[3] Sundae, The Cynical Bitch

3.4K 88 0
                                    

CHAPTER THREE

PAGKATAPOS ng program niya ay nagpasya siyang dumaan sa NegativiTEA. Balak niyang kausapin si Ice na dapat ay kahapon pa niya ginawa kung hindi lang nawala sa isip niya. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari at nagkaganoon. Baka naman pwede pa niyang lusutan ang mangyayaring date bilang kabayaran sa atraso niya.

"Para ho talaga sa lalaking customer 'yong kape, Ma'am," ani Ice nang ipatawag niya ito sa opisina niya.

"Ano?" gulat na anas niya. "Hindi ka ba sinabihan ni Violet na papunta na 'ko kaya gusto kong handa na ang kape ko pagdating ko?"

"Kaya nga po. Gagawin ko na sana 'yong order niyo nang dumating si Sir at white coffee rin ang order kaya para po sa dalawa 'yong tinimpla ko. Naisip ko po kasi na mabilis lang naman iyon kaya siya na muna ang inuna ko kasi nga po siya ang nandoon at nagmamadali rin siya. Hindi ko naman po inasahan na bigla kayong dadating. Sorry po talaga, Ma'am."

"I can't believe this," napailing na sabi niya at nasapo ang kanyang sentido. "So ako nga talaga 'yong nang-agaw."

"Kasalanan ko po 'yon, Ma'am. Ma'am, sana po bigyan niyo pa 'ko ng isa pang pagkakataon. Hindi na po mauulit. Ipa-prioritize ko na talaga kayo sa susunod," nakatungong sabi naman ni Ice.

At ano pa nga ba ang magagawa ni Sundae e nangyari na ang mga nangyari? Hindi naman pwedeng ibunton na lang niya kay Ice ang lahat ng sisi. Isa pa, iyon lang naman ang unang beses na nagkaroon ng pagkakamali ang barista nilang ito. Maliit na pagkakamali na pinalaki niya dahil ayaw niyang magbigay.

"I am not mad. Naiintindihan ko. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo."

Tila naman nabunutan ng tinik si Ice dahil sa sinabi niya.

"M-maraming salamat po, Ma'am..."

Tinanguan naman niya ito. Hindi na niya alam kung ano ang gusto niyang gawin sa libre niyang oras kaya naisipan niyang lumabas naman. Wala si Honey dahil kuma-career na naman ito malamang. Bukod sa pagiging co-owner ay photographer din ang pinsan niyang iyon at may-ari rin ng Print Creatives. Si Eclair naman ay malamang na nagsuot sa kung saan at nagsusulat. Isa kasi itong romance writer sa isang kilalang publishing company. Karamihan sa mga librong display sa shelves nila ay mga obra nito.

"'Wag mo lang akong isusumbong sa kuya ko na tumatangkilik ako sa ibang coffee shop, ha. Baka itakwil ako n'on."

Naagaw ang atensiyon ni Sundae ng dalawang lalaking pumasok sa loob ng coffee shop. Awtomatikong napatutok ang mga mata niya kay Rickson. Nang magtama ang mga mata nila ay may kung anong humalukay sa kanyang sikmura. Sinikap niyang umakto nang normal lang. Kung pwede nga lang sana ay tumakbo na lang siya pabalik ng coffee shop.

Gusto niyang sabunutan ang sarili niya. What the hell is wrong with her?

"Miss DJ, tapos na ang program mo? Nakakabitin naman," nakangiting sabi nito habang papalapit sa kanya. Ang isang gwapong kasama nito ay dumeretso naman sa counter.

"'Wag mo 'kong sisimulan, Mr. Caller. Wala ako sa mood," malamig na pakli niya.

"Ang sungit mo na naman."

"Alangan namang magpanggap akong masaya akong makita ka?"

"Well, wala kang choice. Nandito ako para pag-usapan natin ang date natin sa weekend."

"So nakapag-set ka na pala ng date. Nice. Hindi mo man lang ako naisipang konsultahin bago ka nag-decide."

Hinintay pa naman niyang tawagan siya nito.

"Kailangan pa ba? All you have to do is to show up, right?"

"Sino 'yang kasama mo? Siya ba ang sinasabi mong ipapa-date mo sa 'kin?"

LiberTEA Trilogy 3: Sundae [PUBLISHED AS E-BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon