Chapter 9: Pregnancy Prank

149 3 0
                                    

Chapter Nine

 

Nakahiga ako ngayon, nakatingin sa ceiling... gusto nang mamatay.


Joke lang. Tinatamad lang ako pumasok! Kasi naman, ano pa bang dapat kong ikaexcite ngayong official slave na ako ni Myungsoo? Tss, kakainis.


"Hoy Dianne! Uso ang bumangon! Bangon na! Malelate ka na!" Sigaw ni Nicole habang kumakatok sa pintuan. Hay, kung pwede lang magtago.


"Oo na! Babangon na!" Sigaw ko rin. Bumangon na ako at bumaba na. Naghain na pala si tita ng agahan naming tatlo nila Nicole.


May pasok rin kasi si tita kaya mas nauna siyang natapos kumain. Tumulong muna ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan bago ako naligo at nagbihis. Pagkabihis, bumaba na ako at nagpaalam kay Nicole. Pinaandar ko na ang motor ko at bumiyahe na. Ang sarap ng hangin pag umaga, tinignan ko rin ang ulap, sky blue pala.


Nagulat ako nang biglang may humarang na sasakyan kaya napatigil agad ako at muntik akong tumilapon.


Bumaba ako at tinignan kung merong sira ang motor ko. Nagsigh ako nang makitang wala naman, at least, may sasakyan pa rin ako papuntang school. Tinignan ko ang sasakyang mamahalin na nasa harap ko ngayon at kinatok ang bintana ng driver's seat.


Nagulat ako nang bigla niyang ito binuksan at nagulat ako sa nagda-drive.


"M-myungsoo?"


Ningisian ako at sinabing, "Hi, Dianne. Good morning. Ganda ng sasakyan ko noh?"


Napasinghap ako sa inis at sinabing, "Ialis mo yang sasakyan mo, Myungsoo. Wala ako sa mood makipagbiruan."


"Ayoko nga. Bumalik ka sa bahay ng pinsan mo, kunin ang gamit mo at sumama ka sakin." Saad nito.


"Paano kung ayoko?" Hamon ko sa kanya.


"Ayos lang. Babalik ako kay Gyu Hyung at sabihin sa kanyang ituloy ang suspension mo from school. Ibabalita ko na rin pala sa pinsan mo ang mga nangyayari sayo." Sabi pa niya sabay ngiting matamis. Ngiting kala mo ikinagagwapo niya, pero ang totoo, nakakairita pag nakikita ko.


Bumalik ako sa motor ko at sinuot ang helmet at inistart ko na ang makina. Sumigaw pa siya bago ko ito hinarurot, "Dianne, wag mong tangkaing iligaw ako. Dahil alam ko kung saan ang bahay mo."


Hinde ko siya pinansin at bumiyahe ako pabalik sa bahay. Tinignan ko ang side mirror ko at nakita kong sinusundan niya pala ako. Bwiset na lalaking ito.


Pagkarating sa bahay, pinark ko lang ang motor ko at pumasok sa bahay. Nagulat pa si Nicole sa akin at tinanong kung may nakalimutan ako pero hinde ko siya sinagot. Dumiretso ako sa kwarto ko at inempake na lahat ng gamit ko. Binaba ko na ang bag ko.


Nagulat ako dahil biglang dumating pa si tita. Parehas sila ni Nicole na nakatingin sa akin at gulat din.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon