Chapter 40: He Needs Me

58 3 0
                                    

Chapter Forty


Dalawang araw na ang lumipas simula nang tinanong ako ni Sungyeol kung pwede ba niya akong maging girlfriend. Dalawang araw ko na din hindi pa nasasabi ang sagot.


Huminga akong malalim at naglakad papasok ng school. Dahan-dahan lang ako sa paglalakad, pakiramdam ko kasi parang humihinto ang mundo ko. Umiling ako. Para akong baliw!


Paanong hindi ako mababaliw eh kung titignan maigi, halos tatlo sa Infinite ang umamin na may gusto sa akin! Si Sungjong, Woohyun, at Sungyeol! Kaloka!


"Wuy..." napatingin ako sa nagsalitang iyon at nakita ko si Dongwoo na sinasabayan pala ako sa paglalakad.


Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid. "Hi."


Kumunot ang noo niya nang makitang medyo hindi malapad ang ngiti ko. "Ayos ka lang ba? Para kang may problema."


Umiling ako. "Wala naman. May... iniisip lang."


Tumango-tango siya at nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa escalator. Masyado kasing crowded ang elevator kaya nagdesisyon kaming mag-escalator na lamang.


"Kamusta na pala ang LOL Club?" tanong ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na dalawa ang maging org ko, definitely, ang sasalihan ko ay yung kay Dongwoo at Sungyeol. Masyado akong nage-enjoy sa dalawa.


"Okay naman. Actually, medyo matino na si Havanna. Okay naman ba kayo sa rehearsals niyo? Kahapon? Okay naman ba pakikitungo niya sayo at ni Sunggyu?"


Huminga akong malalim bago ko sinagot ang tanong niya. "Okay naman. Actually, hindi na ako gaanong pinapakelaman ni Havanna. Si Sunggyu naman... well, civil na lang ang pakikitungo niya sa akin."


True. Dahil nung rehearsal namin kahapon, si Havanna hindi naman ako gaanong kinakausap. Pag may eksena lang kaming dalawa. Si Sunggyu naman, okay naman ang pakikitungo sa akin. I mean, hindi na siya gaanong masungit or kung ano man. Kinakausap niya pa rin naman ako pero bihirang bihira lang. Kapag may ipapaalala lang siya tungkol sa eksenang gagawin namin.


Nakarating kami sa room at bago ako pumasok ay tinawag ulit ni Dongwoo ang pangalan ko kaya naman napalingon ako sa kanya.


"Hintayin mo ako mamayang break mo ah. May ipapakita ako sayo mamaya." Saad niya. Tumango na lamang ako at pumasok sa loob ng room at kita ko si Jadyn na nagd-doodle sa isang type writing. Ang babaeng 'to, magaling talaga mag-drawing! Kainggit!


"Jade..." tawag ko sa pangalan niya kaya tinigil niya ang pagd-doodle at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti naman siya nang Makita niya ako.


"Uy, lika! Upo ka dito. Wala pa si Hetty eh." Saad niya at tinuro ang bakanteng upuan na katabi niya. Umupo naman ako tulad ng sabi niya.


"Nasaan siya?" tanong ko habang tinitignan ko ang doodle niya.


Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon