mga babaeng maaarte, konting ganto konting ganyan lang, iiyak na agad.

Buti pa yung kababata ko na babae, hinde iyakin eh.

Naupo muna ako sa isang bench sa labas ng building. Madalas ko kasing Makita dito lumabas si Dianne kaya hihintayin ko na siya para sabay na kami umuwi. Hinde ko siya matetext, hinde ko pa kasi nahihingi number niya. Tss, baka sabihin pa nun, may gusto ako sa kanya.

Tinignan ko ang relos ko. Sakto, tapos na ang oras ng org. Napansin ko rin na naglalabasan na ang mga tao. Habang naghihintay sa kanya, nagheadset ulit ako at pinakinggan ang Clarity. Ewan ko kung bakit pero narerelax ako pag napapakinggan ko to. Maraming salamat kay Dianne, at nalaman ko tong kantang ito.

Nakailang replay na ako sa kantang ito pero hinde pa rin lumalabas si Dianne. Konti na lang ang mga taong naglalabasan. Napansin ko rin na lumabas na ang mga kaibigan niya, si Jadyn at saka yung isa pang babae na hinde ko kilala. Hinde nila kasama si Dianne. Tsk, nasaan na kaya yung babaeng yun?

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon