Chapter 39: The Sung Brothers

72 4 0
                                    

Chapter Thirty-Nine


Napakurap ako. Hindi ko kilala ang kapatid niya, pero paano ako nakilala ng kapatid niya?


Ganun pa man, sumakay na rin ako sa sasakyan niya at ganun din ang ginawa niya. Nag-seatbelt kami bago pinaandar ni Sungyeol ang sasakyan.


"Lagi kasi kitang kinukwento sa kapatid ko. Curious tuloy siya sayo. Pasensiya ka na ah." Saad pa ni Sungyeol.


"No... it's okay." Saad ko sabay ngiti pero deep inside, excited na excited ako. Kulang na lang, meet the family na ang peg namin! Emegherd, kenekeleg eke!


Di ko mapigilang mangiti nang nakarating na kami sa bahay ni Sungyeol. Pi-nark niya ang sasakyan niya at pumasok na kami sa loob.


Kita ko na merong isang teenager na lalaki, mga 14 years old siguro, na papalapit sa akin. Siya na siguro ang kapatid ni Sungyeol?


"Hyung..." saad nito at yumakap kay Sungyeol. Yumakap din si Yeol pabalik sa kapatid niya.


"Siya na ba yun?" tanong niya nang kumalas siya sa yakap nilang magkapatid at bumaling sa akin nang nakangiti. Jusko! Pakiramdam ko, approve sa akin ang kapatid niya. Well, approve din akong maging brother-in-law ko siya! Hihi!


Tumango-tango si Sungyeol at lumapit sa akin yung kapatid niya.


"Lee Daeyeol nga pala! Kapatid niya ako." Saad nito habang nakalahad ang kamay.


Tinanggap ko ito at ngumiti. "Dianne."


"Kilala kita. Lagi kang kinukwento sakin ni hyung." Saad pa niya.


Tumingin ako kay Sungyeol at tumango siya sa akin. Bumalik ulit ang tingin ko sa kapatid niya at ngumiti. Bumaling naman si Daeyeol sa kanya.


"Hyung, pwede ko ba siyang maka-usap saglit?" tanong pa nito.


Ngumuso si Yeol. "Oo. Punta lang akong kusina."


Iniwan niya kami at ako naman, ay dinala ni Daeyeol sa sala at naupo kami sa sofa. Dinalhan kami ng isang katulong nila ng tag-isang hot chocolate. Nako, baka majebaks pa ako nito. Tss.


"Noona..." panimula niya pagtapos niyang uminom ng chocolate.


"Ha? Ah eh, hehe. Hindi noona ang pangalan ko. Dianne." Saad ko.


"Ay, hehe hindi!" sagot ni Daeyeol. "Noona ay Korean term for ate. Mas sanay kasi ako ng Noona."


Oh! Yun pala yun. Pahiya onti hehe. "Oh. Uhm, hehe. Sorry. Hindi kasi ako sanay..."


Uminom ako ng chocolate ko bago siya nagsalita. "Noona, do you like my brother? I mean, more than friends?"


Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon