[2] Sundae, The Cynical Bitch

3.7K 112 0
                                    

CHAPTER TWO

SABAY pa silang napalingon ng lalaki sa pinanggalingan ng boses na iyon. Ang magaling na si Eclair, nagpakita na rin. At sinabi ba nitong i-date na lang niya ang tukmol na chinitong ito? Samantala, tila nakahinga naman nang maluwag si Honey sa pagdating ni Eclair dahil walang pasabing iniwan sila nito at pumasok ng opisina nilang tatlo.

"What?" she exclaimed in horror. "Are you out of your mind? Hindi ko idi-date ang..." hindi napigilang hagurin niya ang kabuuan ng lalaki. Why does he have to be this good-looking? Nasisira tuloy ang concentration niya. "Ah," pumalatak siya, "never mind." Nag-iwas siya ng tingin at pasimpleng kinagat ang ibabang labi.

"I'm Rickson," sabi nito.

"Ano'ng pakialam ko?" gigil na baling pa niya rito.

"Hindi ko naman sa'yo sinasabi. Sa kanya," at itinuro nito ang pinsan niya. "Hi, Miss. Pwedeng malaman ang pangalan mo?"

Umismid lang si Sundae at nag-iwas ng tingin para itago ang pagkapahiya. Maikling-maikli na nga lang ang pisi niya, gusto pa yata nitong sagarin. Baka ano pa ang magawa niya rito. E ano ngayon kung hindi naman siya ang type nito?

"She's Sundae, my cousin," pakilala ni Eclair. Ang kamay ni Rickson na nakalahad ay sa kanya nito itinutok. "Part-owner siya nitong NegativiTEA at normal na lang sa kanya na dumaan dito sa shop para kunin ang ready na niyang order. Pasensiya ka na rin daw sa rudeness niya. Babawi naman siya sa'yo. A date will do, right?"

Sa sinabi ay pinandilatan ito ni Sundae pero bale-wala naman iyon sa pinsan niya. Si Rickson naman ay malapad na ngumiti.

"Well, pwede na rin," anito.

"Aba't ang yabang mong tukmol ka, a? Hambalusin kaya kita nitong bag ko?"

"Hey, cous, easy on him," awat naman ni Eclair. "He is still our customer. Masisira ang reputation ng NegativiTEA kung ganyan ka. Ano ka ba? Kailangan mong pagbayaran ang rudeness na ginawa mo sa ating beloved customer."

Nakangisi si Eclair. Hindi pa ito nakontento at kinindatan pa siya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata tanda ng pagbibigay niya rito ng babala pero inaasar yata siya nito at hindi siya pinansin. Halatang tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari. Naku, naku. Huwag lang sana siya nitong masisi kapag pinagbuhol na niya ang mga ito.

"Sa pagkakaalam ko, customer ako sa mga sandaling ito at hindi may-ari ng NegativiTEA, cous," may diin niyang sabi. "Kaya nasa akin ang karapatan na umangal sa isang customer na bigla na lang maninita sa akin na 'di naman niya nalalaman ang daily routine ng iba pang customer ng shop na ito. And besides, hindi lang naman siya ang nasingitan ko. Marami pang mga nauna sa kanya, siya lang ang may violent reaction."

At hindi na niya kasalanan kung hindi iyon alam ng intsik na ito.

"Sa pagkakaalam ko rin, motto ng shop ang first come, first serve. Kararating mo lang, nauna ka pang makakuha ng order," may diin na rin sa boses na anang lalaki sa kanya.

Hay, naku. Naiikot ni Sundae ang mga mata. Kailan ba matutuldukan ang yugtong ito? Utang-na-loob naman. May trabaho pa siyang kailangang balikan!

Hanggang saan siya magtitimpi?

"Alin ang hindi mo maunawaan sa mga sinabi ko? Ha? Ready na ang order ko, basta ko lang ipi-pick up—"

"Sandali, sandali!" Pumagitna na sa kanila si Eclair. "Cous, pumayag ka na lang na makipag-date sa kanya para bayad ka na sa atraso mo sa kanya."

"Wala nga akong atraso sa tukmol na 'yan!"

Ano, paulit-ulit na lang ba sila nito? Nagulat pa siya nang bigla na lang siyang hinila ni Eclair palayo kay Rickson.

LiberTEA Trilogy 3: Sundae [PUBLISHED AS E-BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon