36

387 11 1
                                    


ARA


Dalawang araw na nakalipas matapos ung hindi inaasahan pag kikita namin ni Mika. Aaminin ko natuwa ako kasi nakita ko siya ulit.


Nakapag usap kami kahit saglit lang at alam ko may ilang pa din siya sakin siguro okay na din to paunti unti hanggang sa maging okay na agad.


''Vic, uwi muna ako Batangas ako. Ikaw nalang muna bahala dito yung kambal sinundo ni Ate Cha may family dinner daw sila. Basta ikaw na bahala dito wala ka naman pasok ngayon diba?''


Si Kim habang nag sa-sapatos siya. Uuwi muna daw siya Batangas na miss nya na siguro sila Tita don. 


Okay na din ng makapag pahinga to si Kim siya kasi at ang Kambal ang nagiging referee dito sa dorm. Pag nag aaway kami ni Mika....


Mika again. Ba't ba lagi si Mika iniisip mo Vic? Simula nung unexpected lunch lagi bigla biglang pumapasok si Mika sa isip ko nang di ko malaman ang dahilan. Haay, namimiss ko na nga ng sobra siguro ung best friend ko na yon.


''Yes po, madam.'' sagot ko naman kay Kimmy.


''Mag pahinga kana muna don mag bakasyon ka para hindi ka na na stress dito sa dorm''


''Oo yon talaga gagawin ko nakakapagod maging referee kaya sainyo ni...'' 


Hindi niya na natuloy ung sinasabi niya, alam ko napaisip din siya...

Pero totoo naman nakakapagod kaya gumitna sa lahat ng away namin ni Mika, lalo na pag palagi.

Hanga nga ako dito kay Kimmy biruin mo, natiis niya. Hayst, swerte ko talaga sa kaibigan.


''Bunganga ko talaga. Sorry Vic'' natatawang sabi ni Kim


''Totoo naman Kim. Ikaw ang taga awat namin ni Mika sa bawat away namin e. Kung ako tatanongin kung may Best referee award hindi na ko pag da-dalawang isip ibigay yon sayo.''


Dinaan ko nalang sa biro, umagang umaga kasi parang drama namin dalawa. Lalo na hindi bagay mag drama samin.


''Ano kaba! Para ka naman bago ng bago. Sanay na ako at kambal sainyo ni Mika na parang aso't pusa palagi. To be honest namimiss ko nga pumagitna sainyo, dalawang buwan na din kasi tahimik to dorm, ikaw at ang kambal lagi wala at dahil ako ang mabait ako ang lagi andito. Tapos umalis pa si Mika''


Napatigil naman si Kim at napatingin sakin. Alam ko may gusto siyang itanong sakin may gusto siyang liwanagin pero alam ko ayaw niya pangunahan ang pwede mangyari. Bukod kasi sa napakapensiyoso ni Kim, malawak din sya umintindi. Hay ewan ko. Sobrang laki ng pasasalamat ko sakanya na hindi niya ako iniiwan kahit ang hirap ko na minsan intindihin.


''Tama na nga 'to, pupunta lang ako Batangas hindi ako lalayas ang drama drama mo na''


''Hoy kim. Sino kaya nauna''


''Oo na. Wala yon saka para ano pa't mag kakaibigan tayo diba? Tayo na nga lang mag kakasama, kahit nakakasawa tinitiis ko nalang, hahaha''

Catch me If i fall. (Mika Reyes and Ara Galang fanfic)Where stories live. Discover now