Chapter 18: Back In The Right Tracks

104 3 0
                                    

Chapter Eighteen

 

*Dianne’s POV*

 

“Myungsoo?” Tawag ko pero walang sumasagot. Chineck ko yung kusina at yung laundry room. Wala siya dun kaya chineck ko ang CR malapit sa sala. Wala rin siya, chineck ko rin yung kwarto niya, wala siya. Nasaan naman kaya nagpunta yun?

Napatingin ako sa side table ng kama niya, nandun ang cellphone niya. Posibleng nandito pa rin siya sa bahay niya. Chineck ko yung veranda, wala rin. Chineck ko yung kwarto ko, wala siya.

Nagpalit muna ako ng damit. From uniform to casual outfit. Mukha naman kasi akong labandera sa uniform ko, hahaha. Pinonytail ko ang buhok ko at inayos ang bangs ko. Nagpa-full bangs talaga ako para hinde Makita ang lapad ng noo ko na kasing lapad lang naman ng Japanese Yen, hahaha! Charot.

Bumalik ako sa kwarto niya at nagbabakasakaling, tatawag siya sa phone niya. Nung nagring, sinagot ko agad.

“Hello, L.” Patay. Hinde si Myungsoo yung tumawag, tinignan ko yung caller id, si Sungyeol. Hala, hinde ako pwedeng magsalita. Baka malaman nilang nandito ako sa bahay ni L. Magiging issue pa to.

“Alam mo, L. Nagmumukmok ulit kami ni Namu ngayon… Paano ba naman, birthday ni Heidi. Kilala mo naman si Heidi diba? Yung ex na nanloko kay Namu kaya siya nag-iba at naging ganito?” Napatakip ako ng bibig, pinipigilan kong mapasinghap. Yung Heidi, siya ang may sala? Ngayon alam ko na kung bakit ganun si Namu… kung bakit babaero siya.

Kasalanan nung Heidi.

“L, naaalala ko na naman kung paano ako nawalan ng tiwala sa mga tao. Naaalala ko kung paano ako naging ganito. Sabi pa nga ni Dianne nung isang araw, para daw akong si King Henry VIII…”

Nakinig pa akong mabuti. Tingin ko, meron pa akong ibang malalaman bukod pa sa nangyari kay Namu.

“Gusto ko sana siyang maging kaibigan. Parehas kami ng interes kaso… naaalala ko bigla, lahat ng tao sa mundo, nangiiwan. Buti na lang, meron pang infinite na susuporta sa akin at hinde mangiiwan.” Napakagat ako ng labi at pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko. Hinde kasi ito ang tamang oras para dun. Gusto kong malaman kung bakit siya napipigilan sa pakikipagkaibigan sa akin, kung bakit lagi niya akong tinataboy. Kung bakit lagi siyang masungit sa akin.

“Si mama… ang mga kaibigan ko… si papa…. At baka si Daeyeol din.” Sabi niya. Napakunot ang noo ko, sino si Daeyeol?

Nagsimula siyang magkwento. Noong 7th birthday niya, nalaman niyang patay na ang mama niya tapos ang papa niya, may bagong asawa na. Hinde man lamang sila sinabihan, parang wala lang sa papa niya. Kaya nawalan siya ng tiwala. Kasi ni hinde man lamang sila sinabihan kung saan ang burol, nalaman niya lang kung saan nakalibing. Natatakot din siya na baka iwanan siya ng kapatid niyang si Daeyeol, na baka matulad yun sa mama niya.

Takot magtiwala si Sungyeol dahil nag-aalala siya na baka sa bandang huli, iwan din siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya.

[NOW PLAYING: JULIE ANNE SAN JOSE – RIGHT WHERE YOU BELONG]

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon