Chapter 7: Challenge

154 4 0
                                    

Chapter Seven


"Oh eto, yelo, isalampak mo diyan sa ulo mo." Saad ni Nicole sa akin. Batukan ko nga, lechugas na yan. Di na nga nakatulong, iniinis pa ako. Dagdag sakit sa ulo.


Minasahe ko ang gilid ng mata ko, jusko, hanggang ngayon, sumasakit ang ulo ko, kakaisip sa sinabi niya last Monday. Susmarya, iniiwasan ko nga siya eh, pero kinikindatan niya ako at ningingisian ako. Hinde ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko.


"Ayoko ng pumasok..." Saad ko. Binatukan ako ni Nicole.


"Aray ha! Ano bang problema mo?!" Sabi ko.



"Hoy, Dianne. Ayus-ayusin mo buhay mo. Ano, hinde ka papasok dahil lang sa sumasakit ang ulo mo sa myungsoo chuchu na yan?! Kung gusto mo, pumayag ka na lang sa alok niya."


"Nicole naman! Jusko, kung ikaw magsilbi kaya sa taong pinaka-ayaw mo sa lahat. Try mo nang maranasan mo kung gaano nakakabwiset." Sabi ko.


"Bahala ka sa buhay mo, Dianne. Buhay mo yan, di ko buhay yan." Sabi na lang niya sabay alis. Nagbuntong hininga ako saka ko inilagay sa bag ang prinepare ko na baon ko. Nagpaalam na ako kay Nicole na hanggang ngayon ay mainit ang ulo sa akin, pati na rin kay tita.


Pinark ko na ang motor ko sa loob ng campus, tinanggal ang helmet at bumaba na. Nakatingin sa akin ang iba, nagtataka siguro kung bakit ako nakamotor. Eh dito lang ako makakatipid at saka akin naman talaga itong motor na ito eh. Bigay sa akin ni papa.


Naglalakad ako papasok ng campus, hinde na rin naman ako siguro maliligaw dito. May mapa na ako ng Infinite University, buti na lang at pinagprint ako ni Jadyn nito.


"Get up there, asshole!" Narinig kong sigaw mula sa corridor ng second floor. Nakita kong maraming tao rin ang nandoon at pinagkakaguluhan ang parang nagsasapakan na iyon. Mga walang kwenta, chismoso't chismosa. Aalis na sana ako nang biglang narinig ko ang isang pangalan na nakapagpatigil sa akin.


"I'm sorry, Myungsoo-ssi! Promise, starting tomorrow, I will no longer study here..." Napatingin ako sa nagsalita. Yung lalaki, nakaupo na habang puro sugat ang tamo niya, siguro pinagsususuntok ito ni Myungsoo.


Lumapit ako sa kanila at nagulat ako dahil bigla siyang tinadyakan sa mukha ni Myungsoo.


"Arasso." Ngumisi pa siya bago umalis. Ang... ang kapal talaga ng mukha nitong ulupong na ito!


Nagsi-alisan na rin ang iba at pinagpatuloy ang mga ginagawa nila. Nagbuntong-hininga ako at lumapit sa lalaking binugbog ni Myungsoo kasama ng iba pang Infinite kanina. Hinde ko nga lang nakita si Jongie at Sungyeol.


"A-are you okay?" Tanong ko. Tinulungan ko siyang makatayo at inihatid ko siya sa clinic. Buti na lang at hinde ito gaano kalayo kaya naman nakayanan pa ng lalaki ang paglalakad.


"T-thank you for your concern. What's your name?" Tanong niya nang makarating kami sa loob ng clinic at inasikaso naman siya agad ng nurse.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon