Chapter 30: Elevator Confession

98 3 0
                                    

Chapter Thirty


"Dianne! Please let me have a spoon of luckiness from you! You're so lucky!"


Hindi ako lucky, please lang. huhu. Kung alam niyo lang ang mga nangyari noong Saturday sa unit ni Myungsoo. Malaman-laman ko pang si Sunggyu ang magiging Romeo. Mygosh! I'd rather die!


"I'm not even lucky..." Saad ko kay Hetty. Minsan naiisip ko na baka ipa-rehab ng magulang niya si Hetty. Masyadong patay na patay sa infinite! Jusme!


"Yes, you are! You're friends with Infinite! Then you're able to see anytime, anywhere the love of my life! You should realize that you're above all the rest!"


Oh god, we're not going to have this conversation again, Hetty Fukuyama.


"Hetty..." Banta ko. Alam niyang ayaw ko ng sinasabihan ako ng ganun. Anong maswerte sa taong lagi na lang napapahiya sa harap ng Infinite? Wala!


Inirapan niya ulit ako. "Okay. I'll shut up."


Hay salamat. Payapa na ulit ang tainga ko.


Kasalukuyan kasi kaming magmi-meeting kasama si Ms. Young. Last Monday, in-announce niya ang mga cast sa play. At gusto ko sanang i-decline dahil nga si Gyu liit mata ang kapartner ko! Kaso, sayang ang pera. Kaya hindi ko rin ma-decline.


Hayy... buhay parang life!


"Okay. All casts present?" Tanong ni Ms. Young habang tumitingin sa papel na hawak niya at tumitingin sa amin isa-isa.


"Oh... Lady Capulet and Romeo Montague are not here yet."


"We're here."


Napatingin kami sa nagsalita. Si Gyu liitm mata na kadarating lang at si... oh gosh. Don't tell me na siya ang gaganap na nanay ko?!


Si Havanna?!


What is happening to the world?!


"Oh. Hi Ms. Wilson and Mr. Kim, please go to your designated seats." Saad ni Ms. Young. May mga nakalaan na seats kasi sa bawat isa sa amin. May mga pangalan na nakalagay. Tulad nung akin, may nakapaskil sa upuan ko na "Juliet Capulet".


Nang Makita ako ni Havanna ay tinaasan niya lang ako ng kilay at hinawi ang buhok. Iniwas ko na lang din ang paningin ko. I have no time para makipag-away pa sa isang taong isip bata.


"Okay! We're all set! Here's the thing... today is Wednesday and I announced the cast last Monday... we'll start rehearsing at Monday at exactly 3pm. We'll rehearse at the Gym. Okay?"


Tumango kaming lahat sa mga sinasabi ni Ms. Young. Nagte-take down notes kaming lahat at sa mga detalye pa na binibigay niya. Sa props naman, provided na daw ng school iyon kaya no worries. Hay salamat naman kung ganoon! Eh kung kami pa magpo-provide, aba baka hindi na ako makakain ng isang linggo nun.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon