Chapter 45: Who To Date?

72 4 0
                                    

Chapter Forty Five


Patuloy lang akong hinatak ni Myungsoo hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Ni lock niya agad ang pintuan niya at ako naman ay kumawala sa hawak niya.


"Ano bang problema mo?" singhal ko sa kanya. "Bakit hindi mo ako pinapayagang makipag date kay Sungyeol?"


"Kasi ayoko." Kalmado ang boses niya pero halata sa pagtaas baba ng dibdib niya na hindi siya kalmado. Ako din naman, ah! Hindi din ako makakalma dahil sa ginawa niya!


"Ayaw mo? Eh ano ngayon?" saad ko pabalik. "Wala kang say kung sino ang gusto at pwede kong maka date. I'll date whoever I want! I want to date your bestfriend! Hindi ko hinihingi permiso mo. Kaya sa ayaw't sa gusto mo, matutuloy kami ni Sungyeol bukas!"


"Hindi." Matigas ang tono ni Myungsoo. "Mananatili ka lang sa school buong maghapon, kasama sila Jadyn. Hindi ka sasama kay Sungyeol."


"Bakit ba ang kulit mo? Ang sabi ko, wala ka ng pakialam doon! Bukas, aalis kami ni Sungyeol!"


"Sinabi kong ayoko din!" sigaw ni Myungsoo pabalik, sumabog na siya sa galit at inis. "Bakit din ba ang kulit mo? Bakit ba pinipilit mo kayong dalawa ni Sungyeol eh hindi naman kayo bagay? Kung gusto mong makipag date, edi ako na lang! Mag date tayo! Umaga, tanghali, gabi, kahit madaling araw pa! Kung kelan mo trip, sabihin mo sa akin! Papayag naman ako, eh! Kasi mas bagay pa tayong dalawa!"


"Ano?" sigaw ko.


Unti unti siyang lumapit sa akin pero hindi ako nagpatinag sa ginawa niya. Akala niya siguro matatakot ako sa kanya! Utot niya!


"You're not going anywhere. Sa mismong araw ng play niyo, nandoon din ako. I'm not going to let you date other guys. Ang taong pwede mo lang maka date ay ako. Naiintindihan mo? Kapag hindi mo ako sinunod..."nilapit niya ang mukha niya at kaunti na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nanginig ako sa ginawa niya. Jusko! Kinakabahan ako! Ang bilis ng kabog ng puso ko! "Isang halik sa labi mo. Gusto mo ba ng sample dahil matigas ulo mo ngayon?"


Tinampal ko ang bibig niya gamit ang kanang kamay ko. Langya! Halik? Pwede ba! Nakakapanindig balahibo mga pinagsasasabi niya. Hindi pa nga ako nakakaget over sa ginawa niya sa akin nung kinuha niya ako kela Leo, eh.


"Halikan mo yang kamay ko. Manyak." Inirapan ko siya at umalis ako sa kwarto niya. Narinig ko pa ang mumunting halakhak niya bago ako nakaalis ng kwarto niya. Baliw talaga! Galit kami, nagsisigawan, tapos biglang babanat ng ganoon, tapos tatawa siya. Diba? Gawain ba yun ng nasa tamang pagiisip? Tss.


Bumaba ako at tinignan sa salas kung nandoon pa si Yeol pero wala na siya. Umalis na siguro. Inaway away ba naman kasi ng ulupong na nasa kwarto, eh.


Lumipas ang ilang araw and true enough to his words, may mangilan ngilan na estudyanteng lalaki (swear, walang babae. Puro mga nerds at kung minsan pa nga ay bakla! Kaloka!) ang lumalapit sa akin at sinasabing, "You are under surveillance." Tapos ituturo sa akin na nakamasid si L sa akin mula sa malayo at every time na titignan ko siya, kikindatan niya ako. Ugh! Gusto ko siyang panain straight sa mukha mula sa malayo!

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon